SYHealth HIPAA Notice of Privacy Practices TAGALOG June 2020 - Tagalog | Page 5

kayong kontakin. Kung hindian namin ang inyong hiling, aming ipaliliwanag ito at ipaaalam sa inyo ang inyong mga karapatan sa pamamagitan ng isang sulat na ipapadala sa inyo sa loob ng 60 na araw. Paunawa: Wala kayong karapatang ma-access ang mga sumusunod: • Psychotherapy notes. Ang mga ito ay binubuo ng mga tala, dokumento at usapan ng isang manunuri (mental health professional) mula sa isang pribadong sesyon, isang grupo, o pamilya. Ang mga impormasyong ito ay hiwalay na bahagi ng iyong medikal rekord. • Impormasyon na pinagsama-sama na puwedeng gamitin sa sibil, kriminal, o mga akyson na administribo pati na sa paglilitis. • Kung ang impormasyon ay nakuha mula sa isang tao maliban sa isang manunuri at naipangako na ito ay kompidensiyal at ang access na hinihiling ay malamang na ibunyag ang pinagmulan ng impormasyon. KUNG PAANO MAAARING GAMITIN NG SYHEALTH ANG INYONG IMPORMASYONG PANGKALUSUGAN Bilang pangkalahatang tuntunin, dapat kang magbigay ng nakasulat na pahintulot bago maaaring gamitin o ilabas ng SYHealth ang inyong impormasyong pangkalusugan. Mayroong mga sitwasyon na hindi kalilangan humingi ng pahintulot mula sa inyo ang SYHealth. Ang seksyon na ito ay nagpapaliwanag ng mga sitwasyon na kung saan maaaring gamitin o ibubunyag ng SYHealth ang inyong impormasyong pangkalusugan nang walang pahintulot mula sa inyo. Maliban sa Labis ng Kumpidensiyal na Impormasyon (na inilarawan sa ibaba), ang SY- Health ay pinahihintulutang gumamit ng mga impormasyon sa kalusugan mo para sa mga sumusunod na layunin: • Paggamot. Gagamitin at ibubunyag namin ang mga impormasyon sa kalusugan mo para mabigyan ka ng paggamot o serbisyong medikal. Kasali na rito ang paggamit at pabunyag upang: ‣gamutin ang karamdaman o pagkapinsala mo. Kasama dito ang mga pagbubunyag sa mga ibang doktor, propesyonal, nars, technician o tauhang medikal na may kinalaman sa paggamot sa iyo, o ‣kontakin ka para magpadala ng mga paalala sa appointment. Halimbawa, paalala sa appointment para sa patuloy na paggamot sa indibidwal; kaya maaari kaming magpadala ng “Automatic Appointment Reminders” sa telepono sa bahay ninyo at/o sa numero ng inyong cellphone sa pamamagitan ng SMS text na mensahe nang walang awtorisasyon mula sa inyo. Gayunpaman, maaari kayong tumanggi , kahit anong oras, na makatanggap ng paalala sa appointment sa pamamagitan ng SMS text. ‣bigyan kayo ng impormasyon ukol sa iba pang paraan ng paggagamot o iba pang benepisyo at serbisyong pangkalusugan na maari kayong interesado. Halimbawa: Ang isang doktor, nars o iba pang miyembro ng inyong grupong pangkalusugan ay SYHealth | HIPAA - NPP 4