Tambuling Batangas Publication April 25-May 01, 2018 Issue | Page 4

OPINYON Abril 25-Mayo 01, 2018 Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT: Sinag Publishing & Printing Services, National Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos. (049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee: One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER: Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI) / Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L. Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal Consultant. email add: [email protected] & [email protected] Watchmen ALREADY reeling from the Cambridge Analytica controversy, Facebook is once again in the spotlight – this time, it made another ‘laughable’ decision in taking on Rappler and Vera Files as content fact-checkers on the widely-used social media platform. The move, according to some netizens, strikes at the very core of its credibility as a social media platform, as Rappler and Vera Files are also saddled with credibility issues, not to mention political partisanship. Of course, there is no question that the people at Rappler and Vera Files are highly qualified to do fact-checking, but qualifications are not the issue, as both entities are already compromised by their ‘judgmental, biased and antagonistic’ reporting against the Duterte administration. Rappler and Vera Files, no doubt, can do an incredible job at fact-checking, but the question remains: Will they be credible? If the fact-checkers are suspect, so is the product of their fact-checking. As one movie sound bite aptly put it, “Who will watch the Watchmen?” Facebook must have been severely addled by its own credibility problems that it failed to do some fact-checking on its own as to whether it hired the right outfits to do fact-checking on its behalf. And if there is any group out there that deserves to be trusted to credibly check facts, it would be the academic scholars and scientists who should handle the job for Facebook, because while they have their own personal biases, the nature of their profession will not allow them to use these biases for fact-checking. In line with this, Presidential Communications Secretary Martin Andanar is already readying their position on Facebook’s third-party fact-checking partnership and will present it in a meeting called by the social network giant. We can only hope that the PCOO can knock some sense into Facebook to make it triple-check its decision for third-party fact-checkers, and we are pretty sure that almost everyone will play the waiting game if the social media giant will change its mind or not. Ni Teo S. Marasigan Katarungan para kay Ninoy, para sa Lahat NITONG nakaraang linggo, ginunita ng bansa ang ika- 22 taong anibersaryo ng pagpaslang kay dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. Pulitika ang napag-usapan, dahil sa pagpunta ni Pang. Gloria Macapagal-Arroyo sa misang inorganisa at dinaluhan nina dating Pang. Cory Aquino at Senate Pres. Frank Drilon – parehong nananawagan na magbitiw na si Arroyo. Hindi na maitago ang desperasyon ng kampo ni Arroyo sa pagkapit- tuko sa kapangyarihan: Lahat ng pagkakataon para mamulitika ay pinapatos. Kung anuman, bilang batang lumaki at nagka-muwang noong dekada 1980, marami akong alaala kay Ninoy. Naaalala ko ang pagkamangha ng tatay ko sa dami ng taong nagtipon sa Sto. Domingo Church para ilibing si Ninoy noong 1983. “Grabe ang kapal ng tao,” masayang sabi niya pagkauwing pagkauwi sa bahay namin noon sa Batangas City. Pero pinakamalinaw sa alaala ko ang paglalaro namin ng kapatid kong sumunod sa akin. Ginagaya namin ang eksena sa tarmac noong 1983. Naghahalili kami sa pagiging si Ninoy at ang tauhan ng airport. Bababa si “Ninoy” sa amin sa hagdan, naka-senyas ng “L” ang dalawang kamay, habang may kumakanta ng “Magkaisa” ni Virna Lisa. Puputok ang baril at mabubuwal siya. Tatakbo ang isa sa amin para kaladkarin ang namatay. Palitan kami, paulit-ulit, hanggang marumi na kami at malinis na ang sahig. Sa pagbabalik- tanaw ko ngayon, naiisip kong tapos na ang People Power ng 1986 noong naglaro kami ng ganito ng kapatid ko. Kinakanta na namin ang “Magkaisa” at paulit-ulit na naming napanood sa telebisyon ang mga eksena sa pagpatay kay Ninoy. Tiyak, hindi namin unawa kung gaano ka-halaga sa kasaysayan ng bansa ang kamatayang iyon. Pero napakalakas ng dating at tama ng eksenang iyon na paulit- ulit pinalabas sa telebisyon. Parang napakadakila at napakasarap mamatay para sa bayan. “The Filipino is worth dying for,” sabi nga niya. Kilala siya sa maraming bagay. Ang dapat papalit kay Marcos bilang pangulo. Tradisyunal na pulitiko. Nagpasuko kay Luis Taruc noong dekada 50. Tsismis na siya ang nag-areglo ng pagkikita ni Jose Ma. Sison at Bernabe Buscayno noong 1969 para itayo ang New People’s Army, pero hindi raw totoo. Pero higit sa anupaman, nasa kamatayan ang buhay ni Ninoy, wika nga. Ang halaga niya ay nasa pagmulat at pag- udyok sa mga Pilipino para kumilos at patalsikin ang kinamuhiang diktador na matagal na nagpahirap sa sambayanan at nagpakasasa sa kapangyarihan. “Katarungan para kay Aquino! Katarungan para sa lahat ng biktima ng pampulitikang panunupil!” (Justice for Aquino! Justice for all victims of political repression!) Ito ang panawagan noon, para rin kina Jopson, Escandor, Dulag at iba pa. Naiisip ko ito ngayon habang pinapanood ang proseso ng impeachment kay Arroyo sa Kongreso. Nanggagalaiti ang mga maka-administrasyong kongresista sa tinatawag na “Amended Lozano Complaint” dahil sinisisi nito si Arroyo sa mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao sa bansa, pati na ang masaker ng mahigit 10 katao sa Hacienda Luisita. Sinasabi nilang walang kasalanan si Arroyo sa pagpaslang sa mahigit 40 lider-aktibista, abogado, taong-simbahan, tanggol ng karapatang pantao ngayong taon. Ayon sa mga ulat, sa buong bansa nagaganap ang pagpaslang. Sa kaso ng Hacienda Luisita, sinasabing pangulo lang ang may kapangyarihang magpadala ng sundalo sa welga. Mababahala talaga ang mga kongresistang maka-administrasyon. Ito ang aral ng pagpatay kay Ninoy: kikilos ang taumbayan laban sa pangulong mamamatay-tao. 25 Agosto 2005