Tambuling Batangas Publication August 15-21, 2018 Issue
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
Why do people bully others?... p.5
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
Pride ng Batangas City, bronze
winner sa international singing
competition p. 2
How To Make a Devil
Food Cake p. 5
Pagtatanim
ng
masustansiyang
pagkain,
mensahe ng pagdiriwang ng
Nutrition Mont p. 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLI
No. 34
August 15-21, 2018
P6.00
Aug.12-19 idedeklarang Linggo ng
Kabataan sa Batangas City
ISANG
resolusyon
na
dinedeklarang Linggo ng Kabataan
sa Batangas City tuwing August
12-19 ang iniakda ni bagong
Sangguniang
Kabataan
(SK)
Federation representative Marjorie
Manalo noong August 7 sa
lingguhang sesyon ng Sangguniang
Panglungsod.
Ayon sa kaniya, ang
resolusyon ay hango sa RA 10742 o
ang Sangguniang Kabataan Reform
Act of 2015 kung saan kinikilala
ang mahalagang papel ng mga
kabataan sa nation-building.
“Nakalagay rin po sa batas
na ito ang promotion at proteksyon
ng pisikal, moral, espiritwal,
intelektwal at social well-being ng
isang kabataan sa pamamagitan ng
pagtatanim sa kanilang kamalayan
ang nasyonalismo at pagmamahal
sa bayan at iba pang positive
values na maaaring magamit nila sa
kanilang pamumuhay,” ani Manalo.
Nakasaad sa resolusyon
na ang bawat barangay ay
magkakaroon ng taunang aktibidad
na
tatawaging
“Linggo
ng
Kabataan” kung saan ang ika-12 ng
Agosto ay tatapat sa International
Youth Day. Ang SK ng bawat
barangay ang mangunguna sa mga
aktibidad na ito.
“Kabilang sa Linggo
ng Kabataan ang pagpili ng
counterparts ng lahat ng local
elected at appointive officials
ng lungsod, kasama na ang mga
department heads. Ang mga student
leaders na may edad 13 hanggang
17 ang kwalipikado para dito,”
dagdag ni Manalo.
Pinuri naman ito ni
Konsehal Serge Atienza dahil
panahon na upang magkaroon
Sundan sa pahina 2..
bagong Sangguniang Kabataan (SK) Federation representative Marjorie Manalo noong August 7 sa lingguhang sesyon
ng Sangguniang Panglungsod
Ibayong earthquake drill
kailangan ng paaralan Linggo ng Kabataan ipinagdiriwang
BATANGAS
CITY-
Ibayong
pagsasanay pa ang kailangan ayon sa
Kumintang at San isidro Elementary
Schools na lumahok sa 3rd quarter
National Simultaneous Earthquake
Drill kahapon, August 16.
Ayon
sa
tumayong
incident commander na si Michelle
Sandra Maghirang ng Kumintang
ES, malaking bagay itong drill
sa kanila lalo na at karamihan sa
kanilang studyante ay mayroon
special needs o yung may autism,
down syndrome, ADHD at iba pang
disability . Aniya, kailangang tuloy
tuloy ang earthquake drill upang
laging ma practice ito hanggang
masanay na ang mga guro at
estudyante kung ano ang dapat
gawin kapag nagkalindol.
Para naman San Isidro
ES, sinabi ng isang evaluator na
kailangang maging organisado ang
paaralan at magkaroon ng isang
ligtas at malaking evacuation area.
Ayon naman sa City
Disaster Risk Reduction and
Management Office (CDRRMO),
kailangang pabilisin ang response
time ng mga estudaynte para hindi
sila mapahamak sa panahon ng
lindol.
Ang
earthquake
drill
ay pinangasiwaan ng CDRRMC
kasama ang ibat-ibang ahensiya
kabilang na ang Bureau of Fire,
City Social Welfare & Development
Office, Public Information Office
at DepEd. LIZA PEREZ DE LOS
REYES/PIO Batangas City
SA pangunguna ng Panglungsod
na Pederasyon ng Sangguniang
Kabataan
sa
Batangas
City,
ipinagdiriwang ngayong August
12-19 ang Linggo ng Kabataan
sa pamamagitan ng mga gawaing
pangkomunidad, youth leaders
symposium
at
fund-raising
campaign.
Ang selebrasyon ay may
temang “Empowering the youth to
build newly improved development
programs”.
Ayon kay Sangguniang
Kabataan (SK) Federation President
Marjorie Manalo, nakasaad sa
resolusyon na kanyang iniakda at
naipasa sa session ng Sangguniang
Panglungsod
noong
August
7 na ang bawat barangay ay
magkakaroon ng taunang “Linggo
ng Kabataan” tuwing August 12-19
na pangungunahan ng kanilang SK
chairman.
Isang garage sale ang
kanilang isinasagawa ngayong
August 15-17 sa harapan ng ABC
building kung saan ibinibenta nila
ang mga branded na bags, damit,
sapatos at mga accessories na mula
sa donasyon ng mga city officials at
department heads ng pamahalaang
lungsod. Target nila na makalikom
ng P 50,000 upang magamit bilang
inisyal na pondo habang hinihintay
nila ang budget ng pamahalaan para
sa SK.
Magpapatalbugan naman
sa kanilang mga talento ang mga
kalahok sa SK Got Talent sa ika-
19 ng Agosto sa Batangas City
Convention Center.
Dalawandaang kabataan
mula sa ibat-ibang paaralan at
youth organizations ang inaasahang
lalahok sa youth leaders symposium
sa August 20 sa Teachers Conference
Center kung saan tatalakayin ang
mga paksa hinggil sa leadership,
anti-drug abuse campaign at
common teenage problems tulad ng
pre-marital sex at teenage pregnancy.
Magsasagawa rin ng Color
Run sa Sports Coliseum ground
kung saan ang magiging beneficiary
ay ang Cancer Warriors Foundation
(CWF).
Para sa cluster activities ng
SK, magkakaroon ng kasanayan sa
basic life support ang Solid North SK
Council, coastal clean up at feeding
program para sa Solid Baybay SK
Council, tree planting para sa Solid
Upland at disaster management
naman para sa SK Council ng Solid
East. (PIO Batangas City)
Courtesy Call ng mga
Pangulo ng Barangay ng
San Pascual, Ginanap
San Pascual ABC President at mga pangulo ng barangay ng nasabing bayan, kasama si Gov. Dodo Mandanas sa ginanap na courtesy
call sa People’s Mansion, Capitol Compound Batangas City. ✎ Shelly Umali – Batangas Capitol PIO Karl Ambida– Batangas Capitol
UNUAN
ni
Governor
Dodo Mandanas ang isang
pagpupulong na dinaluhan
ng Association of Barangay
Captions President Madel D.
Medrano at Barangay Captains
ng San Pascual na nag-courtesy
call sa Mansion Building,
Capitol Compound Batangas
City noong ika-8 ng Agosto
taong kasalukuyan.
Tinalakay dito ang
ilang mga resolution mula sa
mga pangulo ng mga barangay
ng San Pascual, at mga naitalang
mga problema at suliranin
ng ilang punong barangay
na bagong halal sa kanilang
posisyon.
Ibinahagi
rin
ng
gobernador sa mga kapitan
ang tungkol sa napipintong
pagtaas ng IRA na magagamit
sa mga proyekto at iba pang
mga layunin ng barangay para
sa pagpapataas ng kalidad ng
serbisyo. – ✎ Shelly Umali –
Batangas Capitol