Tambuling Batangas Publication August 01-07, 2018 Issue | Page 5
OPINYON
August 1-7 , 2018
Skin Care Routines I’ve learned from Watching Vlogs
by Mae Hyacinth Ludivico
GROWING up, I suffered a
lot of skin issues. Pimples
every night, open pores
and scars were mycommon
problems way back
a
year ago. To avoid these
problems, I decided to
research andwatching video
blogs or ”vlogs” about skin
care routines and I regret
about not doing it earlier.
Upon watching a
lot of videos, I realized the
essence of having a skin care
routine. Before, Ithought
washing your face with
soap was already enough
to clean your face but
based on what I’velearned,
there’s a lot of skin care
products that will help you
to clean your face to avoid
havingbreakouts. I can’t
say that I have a perfect
skin but my skin right now
is way better than before.
Sonow, I’m gonna share
what I’ve learned about
basic skin care routines.
•Know your skin type.
We have different
types of skin. It is very
important to know your
skin type to know what
kind ofproduct is suitable
for your skin.
A little tip is that
if you have an oily type of
skin, you must use gel type
products and if youhave
dry type of skin, you must
use water based products.
•Always use a moisturizer.
After washing your
face, use a moisturizer to
prevent your skin from
getting dry. Keeping theskin
hydrated is an important
step towards a healthy and
glowing skin. Always use a
moisturizerthat minimizes
dryness. Take note that just
because your skin is oily,
it doesn’t mean that you
don’tneed to moisturize
your face. Oily types of
skin tends to get dry too.
•Don’t use toner regularly.
Toners
contain
strong ingredients
that
may harm your skin.
Instead, you can use
simplehomemade toner that
works the same as the toner
that you buy from stores.
You
can
use
applecider vinegar with
water as an alternative
toner.
You may use
toner atleast twice a
week but don’t forget to
moisturize your face after
to preventyour skin from
getting dry.
•Avoid touching your face
most of the time.
Touching your face
with your hands may transfer
dirt and bacteria which can
lead to cloggedpores and
breakouts.
Mga Nakatagong Salita
By: Kathryn A. Arlan
Escape. Alone. Tired. Mga
katagang
malimit
banggitin
ngunit siguradong batid ng
karamihan. Sa panahon na kung
saan nagkalat ang mga suliranin
hindi lamang sa pamilya, paligid,
mga samu’t saring pinagdadaanan
na tila walang katapusan,
tunay ngang nakapagdudulot
ng hindi matinong pag-iisip
sa isang indibidwal. Saan nga
ba nagsisimula ang pagbabago
ng isang nilalang? Paano ba
tumatalon sa isang malalang
kalagayan ang sa simula’y tila
ang sakit ay gaya lamang ng kagat
ng isang langgam?
Maayos sa simula.
Tama. Parati namang maganda
ang takbo ng buhay sa mga unang
pagkakataong masisilayan ang
mundo. Walang problema, tila
lahat ng nais ay makukuhang
lahat. Maayos at kumpleto ang
pamilya, kaya ramdam ang
101% na suporta at pagmamahal.
Napupunuan ang tyan ng lagpas
sa tatlong beses isang araw.
Masayang
nakakapasok
sa
eskwela, may barya at papel
na nadudukot sa bulsa. May
marangyang tahanan at malambot
na kama na kahit ilang oras ay
libreng higaan. May malakas
at maayos na pangangatawan.
Kumpleto na. Masasabi nang
tunay na may marangyang buhay.
Sa araw-araw na pagtakbo ng
mundo, ang mga bagay na ito ay
unti-unti ring babaguhin ng bawat
segundong lumilipas, hanggang
tuluyang mawala sa paningin ang
paraisong kinalakhan.
Bigla
na
lang
nagbago ang lahat. Nasira ang
kumpletong pamilya, nawalan
ng
pinagkakakitaan
kaya
hindi na rin maipagpapatuloy
ang
sinimulang
pag-aaral.
Nawalang lahat ang mga bagay
na noo’y nakakapagbigay ng
kumportableng buhay. Tuluyan
na ngang nagbago ang ikot ng
mundo. Magsisimula na ring
manghina ang dating malakas na
pangangatawan. Sa sobrang pag-
iisip dahil sa hindi inaasahang
problema, tunay ngang apektado
na rin ang kalusugan. Stress. Oo,
isang bagay na kalat sa paligid.
Kilala ng mundo, walang pinipili,
walang
sinasanto.
Habang
patuloy na inilalagay sa buhay
ay wala ring sawang sinisira nito
ang katinuan ng isang tao. Lagpas
24 oras kung mag-isip ng mga
walang katapusang problema,
na dapat sana’y inilalaan para
makapagpahinga ang pagod na
katawan. Gigising kinabukasan
na lupaypay at walang gana
upang muling paganahin ang utak
sa walang kabuluhang bagay.
Hanggang darating ang panahon
na mismong ang katawan na ang
susuko dahil sa pagod, puyat,
walang kain, at paulit-ulit na
pag iisip. At tuluyan na ngang
makakaranas ng depresyon.
Depresyon. Isang sakit
sa pag-iisip na nagkakaroon ng
mababang pagtingin sa sarili,
kawalan ng interes at kasiyahan
sa buhay. Naŵawala ang mga
magagandang kinagawian at
tunay ngang nakakaapekto hindi
lamang sa sarili, ngunit pati
na rin sa trabaho, pag-aaral, at
maging sa pamilya. Inaalis nito
ang paniniwalang maikli lamang
ang buhay kaya dapat laging
maging masaya sa bawat oras na
dumadaan. Binabago rin nito ang
personal na karakter ng isang tao.
Paulit-ulit na pag-iisip at paulit-
ulit na pagsuko. Ang depresyon
ay tila isang karayom na unti-
unting sisirain at dudurugin ang
puso ng tao. Ngunit ano nga ba
ang kasunod nito?
Dahil sa pagod sa
pagharap sa pang araw-araw na
problema, at ang pakiramdam
na mag isa na lang lumalaban
sa buhay dahil sa kawalan
ng suporta maging sa loob
ng tahanan, mga nasirang
pangarap ng isang kabataan,
darating
sa
pagkakataong
magiging desperada na sa
pagkitil ng sariling buhay.
“Ayoko na.”, “Nakakapagod
na eh.”, “Wala naman akong
kasamang lumalaban.”, “Wala ng
nagmamahal sa akin.” “Paulit-
ulit na lang.”
S u i c i d e .
Pagpapakamatay
nga
kung
tawagin. Marahil sa mga taong
desidido nang magpahinga, ito
ay normal lamang. Kung iisiping
mabuti ang kadalasang paraan
ng pagpapakamatay na batid na
ng bawat isa, pagbibigti, pag-
inom ng lason, pagpapasagasa,
pagtalon mula sa mataas na
gusali, at marami pang iba.
Napakasakit
maranasan
at
maramdaman.
Ngunit
sabi
nga, ang mga desperadong
magpakamatay ay tila bulag na
at walang pakiramdam. Mas
nanaisin na lang mawala na
kaysa dumanas ng mas mabibigat
pang problema, mabully ng
mga kamag-aral, paulit-ulit na
mapagsabihan. Tama, ang mga
nagpapakamatay ay sarado na
ang paniniwala at wala ng ibang
naisin kundi ang makatakas sa
mapaglarong mundo.
Ilang tao na ba ang
nabiktima ng depresyon? Ilang
na sa kanila ang nagpatalo?
Sa Pilipinas. sinasabing
hindi bababa sa anim ang
nagpapakamatay
araw-araw.
Sinasabi ring nangungunang
dahilan ang paghihiwalay ng mga
magulang. Nasabi nga ng isang
pari sa bansa, Bishop Joel Baylon
of Legazpi na kinakailangan
raw magkaroon ng oras ang
mga magulang sa kanilang mga
anak lalo na yung mga batang
nakakaranas ng depresyon. Pero
paano nga ba? Paano makakatakas
sa ganitong problema ang isang
kabataan kung ang mismong
mga magulang nya ang nagiging
dahilan ng kanyang problema?
Sino ang mga gagabay sa mga
kabataang
nakararanas
ng
depresyon kung ni hindi man
lamang nito kasama ang kanyang
ama at ina? Sino ang magpapaalala
sa mga anak kung gaano kasarap
mabuhay kung hindi man lamang
nila nararamdaman ang buo at
masayang pamilya?
Isa
ring
nagiging
dahilan ang pambubully ng mga
kamag-aral sa eskwela. May
mga kabataang hindi man lingid
sa kaalaman ng karamihan, ay
lumaki ng may takot maging
sa kapwa nila kabataan. Itong
mga taong ito ang madalas
nakakaranas ng trauma sa
pagpasok sa paaralan dahil sa
bullying. Ngunit kadalasan pa ay
sila pa ang napapagalitan maging
sa tahanan dahil napapadalas na
rin ang pagliban sa klase dahil
sa takot na makita ang mga
estudyanteng nananakot, nang-
aaway, nanunukso at nagsasalita
ng kung anu-ano. Ipinararamdam
din sa kanila ang kawalan nila
ng halaga sa mundo. Kaya
kung minsan, dahil sa takot at
pakiramdam na nag-iisa ang
nagiging dahilan kaya napupunta
sa suicide ang mga kaawa-awang
kabataan. Maraming kaso na
ang naibalita gaya ng pagbibigti
ng isang 8-year old pupil sa
Zamboanga na nag iwan pa ng
suicide note, gayundin ng isang
10-year-old girl, at ang pagbabaril
sa sarili ng isang 14-year-old
student sa Batangas.
Halos milyun-milyong
mga estudyante sa buong mundo
ang nagpapakamatay dahil sa
pambubully at tunay ngang isa
ito sa napakalaking problema na
kinakaharap.
Bukod pa riyan, isa rin
•Always use a sunscreen/
sunblock.
Protecting
your
skin from the sun is
essential if you want to
have a clear skin. The
sun’s
ultraviolet
rays
can
cause inflammation and
redness, which may lead
to hyperpigmentation of
yourskin.
Those five steps
are the basic routines I’m
doing to avoid having
pimples. Remember that,
whatcan work for me may
not totally work on you.
Always do a patch test to
know if the productyou’re
using is suitable for your
skin.
Keep in mind that,
just because you have acne,
it doesn’t mean that you’re
not beautiful. Acnedoesn’t
define your beauty. Taking
care of yourself is a great
way to show how you value
yourself.Always
think
that human beings are not
perfect and that’s what
makes us more beautiful.
ang kahirapan sa buhay sa nagiging
dahilan ng pagpapakamatay ng
mga mahihirap. May mga tao
sa lansangan, bata o matanda,
walang pinipiling edad, kahit sino
ay makikita mong pakalat-kalat at
nanlilimos sa mga daanan. Walang
permanenteng
matutulugan,
maruming saplot ang bumabalot
sa katawan. Minsan naman,
may sariling tirahan ngunit baon
sa napakaraming utang kaya
dumarating sa pagkakataong hindi
na nakakakain sa isang araw. May
mga magulang na problemado
na dahil sa napakaraming
anak at wala ng maibubuhay
dahil biglaan ding nawalan ng
trabaho. Marami ang nadedepress
at tumatakas na lamang sa
problema kaya humahantong sa
pagpapakamatay.
Totoo ang suicide. At ito
ay hindi biro. Maaaring may mga
tao sa paligid na maganda ang mga
ngiti sa labi na mistulang walang
problemang
pinagdadaanan
ngunit sa kabila nito ay ang
durog na pusong bunga ng mga
problema. Karamihan rin sa
mga nagpapakamatay ay yung
mga taong malimit magkwento
at magsabi ng kanilang tunay
na
nararamdaman.
Lalong
sumasakit at bumibigat ang
pakiramdam hanggang patuloy
na tinatago ang saklap at pait ng
katotohanan. Kaya sa panahon
ng pangungulila, paghihirap,
pag-iyak at pag-iisa, matutong
maghanap ng masasabihan at
masasandalan. Malaking tulong
kung maibabahagi ang mga
problemang maaaring mabigyan
ng solusyon ng mga kaibigan
at mga mahal sa buhay. Matuto
tayong maging totoo. Huwag
magkunwari sa kung ano talaga
ang nilalaman ng puso, Huwag
nating hayaan na mananatiling
nakatago ang mga salitang siyang
makakikitil ng ating buhay. Hindi
pa huli. Sabihin ang nararapat
bago pagsisihan ang lahat.