Tambuling Batangas Publication April 11-17, 2018 Issue | Page 4

OPINYON Abril 11-17, 2018 Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT: Sinag Publishing & Printing Services, National Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos. (049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee: One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER: Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI) / Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L. Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal Consultant. email add: [email protected] & [email protected] Beyond winning THE vice presidential vote recount that starts today (Monday) goes beyond the electoral contest between Leni Robredo and Bongbong Marcos. Robredo was proclaimed the winner in the vice presidential race with 14,418,817 votes or 263,473 more than Marcos’ 14,155,344 votes. But Marcos filed a protest on June 29, 2016, accusing the camp of Robredo of cheating in the May 2016 automated polls. The protest contested the results from 132,446 precincts in 39,221 clusters, covering 27 provinces and cities. Marcos also sought a recount in Camarines Sur, Iloilo and Negros Oriental. Robredo submitted a counter-protest, questioning the results from more than 30,000 polling precincts in several provinces where Marcos won. There had been rampant accusations of fraud—with the latest one aired Senate Majority Leader Vicente Sotto III—raised against the Venezuela-based firm Smartmatic , which had been supplying the counting machines for the automated polls. The recount thus takes more significance than merely determining who really won in the 2016 vice presidential race. It would provide for the first time definitive evidence on whether or not the present system of automated polls truly reflects the will of the people or an elaborate, high-tech scheme to manipulate election results. Ni Teo S. Marasigan Krimeng Wi-Fi, Kuwentong Sci-Fi PART 1 (1) Dahil sa kaka-Google ko, nakatisod ako ng mga kuwento tungkol sa mga tinatawag na “krimeng Wi-Fi” sa mga bansang abanteng kapitalista – US, Inglatera, Canada, at iba pa. Interesante sila, na parang mga kuwentong sci- fipara sa mga mangmang sa teknolohiya na tulad ko sa mga bansang katulad ng sa atin. Pamilyar na rin naman ang marami sa bansa sa Wi-Fi. Teknolohiya itong nagpapahintulot sa mga gumagamit na maka-akses sa Internet nang walang kurdon, gamit lang ang signal – kaya nga “wireless network” ang isa pang tawag dito. Marami na ring establisimyento sa bansa ang gumagamit ng libreng Wi-Fi para manghatak at manghikayat ng mga parokyano. Sa mga bansang nabanggit, marami-raming kabahayan at opisina na ang nagpakabit ng Wi-Fi. Nag- uugat ang sinasabi kong usapin – o krimen – sa katangian ng teknolohiya: Umaapaw ang signal nito lampas sa mismong mga bahay at opisina hanggang sa kalapit na mga lugar o kalsada. Kapag walang sagkang panseguridad na inilagay ang may-ari, katulad ng maraming kaso sa mga bansang nabanggit, madaling magamit ang Wi-Fi ng ibang tao. Nangyayari na rin naman ito sa Kamaynilaan: Didikit lang ang isang may laptop na bukas sa signal ng Wi-Fi at makakapag- Internet na siya. Hindi tulad sa ekonomiya ng “jumper” sa kuryente sa iba’t ibang lugar sa Kamaynilaan at sa bansa, kadalasang hindi napapansin ng may-ari ang “pakiki-Wi- Fi.” Wala rin itong dagdag na gastos para sa kanya. Ganito rin naman sa ibang bansa. Pero sa mga bansang ito – hindi ko lang alam sa Pilipinas – krimen ang ganitong praktika, labag sa batas. Tinitingnan itong paglabag sa pag-aari ng isang tao sa Wi-Fi – kahit pa, gaya nga ng nabanggit, wala itong dagdag na gastos sa kanya at hindi naman niya kadalasang mapapansin. Tinatawag itong “pagnakakaw” (theft) ng Wi- Fi. Humatak na ng pagkilos ng mga tao ang ganitong katangian ng teknolohiya. Mayroon nang tinatawag na “war-driving” sa mga bansang ito – ang praktika ng pagmamaneho o paglalakad-lakad nang may dalang kung anong gaheto para sumagap ng signal ng Wi-Fi ng mga bahay-bahay o opisina. Kapag nakakita ng signal, siyempre, gagamit na ng Internet. Mayroon pa ngang nagsusulat ng “X” – gamit ang pinturang pula, katulad ng ilang graffiti dito sa atin – sa mga istrukturang natuklasang may bukas na Wi- Fi. May ilang pinagkaperahan ang ganito, sa mabuting paraan: Nilalapitan nila ang may-ari ng bahay o opisina na bukas ang Wi-Fi at inaalok sila ng tulong para isara ito. Ang kakatwa, at nakakadagdag sa pagiging interesante ng mga kuwento, ginagamit ang ganitong pakiki-Wi-Fi para gumawa ng iba pang krimen. Kapag nakiki-Wi-Fi ka kasi, hindi ka makikilala – maliban na lang kung ia-akses mo ang personal mong mga address tulad ng e-mail, blog, Friendster at iba pang social networking sites na kinabibilangan mo. Anonymous ka, parang walang pagkatao. Ang nakasalang, iyung may-ari ng Wi-Fi na ginagamit mo. Pagkatapos, madalas, nasasagap ng nakiki-Wi-Fi ang bank account at iba pang personal na impormasyon ng may-ari ng Wi-Fi. Kaya iyung mahilig sa pornograpiya ng mga bata (child pornography), tumitingin ng website tungkol dito, o bumibili ng mga materyales kaugnay nito, o naga-upload ng mga imahen atvideo na naglalaman ng ganito. Siyempre pa, bawal ang ganitong pornograpiya sa nasabing mga bansa. Iyung mahilig naman sa karaniwang pornograpiya, pero mas gugustuhing maging malinis ang Internet sa bahay at sariling account, sa Wi-Fi ng iba nagbubukas. Ang iba, bumibili pa ng mga laruang pang-seks (sex toys) dito. Ang iba naman, droga. At ang iba pa, kahit anong kalakal na ibinebenta sa Internet. Iyung may kriminal na adiksiyon sa “teorya,” pinapakyaw ang mga koleksiyon ng Verso at mga university press. Biro ko lang ang huli – pero bakit hindi? May mangilan-ngilan nang nahuli sa ganitong mga “krimeng Wi-Fi” na, madalas, katambal ng paggawa ng iba pang krimeng nabanggit. 07 Abril 2008 Itutuloy