Tambuling Batangas Publication August 01-07, 2018 Issue | Page 2

BALITA August 1-7, 2018 Batangas Provincial Government – Environment and Natural Resources Office, Naglahad ng Accomplishments TOGETHER WE PROTECT MOTHER NATURE. Left Photo, Provincial Administrator Librado G. Dimaunahan administers the oath-taking of the newly-elected officers of Batangas Province Environment and Natural Resources Officers’ Association (BENROA), as witnessed by the Sangguniang Panlalawigan Board Members. Right Photo, the Provincial Administrator and the SP Board Members confer a Certificate of Commendation to Republic Cement – Batangas Plant. Mark Jonathan M. Macaraig at Louise Mangilin/Photo by Eric Arellano – Batangas Capitol PIO Gov. Mandanas: Maibibigay ang IRA Backpay ng hindi Makakasama sa Ekonomiya ng Bansa KABILANG sa iminumungkahi ni Gov. Mandanas ang paglipat ng ibang serbisyong ibinibigay ng mga national agencies sa local government units upang mapalaki ang Internal Revenue Allotment ng mga LGUs nang hindi na kinakailangang dagdagan ang national budget. Binigyang-diin ng Batangas governor na ang hangad ng mga LGUs ay hindi ang mas malaking budget, kundi ang mas malaking bahagi ng umiiral na budget. Ito ay bilang tugon sa agam-agam na sinasabi ng mga economists ng Department of Budget and Management at Department of Finance sa Supreme Court decision na nagsasabing ang wastong kabahagi ng mga LGUs o IRA ay dapat nanggagaling sa lahat ng national taxes at hindi lamang mula sa National Internal Revenue taxes na kinokolekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Ayon sa DBM at DoF, dahil sa landmark decision hinggil sa 2012 petition na pinangunanahan ni Gov. Mandanas, tataas ang budget deficit sa 6% ng GDP na may negatibong epekto naman sa investment confidence sa bansa. Nakikita rin nilang baka kailanganin pang mangutang ng national government para mabayaran ang tinatayang P1.5 Trillion IRA backpay. Bilang petitioner, inilahad rin ni Gov. Mandanas na hindi naman kailangang bayaran ng buo kaagad ang IRA backpay. Maaari rin namang hatiin ang pagbibigay sa mga LGUs ng kakukalangan sa IRA. Halimbawa ay ipamahagi ito, aniya, sa loob ng 10 taon. “Kung iisipin mo ang budget ng Pilipinas, na ngayon ay 3.75 Trillion, ‘yung P150 Bilyon ay hindi na ganung kalaki,” saad pa niya. Dagdag pa niya, mas praktikal pa ngang i-devolve ang ilang gawain sa LGUs tulad ng pagbili ng mga fertilizers dahil mas alam ng mga nasa bayan-bayan ang wasto at kakailanganing produkto; at mga vaccines, na mas matimbang na ilipat ang pagbili sa mga LGUs. Kabilang ang mga nabanggit na rekomendasyon sa liham na ipinadala ni Gov. Mandanas kay DBM Secretary Benjamin Diokno na humuhiling na isama sa 2019 National Budget ang P200 Bilyong kabahagi ng mga LGUs o IRA bago ito ipasa sa Kongreso para maaprubahan. Nauna nang sinabi ni Gov. Mandanas na may oras pa para i-recast ang 2019 national budget sa pamamagitan ng paglilipat ng ibang pondong nasa national line agencies sa mga LGUs para sila na ang magpagawa ng mga kalsada, water systems, gamot, irrigation systems, at iba pa. – Batangas Capitol Wastong Pamamahala sa Basura, Ipinaalala ng PG-ENRO sa lahat ng Batangas Capitol Offices ISANG pagpupulong tungkol sa mga basura mula sa bawat tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang isinagawa sa pangunguna ng Provincial Government Environment and Natural Resources noong ika-18 ng Hulyo 2018 na ginanap sa PGENRO Conference Room, Capitol Site, Batangas City. Ayon kay PG-ENRO Department Head, Mr. Luis Awitan, kinakailangang mabawasan ang dami ng basurang itinatapon ng mga tanggapan sa Sanitary Landfill Facility (SLF) ng Batangas City dahil malapit na itong mapuno. Dahil dito, kasalukuyang kinokontrol at nililimitahan ng Pamahalaang Panlungsod ng Batangas ang mga pinapayagang makapagtapon ng basura dito. Panalo... Batangas Province. “Pero dahil sa tamang kaalaman, tayo ay nagkaroon ng tapang at paninindigan na idulog ito.” Bunga nito, nakatanggap ang mga LGUs sa buong bansa, sa administrasyon ni dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo, ng karagdagang IRA na umabot sa PhP 60 Bilyon. Nagkaroon ng kaalaman tapang, , paninindigan na ibigay sa mga local govts – lalawigan, lungsod at bayan barangay ang tunay kabahagi ayon sa batas. Nakatanggap ang mga lgu ng 60 billion Ang tinaguriang pakikipaglaban para sa IRA backpay, Naging sentro ng pagpupulong ang mga paraan upang mapagbuti ang waste management practices at upang mabawasan ang dami ng basurang itinatapon na nagmumula sa mga tanggapan ng pamahalaang panlalawigan. Kabilang sa mga hakbang na napagtalakayan ay sa pakikipag-ugnayan sa Provincial Cooperative, Livelihood and Enterprise Development Office o PCLEDO. Ayon kay Ms. Celia Atienza, PCLEO Department Head, isa sa mga kooperatiba sa Batangas City ang nag-alok ng partnership upang makatulong sa pangangasiwa ng mga basura ng mga tanggapan ng pamahalaang panlalawigan. Ang San Jose Sico Multi Purpose Cooperative, na pinamumunuan ni Mr. Rex de Guzman, ay naghain ng kanilang programa upang makatulong sa pamamahala ng mga basura ng Kapitolyo. Upang mabawasan ang dami ng mga basurang itinatapon sa landfill, ang mga recyclables ng bawat tanggapan ay bibilhin at regular na kokolektahin ng nasabing kooperatiba. Pinaalalahanan din ni Mr. Awitan ang bawat tanggapan na mahigpit na ipatupad ang wastong waste segregation o paghihiwahiwalay ng mga basura, na bukod sa obligasyon ng bawat isa, sang-ayon sa batas, ay isa rin sa mga mahalagang batayan ng Department of the Interior and Local Government para sa mga LGUs na magagawaran ng Seal of Good Local Governance. Elfie Ilustre – Batangas Capitol PIO mula sa pahina 1 dagdag ng Batangas governor, ay nagsimula noong panahon ni dating Pangulo Noynoy Aquino, nang siya ay Congressman ng Ikalawang Distrito ng lalawigan. Tinanggihan ng pamahalaang nasyunal ang kanyang inihaing petisyon, kaya napilitan siyang dumulog sa Korte Suprema para dinggin ang nasabing IRA appeal. Sa kanyang pagtataya, nasa PhP 1.3 Trillion ang IRA backpay na dapat maibalik sa lahat ng LGUs sa buong bansa. PhP 6 Bilyon dito ang inaasahang kabahagi ng Batangas Province. Kasunod nito, ayon kay Gov. Mandanas, kinakailangang tutukan naman ang national government na ipamahagi ang mga nasabing pondo sa lalong madaling panahon. Sa pamamagitan ng mga inaasahang pondo, isinaad ng gobernador na mas maraming infrastructure projects na makatutulong sa kabuhayan ng lalawigan ang maipapatupad; mas dadami ang mga mabibigyan ng scholarships; mapopondohan na ang ambulansiya para sa bawat barangay; at iba pang kinakailangang proyektong pang serbisyo publiko ang maisasakatuparan. – Vince Altar – Batangas Capitol PIO ISA sa mga adhikain ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ay ang mapangalagaan ang ating kapaligiran at mga likas na yaman, patunay na nga dito ang patuloy na pagsusumikap na makagawa at makapag- implementa ng mga programang sumasaklaw sa usaping pangkalikasan. Sa isinagawang lingguhang pagpupugay sa bandila ng Pilipinas noong ika- 16 ng Hulyo 2018, nagbigay ng kanyang ulat ang puno ng tanggapan ng Provincial Government – Environment and Natural Resources Office (PG – ENRO), Luis A. Awitan, ukol sa mga natapos na mga proyektong ipinapatupad para mabigyang proteksyon ang mga ipinagmamalaking likas na yaman ng Lalawigan. Tinalakay sa nasabing pag-uulat ang Solid Waste Management na nakatuon sa tamang pamamahala ng mga basura sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga meetings and orientation ng iba’t-ibang Local Government Units sa buong probinsya. Nabanggit din ang Small Scale Mining Regulation na tumatalakay sa mga isinagawang monitoring at pagpoproseso ng permit application ng mga minahan, kasama na rin ang pagimbestiga at pagtugon sa mga hinaing sa nasabing regulasyon. Para naman sa usapin patungkol sa mga marine and coastal areas, muling sinisikap ng PG-ENRO ang updating ng datos para sa 2nd State of the Coasts (SOC) report ng lalawigan. Ang nasabing pagbibigay ng ulat sa estado ng mga baybaying-dagat ay isang gabay na dokumento na nagpapaliwanag kung ano ang mahusay at epektibong pamamaraan upang makamit ang pag-unlad ng ekonomiya Sustainable... sa programang ito na may tig- dadalawampu’t limang kalahok bawat isang munisipalidad at isasagawa ang kanilang training sa kanila mismong mga bayan at pangungunahan ng kani-kanilang Municipal Agriculture Offices. Bahagi rin ng launching ang Pledge Commitment Signing, sa pagitan nina Governor Dodo Mandanas; Robenson Sale, na Barako... ng PTCAO, sa pamumuno ni Atty. Sylvia Marasigan, na mas mailapit at maipakilala sa mga millennials ang Kapeng Barako, kundi pati na rin maibalik sa lalawigan ang titulong “Coffee Capital of the Philippines”. Nagbahagi naman ng kanyang mensahe si Col. Katy Katigbak, isang Batangueñong isinusulong ang pagtatanim ng Kapeng Barako o Liberica. Binigyang diin niya na ang industriya ng Kapeng Barako ay mahalaga kaugay ng patuloy na paggamit ng yamang dagat, na inaasahang makakapaglabas o matatapos ang report ngayong taon. S a m a n t a l a , nagbigay ang Pamahalaang Panlalawigan ng sertipiko ng komendasyon para sa Republic Cement – Batangas Plant bilang pagkilala sa pambihira nilang implementasyon sa pagpapatupad ng mga proyekto na nagtataguyod ng pagmamalasakit sa kapaligiran at komunidad tulad ng mahigpit na pagsunod sa inirerekumendang pamamaraan ng pagmimina, malawakang pag-iimbak at pagsisikap para sa reforestation. Nanumpa naman ang mga bagong talagang opisyal ng Batangas Environment and Natural Resources Officers’ Association (BENROA) na nagmula sa ibat’-ibang Municipal Environment and Natural Resources Offices (MENRO) ng lalawigan. Ang nasabing oathtaking ay pinangunahan ni Provincial Administrator Levi Dimaunahan kasama ang ilang mga Board Members ng Sangguniang Panlalawigan. Ang mga BENROA officials ay sina Alvin Cirilo M. Jonson ng Lian bilang President, Editha U. Eusebio ng Malvar bilang Vice President, Ma. Emelyn C. Custodio ng Calatagan bilang Secretary, Mhelda Grace L. Leyma ng Taal bilang Treasurer, Engracia P. Caringal ng Mataas na Kahoy bilang Auditor at sa bawat distrito ay may Public Relations Officer na nagmula sa Calaca, Mabini, Balete, San Juan, Batangas City at Lipa City. – Mark Jonathan M. Macaraig at Louise Mangilin – Batangas Capitol PI mula sa pahina 1 representative ng Vice Governor’s Office; Provincial Veterinarian Dr. Romelito R. Marasigan; ATI- IV A Center Director Marites P. Cosico; Lobo Mayor Gaudioso R. Manalo; Alitagtag Mayor Anthony Francis Andal; at mga municipal agriculturists ng mga kalahok na bayan. – John Derick Ilagan at Jean Alysa Guerra – Batangas Capitol PIO mula sa pahina 1 para sa pagkakakilanlan ng Batangas at nararapat lamang na ito ay muling buhayin at palaganapin sa lalawigan. Ang nasabing pagtitipon ay dinaluhan ng coffee shop entrepreneurs, coffee enthusiasts, businessmen, vloggers, social media influencers at student body representatives mula sa iba’t ibang unibersidad at kolehiyo sa lalawigan. – Marinela Jade Maneja, PIO Capitol