Tambuling Batangas Publication August 15-21, 2018 Issue | Page 2

BALITA Siya ay si Aaron Cynric Regala, 13 taong gulang mula sa barangay Calicanto at Junior Highschool Student ng Saint Bridget College ang nagkamit ng bronze award sa singing competition sa World Championships of Performing Arts (WCOPA) na ginanap noong July 9-14 sa Long Beach, California, USA Barangay Conde Itaas muling nahirang na regional outstanding barangay nutrition committee HINIRANG na 2017 Regional Outstanding Barangay Nutrition Committee (ROBNC) ang Barangay Conde Itaas Batangas City sa ika-apat na taon sa pangunguna ni barangay chairman Apolinario Camo sa isinagawang 2018 Regional Nutrition Awarding Ceremony for CALABARZON na ginanap sa Acacia Hotel sa Alabang noong ika-14 ng Agosto. Kasabay ng awarding ang pagkilala kay Gng. Graciana Suarez ng naturang barangay bilang finalist para sa Regional Outstanding Barangay Nutrition Scholar sa ikatlong sunod na taon. Tinanggap ni Pangulong Camo ang plake para sa barangay habang si Suarez naman ay tumanggap ng plake at cash prize na P 3,000. Kasama rin ng delegasyon ng Batangas City ang hepe ng City Nutrition Division na si Luciana Manalo at ibang opisyales ng barangay. Sa kanyang mensahe, sinabi ni Camo na bukod sa pagpapanatili ng zero malnourished ng mga batang may edad 0-59 months, pinalakas nila ang kampanya sa breast feeding. Kabilang aniya sa mga programa nila ang pang-araw-araw na serbisyo ng kanilang health center sa mga buntis at sanggol, pagsusulong ng zero homebirth, libreng vitamins para sa mga bata, feeding program, family planning, maintenance and sanitation, home and community food production at nutrition education sa pamamagitan ng Pabasa para sa Nutrisyon. Tinuturuan din sila sa pag-iwas at pagkontrol sa mga nakakahawang sakit at epidemya. “Para naman sa ating tema ngayong taon na ‘Ugaliing Magtanim, Sapat na Nutrisyon Aanihin’, buong pagmamalaki kong ipinaalam sa inyo na halos 100% ng aming kabahayan ay mayroong taniman ng gulay at prutas sa kanilang bakuran. Noong 2017, pinag-aralan at matagumpay na ginamit namin ang organikong pamamaraan ng pagtatanim ng mga gulay upang maging ligtas ang mga ito sa kemikal na mapanganib sa kalusugan ng mga tao,” ayon kay Camo. Ang pagpili sa mga nagwagi ay isinagawa sa pamamagitan ng pagbisita ng mga myembro ng Regional Nutrition Council CALABARZON sa ibat- ibang lungsod at lalawigan upang magsagawa ng ebalwasyon at matutukan ang implementasyon ng nutrition program. Ayon kay Congresswoman Arlene Arcillas, keynote speaker ng okasyon, hindi dapat natatapos sa mga awards ang responsibilidad ng isang local government unit upang labanan ang malnutrisyon. “Kailangan po nating umisip ng mga pamamaraan kung paano pa natin mas mapapalakas ang serbisyo hinggil sa malnutrition. We should all work hand in hand to fight this and think of ways to do better,” dagdag pa ni Arcillas. Tinanghal na Regional Outstanding BNS in the Region si Sarah Villacarillo ng Sta. Rosa City. samantalang ginawaran ng Nutrition Honor Award (NHA) ang bayan ng Sta. Rosa, Laguna. (PIO Batangas City) barangay chairman Apolinario Camo, Gng. Graciana Suarez ng naturang barangay bilang finalist para sa Regional Outstanding Barangay Nutrition Scholar August 15-21, 2018 Pride ng Batangas City, bronze winner sa international singing at makailang beses na siyang competition nagwagi sa mga singing contests ISANG maipagmamalaking mang-aawit sa Batangas City ang nagkamit ng bronze award sa singing competition sa World Championships of Performing Arts (WCOPA) na ginanap noong July 9-14 sa Long Beach, California, USA. Siya ay si Aaron Cynric Regala, 13 taong gulang mula sa barangay Calicanto at Junior Highschool Student ng Saint Bridget College. Nagwagi siya ng bronze medal sa Junior Vocal Solo sa Contemporary kung saan inawit niya ang I Believe ni Fantasia at ang awitin ng Journey na Dont Stop Believing sa Rock. Ayon kay Aaron, mula sa 5,000 nag audition noong nakaraang taon, 400 dito ang nakapasa subalit 87 lamang silang delegates ang natuloy sa America. May 50 kinatawan ng ibat-ibang bansa ang kanyang nakalaban kung kayat lubos ang kanyang kasiyahan na siya ay nagwagi dito. “Sobrang happy ko po at inexpect ko po talaga na mananalo ako,” sabi ni Aaron. Dalawang taong gulang pa lamang aniya siya nang siya ay magsimulang umawit Aug... ng counterparts ang mga student leaders upang malaman nila ang trabaho ng isang opisyal ng lungsod. “Kagaya ng mga Boy Scouts, dito pa lamang makikita na nila na hindi biro-biro ang trabaho ng isang local official, upang sa pagdating na sila naman ang uupo bilang mga lider ng bayan, sa kanilang paaralan. “Pangarap ko po talaga na makilala sa larangan ng pag awit at maipakita ang aking talento sa buong mundo” dagdag pa niya. Namana niya ang angking husay sa pag-awit sa kanyang ama at lolo na isa mga myembro ng sikat na Sancelo Trio. Ilan sa mga ginawa niyang paghahanda para sa contest ay water therapy, vocalization, practice at matinding disiplina. Ang WCOPA ay isang prestihiyosong kompetisyon para sa singing, dancing , acting, variety acts, at iba pa. Isa sa mga nagwagi dito ay ang sikat na singer na si Jed Madela. Nagpasalamat si Aaron at ang kanyang pamilya sa lahat ng mga tumulong upang makarating sila sa naturang kompetisyon. Payo naman niya sa mga nagnanais na marating ang tagumpay na naabot niya na huwag tumigil mangarap upang makamit ang kanilang minimithi. Plano niya na lumahok sa Tawag ng Tanghalan at sa The Voice Teens sa susunod na season nito.(PIO Batangas City) mula sa pahina 1 may ideya na sila kung paano ito gagampanan,” sabi ni Atienza. Sinang-ayunan naman ito ng mga myembro ng konseho at nangako ng pagsuporta sa lahat ng mga aktibidad ng Sangguniang Kabataan sa lungsod. (PIO Batangas City) Convention enlightened, encouraged and empowered PWDs TAGAYTAY CITY, CAVITE – A two-day convention for Persons with Disability (PWD), the Cavite Provincial PWD Convention was held recently at Angel’s Hills Convention Center here. The event was thru the initiative of the Provincial Government of Cavite (PGC) thru the Provincial Government-Cavite Office of Public Safety (PG-COPS) and the Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) that proved to be a success because it served as a venue for disabled persons to be heard; be a source of inspiration and be given a bigger role in society. PGC representative Atty. Khervy Reyes, Supervising Cooperative Development Specialist welcomed the participants and at the same time pledged support of the provincial government for programs and projects to upgrade the lives and welfare of the PWDs in the province. Speakers in the event on the first day were Mr. Michael Vincent D. Mercado of Center for Disaster Preparedness Foundation, Inc. who discussed “Charting the Course Towards Resilience and Inclusion in the Philippines”, Mr. Edward T. Ello of Humanity and Inclusion explained “ Experience on Access to Services” while Engr. Ricky Bunao, Chief of DRM Division DSWD IV-A talked about the topic of “ Role of PWDs in Disaster Risk Reduction and Management”. In addition, topics namely “Towards an Accessible and Barrier Free Environment” and Health Care Program for PWDs were deliberated in full by Engr. Aldwin Jester Angcaya of DPWH Cavite and Ms. Adela Z. Dela Cruz, NCD Program Coordinator of PHO-Cavite respectively. Discussions on day two enlightened the participants about the “Highlights of RA 10754” which was explained by Mr. Miguel Antonio P. Limon, Regional Program Coordinator of the National Council on Disability Affairs followed by an overview for the subject matter of employment opportunities for PWDs was given by Mr. Dionisio Dalusong, IDD Head of DSWD while a detailed talk on “Employment Opportunities for PWD’s” was delivered by Mr. Ricky Martin V. Velasco, Senior Labor and Employment Officer of DOLE Cavite. (Ruel Francisco, PIA- Cavite/with reports from PICAD)