SYHealth HIPAA Notice of Privacy Practices TAGALOG June 2020 - Tagalog | Page 6

magtatala ng impormasyon upang suriin ang inyong kondisyon at maitukoy ang pinakamabuting paraan ng paggamot para sa iyo. Bibigayn namin ang iyong doktor at iba pang propesyonal na tagapangalaga ng inyong kalusugan ng mga kopya ng inyong rekord upang makatulong ito sa kanilang paggamot sa iyo. • Ang SYHealth ay kasali sa network ng San Diego Health Connect Health Information Exchange (HIE) kasama ang mga ibang tagapagdulot ng pangangalagang pangkalusugan at mga organisasyon. Ibabahagi ang mga impormasyon tungkol sa kalusugan mo sa HIE sa rehiyon na ito. Ang mga pasyente ay may karapatang hindi sumama sa HIE, ngunit hindi makakanahap ang mga doktor o nars ng mga impormasyon tungkol sa kalusugan mo sa pamamagitan ng HIE. Ang mga pasyente na pumiling huwag sumama ay kailangang kumpletuhin ang Health Information Exchange Patient Opt-Out Form, sa pamamagitan ng pag-bisita sa website ng SYHealth sa www.SYHealth.org o tumawag sa aming Call Center sa (619) 662-4100 para sa karagdagang tulong. • Pagbayad: Maaari naming gamitin at ibunyag ang iyong impormasyong pangkalusugan upang makamit ang kabayaran sa mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan na ibinibigay namin o nang iba para sa iyo. Kasali na rito ang paggamit at pabunyag sa: ‣pagbigay ng impormasyong pangkalusugan at pagtanggap ng kabayaran mula sa inyong health insurer, HMO, o iba pang kumpanya na nagbabayad ng halaga ng lahat o parte ng inyong health care (payor) o tagabayad, o ‣ isigurado na ang inyong health care (payor) ay magbabayad ng inyong pangangalaga. Gayunpaman, kami ay susunod sa inyong hiling na huwag ibunyag ang iyong impormasyong pangkalusugan sa inyong health plan kung ito ay nauugnay lamang sa isang bagay o serbisyo na aming binayaran ng buo mula sa aming bulsa. Halimbawa: Maaari kaming nagpadala ng kuwenta na naglalaman ng protektadong impormasyon na pangkalusugan sa inyo o sa ibang taga-bayad, tulad ng inyong health insurer. • Mga Operasyon sa Pangangalagang Pangkalusugan: Maaari naming gamitin o ibugnay ang inyong impormasyong pangkalusugan para sa aming mga operasyon sa pangangalaga ng kalusugan, tulad ng administrasyon at pagpa-plano sa pagbubuti ng kalidad at halaga ng uri ng pag-aalaga na aming ibinibigay sa inyo. Kasali na rito ang paggamit at pabunyag sa: ‣Pagsuri ng kalidad at kagalingan ng aming mga doktor, nars at iba pang manggagawa sa pangangalaga ng kalusugan, ‣mga iba pang tagapagbigay ng pangangalaga ng kalusugan, upang tulungan silang gawin ang sarili nilang pagsisiyasat ng kalidad, mga gawain sa pagsunod (compliance) o iba pang pagpapatakbo ng mga operasyon sa pangangalaga ng kalusugan, ‣magsanay ng mga estudyante, residente at kapwa, o ‣kilalanin ang mga serbisyo at produktong pang-kalusugan na maaaring maging kapaki-pakinabang sa inyong kalusugan, pagkatapos ay makikipag-ugnay sa iyo tungkol sa mga serbisyo at produkto na ito. 5 SYHealth | HIPAA - NPP