Tambuling Batangas Publication April 11-17, 2018 Issue | Page 3
BALITA
Abril 11-17, 2018
Barangay tanod mahalaga ang papel
sa pagsugpo ng droga sa barangay
BINIGYANG
diin
ang
kahalagahan ng papel na
ginagampanan
ng
mga
barangay police sa gera ng
pamahalaan laban sa droga
sa unang general assembly ng
Barangay Police Federation
kamakailan sa Batangas City
Convention Center.
Dumalo sa okasyong ito sina Congressman Marvey Mariño at Mayor Beverley Dimacuha na kapwa kinilala ang tungkulin ng mga barangay police o
tanod sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan ng kanilang barangay
Regional...
Sa
mensahe
ni
Gov.
Hermilando
Mandanas,
binati
niya
ang mga miyembro ng
kooperatiba sa kanilang
anibersaryo at nagpabatid
ng suporta sa lahat ng mga
gawain ng kooperatiba
na
makakapagpapa-unlad
sa antas ng pamumuhay
mula sa pahina 1
ng mga mamamayan ng
Region IV lalo’t higit ang
mga Batangueño. Ginawaran
din niya ng assistance ang
miyembro ng Kasamahalal
Producers Cooperative na mga
Muslim.
Bukod kay Mandanas,
dumalo din sa pagpupulong
sina Cong. Rico Geron,
kinatawan
ng
AGAP
Partylist at Chairperson ng
Southern Tagalog Regional
cooperative Development
Council at mga miyembro
ng
kooperatiba
mula
sa
CALABARZON
at
MIMAROPA.
(MPDeCastro-PIA Batangas
with reports from PIO
Province)
169 magsasaka, pinagkalooban ng
libreng crop insurance
Mamerta P. De Castro
LUNGSOD
NG
BATANGAS,
(PIA)
-- May 169 magsasaka
ang
pinagkalooban
kamakailan ng crop
insurance sa idinaos na
ika-12 annual general
assembly ng Batangas
City Vegetable Growers
Association
Inc.
na
ginanap sa Office of
the City Veterinary and
Agricultural
Services
(OCVAS).
Ang pamimigay
ng insurance ay mula
sa pagtutulungan ng
pamahalaang lungsod sa
pangungana ng Office of
the City Veterinary and
Agricultural
Services
(OCVAS), Department
of Agriculture (DA)
at
Philippine
Crop
Insurance Corporation
(PCIC).
Sakop
ng
insurance
ang
mga
pananim na masisira
dahil sa mga natural
na kalamidad tulad ng
bagyo, baha, tagtuyot,
mga sakit sa halaman at
peste.
Base
sa
panuntunan ng PCIC,
magkakaiba
ang
insurance
coverage
ng mga iba’t ibang
pananim, livestock at
iba pang agricultural
products habang ang
mga
magsasaka
ay
covered ng Agricultural
Producers
Protection
Plan
at
Accident
and
Dismemberment
Security
Scheme
sakaling
sila
ay
mamatay o magkaroon
ng permanent disability
dahil
sa
aksidente,
natural na kadahilanan
at iba pa.
Sinabi
ni
City
Veterinarian
Macario Hornilla na
binibigyang proteksiyon
ng
pamahalaang
lungsod ang sektor ng
agrikultura at patuloy
itong pinauunlad sa
kabila
ng
pagiging
industriyalisado
ng
Batangas City.
“Ang
Batangas
City
ay
puwedeng
ipantay
sa
Baguio,
puwede rin magtanim
ng maraming halaman
at prutas katulad ng mga
nabibili sa Benguet at
bihira din daanan ng
kalamidad,” dagdag pa
ni Hornilla.
S a m a n t a l a ,
hiniling
ni
Hornilla
sa
samahan
ng
mga
magsasaka
na
pagyamanin ang lupang
taniman at makinabang
sa mga programa ng
pamahalaan.
Pinayuhan
din
niya na hikayatin ang
kanilang
mga
anak
na kumuha ng kurso
sa agrikultura upang
patuloy na mapayabong
ang sektor ng pagsasaka.
Batay sa mga
pag-aaral, maliit na ang
bilang ng mga magsasaka
at may edad na 55 taong
gulang ang pinakabatang
magsasaka.
Ayon
pa
kay
Hornilla, dahil sa hirap ng
pagsasaka, maghapong
pagkabilad sa araw o
minsan ay nalulugi sa
ani, marami sa mga
anak ng magsasaka ang
hindi naeengganyo na
magsaka din. Mas nais
nilang maging engineer,
abogado, manager at iba.
“Hinihikayat ko
ang bawat isa na isulong
pa din ang pagsasaka
dahil ito ang nagbibigay
sa atin ng pagkain sa
araw araw. Kung walang
magsasaka, wala tayong
kakainin na bigas, gulay
o prutas sa ating hapag
kainan,” pagtatapos ni
Hornilla.
Ang
Batangas
City
Vegetables
Growers
Asso.
Inc.
na
pinamumunuan
Victor Malibiran bilang
pangulo, ay tumanggap
na ng mga iba’t ibang
pagkilala sa larangan ng
agrikultura sa lalawigan.
Sa ngayon, ang
samahan ay nominado
sa
kategoryang
Outstanding
Farm
Group sa Gawad SAKA
Region IV. Nominado
rin bilang Outstanding
Farmer- High Value
Crop (vegetable)
ang
kasapi nitong si Monte
Manalo
habang
ang
pamilya ni Malibiran
bilang Outstanding Farm
Family. (MPDeCastro-
PIA/CPGPIA-4A)
Dumalo sa okasyong
ito sina Congressman Marvey
Mariño at Mayor Beverley
Dimacuha na kapwa kinilala
ang tungkulin ng mga
barangay police o tanod sa
pagpapanatili ng katahimikan
at kaayusan ng kanilang
barangay. Sinabi rin nila
na ipagpapatuloy nila ang
kanilang suporta upang higit
na mapalakas ang mahigit 100
miyembro ng samahang ito.
Namahagi rin sila ng
mga kagamitan na magagamit
ng mga tanod sa pagganap sa
kanilang tungkulin kagaya ng
flashlights, posas batuta at iba
pa.
Ayon kay dating
Batangas City Police chief
Wildermar Tiu na siyang
nagbigay ng lecture tungkol
sa “The Role of Barangay
Police In Combating Drug
Addiction”, ang mga barangay
police ang “contact persons,
guardians,
coordinators,
at force multifliers na
makakatulong at makikipag
ugnayan sa kapulisan sa
pagsugpo ng kriminalidad.”
Hinamon din niya
ang mga barangy police na
pagsikapang maging drug-
free ang kanilang barangay
katulad ng barangay Dela Paz
Pulot Itaas at Ilijan na sila
pa lamang na “drug cleared”
sa 105 barangay sa lungsod
ng Batangas. (PIO Batangas
City)
Wellness and recovery program ng
PNP, mas pinalalakas
Mamerta P. De Castro
LUNGSOD
NG
BATANGAS,(PIA) -- Isinagawa
ng Police Community Relations
Group (PCRG) ang presentasyon
ng wellness and recovery
program ng Philippine National
Police para sa mga pulis mula
sa lalawigan ng Batangas at
Quezon na idinaos sa Teachers
Conference Center kamakailan.
Layon nitong maibaba
sa mga police stations ang mas
epektibong pagpapatupad ng
wellness and recovery program
para sa mga drug surrenderees.
Sinabi
ni
PCRG
Director
PCSupt
Rhodel
Sermonia na ang aktibidad ay
ginawa para sa mas malalim na
pag-unawa at kaalaman upang
mas maayos na maipatupad ang
isang community-based drug
rehabilitation program.
“Para sa akin, ang
PCR ang pinakaimportanteng
bahagi ng pagiging pulis dahil
nakakahalubilo at nakakausap
mo ang mga tao kaya’t mas
madali na makabuo ng polisiya
o plano para sa kanilang
kagalingan,” ani Sermonia.
Dagdag pa ng opisyal,
ang Project Tokhang ang
maituturing na pinamahusay
na programa ng PNP dahil sa
buong bansa, ito ay nagbunga
ng: 1.3 milyong bilang ng mga
sumuko; 800,083 anti-drug
operations; 119.023 naaresto;
at nakumpiskang 2,560 kilo
ng shabu na nagkakahalaga ng
P13.13B.
Iba’t ibang uri ng
interventions ang isinagawa
ng PNP sa buong bansa. Sa
bawat rehiyon ay nakabuo ng
community-based
programs
tulad ng Bahay Pagbabago
Reformation
Center
sa
Region 3; Simula ng Pag-
asa (SIPAG) sa Region 4;
Ifugao Reflection Camp sa
Cordillera
Administrative
Region; Treatment Program
for Chemical Dependency sa
Region 6 at Camp Based Drug
Rehabilitation sa Region 10.
Samantala, upang mas
lalong maisaayos at mapalakas
ang pagpapatupad ng RWP,
tinalakay ni PSupt Roberto
Aldea ang mga suggested
modules kabilang ang moral at
spiritual upliftment, health and
wellness, psycho-social support,
civic/community activities at
skills training and enhancement
gayundin ang mga posibleng
aktibidad na nakapaloob dito.
(MPDeCastro-PIA Batangas)
DILG, PNP to secure peace and order
for the upcoming barangay elections
PIA 4A
CALAMBA CITY, Laguna,
(PIA) -- The Department of the
Interior and Local Government
(DILG), the Philippine National
Police (PNP) and other law
enforcement agencies team
up for peace and order in the
Sangguniang Barangay and
Sanguniang Kabataan elections
on May 14.
DILG 4-A Regional
Director Manuel O. Gotis
revealed
this
development
during the press conference
held at Circulo De Paseo Uno
Events Place, this city April 5,
2018.
Gotis assured that
actions to secure peace and order
is ongoing. He said the PNP is
preparing to secure facilities,
equipment and buildings to
be used in the elections. PNP
will also deploy personnel to
strategic locations.
The Commission on
Elections (COMELEC) issued
the Resolution No. 10247 dated
January 15, 2018, deputizing
the Department of Interior and
Local Government (DILG),
National Police Commission
(NAPOLCOM) and other law
enforcement teams to execute
safety routines in the conduct
of the SB and SK Elections.
Atty. Juanito Icaro,
Calabarzon regional election
director, stated they have re-
activated the Regional Joint
Security Control Centers for the
scheduled elections.
Checkpoints will be
conducted starting April 14,
which is also the start of the
filing of certificate of candidacy
(DED/CPG-PIA-4A/Chris
Jerome Sanji, UPHS Dalta OJT)