Tambuling Batangas Publication December 05-11, 2018 Issue | Page 3

BALITA December 5-11, 2018 Vice-Mayor Berberabe hindi tatakbong vice-governor Batangas City Vice-Mayor Emilio “Doc Jun” Berberabe Jr. sa regular na sesyon ng Sangguniang Panglungsod, National... Fasting) and Detox (Juice Fast, Master Cleanse). Although fad diets promise a rapid and substantial weight loss, something like one kilogram per week, the dramatic claims are not supported by scientific evidence but are just based on anecdotal accounts or testimonials , although some studies back up claims according to the NNC. This practice does not also include a balanced nutrition, improvement in health and exercise which the body needs . Further, this kind of weight loss does not give health warning to those with pre-existing medical conditions, thereby posing risk to the health of an individual. mula sa pahina 1 Another negative effect of fad diets is that it does not result in “long-term behaviour modification” considering that proper weight reduction involves a lot of discipline, determination and commitment and lifestyle change. The policy statement of the NNC on fad diets is: “Food diets are not recommended for weight loss as it may pose potential health risk and dangers. Instead, the NNC recommends the adherence to a holistic, sustainable, adequate and nutritionally- balanced diet, complemented by an active lifestyle and lifelong behavioural modifications.” “It is also the position of the NNC that individual efforts to address overweight and obesity must be complemented with population-based interventions , particulary on the promotion of of healthier food environments, food systems and public awareness through behavior-change communications tp prevent further increase in overweight and obesity prevalence in the country.” Meanwhile, Manalo said that their office will conduct testing of salt sold in the public markets in Batangas City to determine their iodine content using the WYD Checker. This is in line with the NNC’s advocacy on National Salt Iodization Program. (PIO Batangas City) National Children’s Month ipinagdiwang IPINAGDIRIWANG ng Batangas City ang National Children’s Month sa diwa ng mga programa at proyekto nito sa mga bata na ipinatutupad ng iba’t ibang departamento ng pamahalaang lungsod at sa pangangasiwa ng City Council for the Welfare of Children (CCWC) Ang National Children’s Month ay ginagawa bilang commemoration ng adoption ng Pilipinas ng United Conventions on the Rights of the Child na isang human rights treaty na nagsasaad ng civil, political, economic, social, health at cultural rights ng mga bata. Isa sa mga major projects ng lungsod ang Early Childhood Care and Development Program na ipinatutupad ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO). Sa kasalukuyan ay mayroong 107 Child Development Centers sa lungsod kung saan binibigyan ng early education, health care at social services ang mga bata bago sila pumasok ng formal education sa elementary. Ang City Health Office ay may mga health services kagaya ng immunization, nutrition program, dental health care, health education at iba pa. May mga programa din sa mga bata ang Department of Education kagaya ng Alternative Learning System,, Special Education at Indigenous Peoples Education Enrolment. Ang City Civil Registrar’s Office naman ay nagsasagawa ng mobile registration, information/ education sa mga paaralan sa kahalagahan ng civil registration, Oplan Kamalayan BINIGYANG-LINAW ni Batan- gas City Vice-Mayor Emilio “Doc Jun” Berberabe Jr. sa regular na sesyon ng Sangguniang Panglung- sod, November 27, na hindi siya kakandidato bilang vice-governor ng probinsiya ng Batangas para sa mid-term elections sa May 2019. Ito ay taliwas sa mga lu- mulutang na balita na si Berberabe umano ay magiging substitute can- didate at papalit kay Reynan Bool, kandidatong bise-gobernador ng partido Pederalismong Dugong Dakilang Samahan (PDDS) ni Secretary Bong Go. Ang last day ng filing ng kandidatura para sa substitution candidate ay sa No- vember 29. “Gusto ko pong linawin ang mga haka-haka at mga balita na ako daw po ay tatakbo bilang vice-governor ng probinsiya. Sa katunayan po, marami po ang lumalapit sa akin, tumatawag at nag-iimbita para sa mga meeting. Lilinawin ko na wala po itong katotohanan. Ang tatakbuhan ko po ay vice-mayor pa rin ng lungsod ng Batangas,” sabi ni Berberabe. Ayon pa rin sa kanya, bagama’t nakakatukso ang mga alok ng ibang partido para siya ay tumakbo bilang vice-governor, ang puso niya ay nasa sangguniang panglungsod. “Matapos po naming mag-usap-usap ng aking pamilya, napagkasunduan po namin na ituloy ang laban para sa lungsod. Mahal ko po ang Sangguniang Panglungsod dahil pamilya na po ang turing ko sa lahat ng emp- leyado dito,” dagdag ni Berberabe. Isa rin aniya sa pumigil sa kaniyang pagtakbo sa probinsiya ay ang pagkakaroon ng pagkakaisa ng mga opisyales ng lungsod o ang tinatawag na One Batangas. “Buong-buo po ang su- porta ko sa ating Punong Lungsod, Mayor Beverley at Congressman Marvey. Kitang-kita naman natin na swak na swak ang kanilang tandem, at nais ko pong maging katuwang nila para sa patuloy na pag-unlad ng ating lungsod,” pagtatapos ni Berberabe.(PIO Batangas City) Batangas City finalist sa National Gawad Kalasag ISA ang Batangas City sa mga finalists sa 20th National Gawad Kalasag ng Office of the Civil Defense kung saan binibigyang pagkilala ang mga local government units na may natatanging city/municipal disaster risk reduction and management councils. Kasunod ito ng pagkanalo ng back-to-back first place ng Batangas City DRRMC sa Gawad Kalasag sa Region 1V-A noong August 31. Tinanggap ng delegasyon ng Batangas City ang citation sa awarding ceremony, December 4, sa AFP Theater, Camp Aguinaldo., Quezon City. Kabilang sa delegasyon sila Mayor Beverley Rose Dimacuha, City Social Welfare and Development Officer Nila Española, CDRRMO chief Rod de la Roca at iba pang kinatawan ng lungsod. Muli ring naging finalist ang Barangay San Isidro Child Development Center na tumanggap ng citation bilang natatanging Early Learning Center. Special Recognition for Group Category naman ang iginawad sa Team SIGAW ng Batangas State University para sa kanilang imbensyon na tsunami early warning system. (PIO Batangas City) na nagbibigay ng libreng birth certificates sa mga Grade 1 enrollees sa mga public schools at ang legitimation ng mga kwalipikadong bata na anank ng mga mag-asawang ikinasal sa mass wedding ng CRO. Ang Batangas City Police at City Prosecutor’s Office ang tumututok sa mga kaso ng child labor, child trafficking at iba pang paglabag sa karapatan ng mga bata. Ang mga nasabing departamento ay kabilang sa mga miyembro ng CCWC kasama ang mga kinatawan ng pribadong sekltor na mayroon ding ipinagkakaloob na serbisyo para sa kapakanan ng mga bata. Bilang bahagi ng nasabing pagdiriwang na may temang “Tamang Pag-aaruga para sa mga Bata”, muling nagdaos ng Little Mr. And Ms. United Nations 2018 ang CSWDO, November 28, sa Batangas City Convention Center Nagpagandahan ang mga bata sa mga costumes ng iba’t ibang bansa kung saan nanalo bilang Little Mr, andMs. United Nations 2018 sina Keign Valynne Amber Padua at Jacobe De Castro ng Calicanto 1 Child Development Center dahilan sa ganda ng kanilang costumes na kasuotan ng Thailand at sa galing ng kanilang pagdadala ng kanilang costumes. Nagpaabot ng pasasalamat si City Social Welfare and Development Officer Mila Espanola sa mga magulang sa suportang ipinagkaloob ng mga ito sa naturang kompetisyon. Binigyang diin niya na makakaasa ang mga magulang na higit pa nilang pag-iibayuhin ang Early Childhood Care Development (ECCD) program sa lungsod upang mas mahubog ang physical, emotional, social at cognitive development ng mga kabataan. Nauna rito, nagdaos din ang CSWDO ng Children’s Congress sa barangay Ilijan at San Isidro at sa NUCITI mall noong November 14 at 19. (PIO Batangas City)