Tambuling Batangas Publication August 01-07, 2018 Issue
M e t r o
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
M a n i l a f i g h t s b a c k m a l n u t r i t i o n ... p.5
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
Batangas
Provincial
Government – Environment
and
Natural
Resources
Office,
Naglahad
ng
Accomplishments p. 2
With IRA Victory, Gov.
Mandanas
calls
for
Amendment of 2019 National
Budget p. 3
SONA sana p. 5
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLI
No. 32
August 1-7, 2018
P6.00
Sustainable Pig Farming patuloy
na isinusulong sa Batangas
SA ikalawang pagkakataon
para sa 2018, muling inilunsad
ang Farmer’s Field School on
Sustainable Pig Farming (FFS-
SPF) na pinangunahan ng
Agricultural Training Institute
(ATI) Region IV-A at Batangas
Provincial Veterinary Office
(ProVet) sa pakikipagtulungan sa
ilang mga Municipal Agriculture
Offices na ginanap noong ika-
9 ng Hulyo 2018 sa Provincial
Auditorium, Capitol Compound,
Batangas City.
Ang
FFS-SPF
ay
naglalayong makapagbigay ng
mga bagong kaalaman para sa
mga backyard swine raisers ng
limang bayan mula sa lalawigan
ng Batangas kabilang ang
Alitagtag, Lemery, San Juan,
Calatagan, at Lobo. Nakatuon
ang training sa mga hamon, isyu
at updates sa pig farming kaugnay
ng environment and climate
change; at ang mga makabagong
pamamaraan sa pagbababuyan.
Pinangunahan
ni
Senior Agriculturist Leneth N.
Panganiban ang pagapapaliwanag
ng mga magiging aktibidad ng
nasabing training na tatakbo sa
loob ng 20 linggo.
Isa din sa isinusulong
ng ATI-IV A ay ang paggamit
ng Organic at Natural Feeds na
gawa sa iba’t ibang halaman
na matatagpuan sa paligid gaya
ng Malunggay, Ipil-Ipil, Madre
de Cacao, Kangkong, Camote,
Saluyot, Uray at iba pa.
Isasagawa ang FFS-SPF
sa limang bayan na kasali
Sundan sa pahina 2..
Panalo ng IRA backpay sa SC,
laban ng Pilipino, sa Pangunguna
ng mga Batangueño
INILARAWAN ni Batangas Gov.
Dodo Mandanas na napakagandang
balita ang pagsang-ayon ng Korte
Suprema sa kanyang petisyong
iginiit na mali ang pagtutuos ng “just
share” o Internal Revenue Allotment
(IRA) na natatanggap ng mga local
government units (LGU) at hindi
wasto ang paglalaan ng nasabing
pondo, sang-ayon sa batas.
Sa desisyong inilabas
noong ika-3 ng Hulyo 2018, sinabi
ng SC na ang IRA ng mga LGUs,
ayon sa 1987 Constitution, ay dapat
nanggagaling sa lahat ng national
taxes at hindi lamang mula sa
National Internal Revenue taxes na
kinokolekta ng Bureau of Internal
Revenue (BIR).
“Ito ay matagal nang
ipinaglalaban ng Republika ng
Pilipinas, sa pangunguna ng
Lalawigan ng Batangas,” kuwento ni
Gov. Mandanas. “Dahil sa desisyon,
madadagdagan ang IRA ng 40%
mula sa (taong) 2019.”
Ibinahagi
ni
Gov.
Mandanas
na
nauna
niyang
ipinaglaban ang tungkol sa IRA ng
mga LGUs noong una siyang naging
gobernador ng lalawigan noong 1995
hanggang 2004. Sa kanyang pag-
aaral, nakita niyang hindi wasto ang
pagbibigay ng IRA sa mga LGUs
kaya ipinagbigay-alam niya ito sa
national government.
“Noong una natin itong
inilaban, walang sumama sa atin,”
pahayag ng ekonomistang ama ng
Sundan sa pahina 2..
Farmers’ Field School on Sustainable Pig Farming Mass Launching. Dinaluhan ang Farmers’ Field School on Sustainable Pig Farming Mass Launching
nina Governor Dodo I. Mandanas, Provincial Veterinarian Dr. Rommelito R. Marasigan (2nd from left), ATI-IV A Center Director Marites P. Cosico,
Lobo Mayor Gaudioso R. Manalo (kanan), Alitagtag Mayor Anthony Francis Andal (2nd from right) at mga municipal agriculturists ng mga kalahok na
bayan. Maan Joy G. Saluta | Photo by Mon – Batangas Capitol PIO
DOE Nagsagawa ng Focused Inspection at
Information Campaign sa Batangas Province
IBINAHAGI
ng
Department
of Energy (DOE) – Oil Industry
Management Bureau (OIMB) ang
kanilang isinasagawang inspection
ng mga gasoline at liquid fuel
stations at LPG stores sa Lalawigan
ng Batangas ngayong Hulyo 2018
sa pakikipagtulungan sa Department
of Trade and Industry (DTI),
Department of the Interior and Local
Government (DILG), at Bureau of
Fire Protection (BFP) – Batangas.
Kaagapay ang mga Cities
and Municipalities Business Permits
ang Licensing Offices (BPLO),
nagkakaroon ang DOE ng Focused
Inspection ng iba’t ibang Gasoline
Stations at Liquid Fuels and LPG
Establishments sa lalawigan upang
masigurong sumusunod ang mga
nasabing establisimyento sa mga
batas, panuntunan at regulasyon
na itinakda ng pamahalaan, sa
pamamagitan ng DOE.
Isinagawa din ng ahensya
ang Information, Education and
Communication
Campaign
sa
Provincial Auditorium,
Capitol
Compound, Batangas City noong ika
-12 ng Hunyo 2018 na dinaluhan ng
mga representatives mula sa Cities
and Municipalities BPLO, Provincial
Offices of DTI, at Liquefied Fuels
and LPG establishment owners.
Ilan sa mga tinalakay sa
pagtition ay ang Layunin ng Focused
Inspection Project, Overview of
the Downstream Oil Industry,
Philippine National Standards for
LPG Cylinders, LPG Rules and
Regulations, Revised Retail Rules, at
Fire Code of the Philippines (Liquid
Fuel and LPG Related).
Naging mahalagang bahagi
naman ng kampanya ang pagbibigay
ni Supt. Damian Rejano Jr. ng BFP
Batangas ng ilang Safety Measures
and Tips para makaiwas sa sunog na
dulot ng LPG, ito ay bilang bahagi
ng pagdiriwang ng National Disaster
Resilience Month ngayong buwan ng
Hulyo.
Nagtapos ang aktibidad
sa isang open forum na sumagot sa
mga katanungan ng mga kalahok na
dumalo sa pagtitipon. – John Derick
Ilagan – Batangas Capitol PIO
Barako Hour, Inilunsad ng
Pamahalaang Panlalawigan
ng Batangas Hulyo 2018 sa Samba Cafe,
Certificate of Recognition ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas, ang Batangueña
Gymnast na si Marian Josephine M. De Castro na humakot ng tatlong medalya sa naganap na Falcon’s Gymnastics Championship 2018
sa Bangkok, Thailand noong June 9-10 2018
Barako—isang bansag hindi
lamang sa mga Batangueño
kundi sa isang uri ng kape na
ipinagmamalaki ng Lalawigan
ng Batangas.
Kaugnay nito, inilunsad ng
Pamahalaang
Panlalawigan
ng Batangas, sa pangunguna
ni Gov. Dodo Mandanas,
ang “Barako Hour”, isang
proyekto ng Provincial Tourism
and Cultural Affairs Office
(PTCAO), na may layunin na
muling buhayin ang industriya
ng Kapeng Barako sa lalawigan.
Ginanap ito noong ika-14 ng
Samahang Batangueña Bldg.,
Capitol Compound, Batangas
City.
Sa
pakikipagtulungan
sa
Samahang
Batangueña,
sa
pamumuno ni Atty. Gina
Reyes Mandanas, at pakikipag-
ugnayan sa mga local coffee
shops at restaurants sa Batangas,
ihahandog ang “Barako Hour”
kung saan magkakaroon ng
unlimited Kapeng Barako sa
mga
establisimyento
mula
ala-una hanggang alas tres ng
hapon. Hangad ng proyekto
Sundan sa pahina 2..