Tambuling Batangas Publication August 01-07, 2018 Issue | Page 4
OPINYON
August 1-7, 2018
Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na
inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT:
Sinag Publishing & Printing Services, National
Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos.
(049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee:
One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial
Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER:
Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI)
/ Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L.
Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane
Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria
Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out
Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal
Consultant. email add: [email protected] &
[email protected]
End of friendship
IN HIS State of the Nation Address (SoNA), President Rodrigo
Duterte reaffirmed his commitment to end corruption in
government.
“Time and again, I have stressed that corruption must stop.
Corruption is like a leech that it bleeds the government of funds
programmed for its infrastructure and other social development
projects. It saps the morale of dedicated and honest government
workers,” the President stressed.
The President issued a stern warning, particularly to his
friends and supporters, to stay away from corruption because
he would not hesitate to sacrifice friendship for the sake of
good governance. Earlier, he warned to fire officials if he gets
even a whiff of their involvement in corrupt practices.
Reading between the lines, the President obviously
knows some incumbent officials have crossed the line.
Among the likely target of his warning is Labor
Secretary Silvestre Bello III who became controversial lately
with a spate of allegations of corruption.
Last Wednesday, a high-ranking official of a recruitment
firm admitted she gave more than P100,000 worth of gifts to
Bello, as well as the latest iPhone model in December 2016.
In addition, Amanda Lalic-Araneta who is the
president of the MMML Recruitment Services, Inc., alleged
Bello demanded P10 million to P15 million for his approval of
her company’s license applications.
It was actually the third complaint against the Labor
secretary. Last 17 July, the Secretary-General of the Kilusang
Pagbabago National Movement for Change Monalie Dizon
filed a graft complaint against Bello before the Presidential
Anti-Corruption Commission.
Dizon accused Bello and former Labor undersecretary
Dominador Say of extorting money from Azizza Salim, who
allegedly gave P6.8 million in exchange for Say’s reversal
of the cancellation order issued by the Philippine Overseas
Employment Administration against the Azzizah International
Manpower Services.
Earlier, Bello was also accused of charging P720
for the identification card 1-DoLE card of Overseas Filipino
Workers (OFW) which was supposed to be given free being a
donation of the ACTS-OFW party-list group.
As expected, Bello denied these allegations and
challenged his detractors to sue him in court. However, the
filing of the charges against Bello ruined whatever chance
he had of being appointed as the new Ombudsman to replace
retiring Conchita Carpio-Morales.
But the fallout of the charges against Bello may not
end with his elimination from the race to the Office of the
Ombudsman.
While an earlier statement from Malacañang said Bello
still enjoys the trust of President Duterte, the dire warnings in
the recent SoNA paint a darker future for the Labor secretary.
“This is a lonely place I am hemmed in. Do not make it
lonelier by forcing me to end our friendship because you gave
me the reason to end it,” the President warned corrupt officials.
With allegations of wrongdoing mounting against
Bello, the President may just have to endure more lonely days
ahead.
Ni Teo S. Marasigan
Ja-Jollibee Kami, Jo-join Kayo?
(1)
Kuwento ng isang kaibigang aktibista,
may kagawian siya at mga katrabaho
niya: Madalas, kapag kumakain sa
pagitan ng mga pulong, usap-usapan
nila ang masasarap na pagkain. Bukod
sa napapasarap daw ang kinakain
nila, masayang pansamantalang
pahinga raw sa seryosong usapan ang
ganoong kuwentuhan – hindi pagtakas
sa tungkuling baguhin ang lipunan,
kundi kakatwang bahagi nito.
Parang ganyan ko inuunawa
kung bakit sa gitna ng lalong pag-
igting ng krisis ng ekonomiya ng
bansa at ng pagdating ng samu’t saring
trahedya sa mga mamamayan, naaakit
akong magsulat tungkol sa Jollibee –
oo, ang paboritongfastfood chain ng
nakakarami. Hindi ba’t “panukat ng
kaligayahan” (happiness indicator)
ng mga Pinoy ang pagkain sa mga
fastfood, tampok ang Jollibee?
Natutuwa pati ako sa format
ng Amerikanong blogger na si Adam
Kostko sa pagsasabi ng mga naiisip at
nararamdaman niya sa isang panahon
– na parang nangungumpisal. Puwes,
ganito: Inaamin kong mula pagkabata
ay mahilig na ako – at ang buong
pamilya ko – sa Jollibee. Sobrang hilig
nga, sa puntong may konsepto ako
ngayon ng isang patalastas nito batay
sa sarili kong karanasan.
Pinalaki kami ng mga
magulang na iisang fastfood lang ang
pinupuntahan at kinakainan – iyung
may malaking bubuyog at hindi iyung
may nakakatakot na payaso sa labas.
Siguro, bahagi ito ng moda ng mga
magulang ko. Dahil middle class
silang dating maralita sa probinsiya,
nagkumahog silang ihain sa mga anak
ang mga produktong numero uno:
Colgate, Safeguard, Tide, Jollibee at
iba pa.
(2)
Lagi raw nakikita noon si Prop.
Zeus A. Salazar – historyador,
guro ng kasaysayan sa Unibersidad
ng Pilipinas, at ama ng kilusang
intelektuwal na tinatawag na
“Pantayong Pananaw” – sa Jollibee.
May nakapagsabi rin sa aking
hinihikayat niya ang mga estudyante
sa klase niya na mas kumain sa
Jollibee kaysa sa McDonald, dahil
pag-aari ng mga Pilipino ang una at
ng mga dayuhan naman ang ikalawa.
Gusto nga raw niyang maging mascot
nito – biro lang.
Dapat naman talagang tulungan
ang mga negosyanteng Pinoy na
nagsusumikap at hindi nagsisilbing
tau-tauhan ng mga kapitalistang
dayuhan. Pero dahil mas mabenta
ang Jollibee kaysa sa McDonald,
masasabing mas todo-kayod – at sa
gayo’y mas napapagsamantalahan –
ang mga empleyado ng nauna. Mas
kritikal sa karaniwan ang pagtingin
ni Prop. Salazar, pero mahalagang
igiit na di sapat ang mga opsiyon
sa ngayon. Kailangan pa rin ang
panlipunang pagbabago.
Minsan namang inilarawan
ni Prop. Atoy M. Navarro, historyador
at kapanalig ni Prop. Salazar, ang
globalisasyon na “homogenisasyon o
mapag-isang kapangyarihan na hindi
kumikilala at gumagalang sa kabuuan,
kakanyahan, katangian, kalayaan at
kasarinlan ng mga bansa na makipag-
ugnay [nang] makatwiran sa isa’t
isa” [“Ang Bagong Kasaysayan sa
Wikang Filipino,” 2000]. Sa hanay
ng ilang makabayan, palasak ang
ganitong pagtingin sa globalisasyon.
Sa isang antas lang nito
naipapaliwanag ang penomenon
ng Jollibee at ngfastfood sa
pangkalahatan.
Dahil
walang
diyalektikal na oryentasyon at
kongkretong pag-alam, makaisang-
panig ito at hindi nakikita ang talab ng
kulturang Pilipino. Sa Jollibee at mga
fastfood, makikita ang pag-angkop
ng mga korporasyon sa kulturang
Pinoy, na nagpapartikularisa sa mga
produkto nila sa Pinas kumpara sa
produkto sa ibang bansa: Matamis na
spaghetti, halimbawa.
(3)
Puwede bang maging poor man’s
patent ang blog? Kahit not-so-
poor man’s patent? Kuwento ng
isang kaibigan dati, kapag may
naimbento ka o natuklasan na
hindi mo maiparehistro ng patente,
puwede mong isulat sa isang papel
ang konsepto tapos ipadala sa
pamamagitan ng koreo sa bahay mo.
Puwede mo na raw iyong itago at
parang patente na rin daw iyon. Hindi
ko alam kung totoo ang sabi niya, at
hindi na rin ako nag-abalang alamin.
Nakakatawa lang kasing isipin.
Anu’t
anuman,
may
konsepto ako ng patalastas ng Jollibee
batay sa sariling karanasan: Sa lahat
ng mayor na eksameng kinuha ko sa
eskuwela, kasama ang Chickenjoy.
Mula sa pagpili ng magiging top 10
noong nursery at kindergarten(Ahem)
hanggang sa mga quiz bee na nasalihan
ko noong elementarya (Ahem ulit,
pero ni hindi umabot sa regional level),
at sa ilang mayor na eksamen at quiz
bee noong hayskul, dinadalhan ako ng
tatay ko ng paborito kong Chickenjoy.
Pang-telebisyon ang drama, dahil
madalas, habang nage-eksamen,
marahang kakatok ang tatay ko
sa bintana para ipakita ang dala-
dala
niyang
moral
supportsa
ipinagmamalaki niyang anak (at
siguro, para istorbohin at idemoralisa
ang mga kalaban, Hehe). Hindi naman
ako laging panalo o numero uno,
pero premyo ko na ang pagdating
ng tatay kong ni ayaw pumunta sa
ibang aktibidad sa paaralan, lalo na
sa mga pulong ng Parents-Teachers
Association o PTA.
May dramatiko pang rurok.
Noong gabi bago ako kumuha ng
entrance exam sa unibersidad, nag-
away kami ng nanay ko – di ko na
maalala ang dahilan. Noong pupunta
na ako sa eksamen, binawalan niya
akong umalis ng bahay. Hindi daw
niya ako bibigyan ng pera. Noong
tiningnan ko ang pitaka ko, may
kaunting pera pa ako, sapat lang para
makarating sa eksamen. “Bahala na,”
sabi ko. Noong palabas na ako ng
pinto, umiiyak, humabol ang tatay ko,
sasama na raw.
Nalimutan ko nang hindi
pa ako kumakain noon. Noong
medyo nakalayo na kami, nagtanong
siya, “Kumain ka na ba?” Saan kami
kumain? Siyempre pa!
(4)
Pahabol: Minsan, kumakain sa Jollibee
ang apat na panatiko nito. Masaya sila,
nilalait ang pinakamalapit na kalaban
nito – payat at mamantika ang fried
chicken, maasim ang spaghetti, at
kahit ang timpla ng softdrink, hindi
masarap.
Biglang
may
nagpilit
maging balanse: “Pero in fairness, ha,
crispy ang fries nila.”
Parang nagpanting ang
tainga, tumaas ang boses ng isa, galit
na nagsalita: “True! Crispy ang rice
nila!”
02 Hulyo 2008