SURI magazine June-October issue | Page 5

Pamilyar ka ba sa sitwasyong kelangan mong mamili sa pagitan ng dalawang undesirable options habang ikaw ay nasa komplikadong sitwasyon? Well, kung nararanasan mo yan, you are in a dilemma. Hindi ka nag-iisa; marami ang ganyan dito sa mundo. Yun bang tipong kelangan kang mamili ng isa kahit di ka sigurado sa kalalabasan ng pinili mo, kung baga take the risks na lang, kasi kahit anung napili mo, still you might get into trouble. Tulad ng mga bida sa mga action movie mapa-Pinoy o foreign movie man. Hindi talaga nawawala yung tatalon ang bida sa mataas na lugar para di sya maabutan ng mga humahabol sa kanya habang nasa ,isang napaka-komplikadong sitwasyon . Hindi lang sa mga pelikula nangyayari ang ganyang sitwasyon. Kung napapansin nyo, kahit sa araw-araw, nangyayari yan tulad na lang sa pagpili ng syota—sino ba ang dapat piliin yung isa dahil sexy at maganda sya o sya na lang dahil sexy, at maganda ang mukha nya. Para bang kapag may nagtatanung sa’yo ng mga linyang ito,’’pogi ba ako,o magandang lalaki; mahal mo ba ako o gusto ? San ka pupunta sa kanan ba o sa kaliwa, o diretso ka na lang para di ka mawala o maligaw? O, hindi ba magulo o medyo malabo lang ? Okay let me tell you this thing, marami sa atin ang naiipit sa ganitong sitwasyon; kelangan ng talas ng isipan at tibay ng dibdib para malampasan ito . And yes it’s hard to decide kung saan ka ba masaya ,at kahit minsan masama sa kalooban mo eh, gagawin mo dahil sabi nila “that is for the welfare of the majority”. Ano nga ba ang laban ng isa sa nakararami, hindi ba wala ? “Sway to the flow” ngiti na lang, kahit na parang naglalaba lang ‘’ihiwalay ang puti sa de color,para hindi makahawa” o ganito lagyan ng pabango para hindi bumaho o di kaya, lagyan ng maraming yelo para hindi masangsang sa ilong. Hindi ba may salitang maiksi pero malaman– PUSO, may salitang mahaba pero walang katuturan gaya ng KASINUNGALINGAN. Bahala ka na kung saan ka lulugar dahil wala namang ibang mananagot sa desisyon mo kung di ikaw. “If you can’t turn off the heat go out of the kitchen” goes the old saying. Kung ayaw mo ng sistema, simple lang , di umalis ka. Eh panu kapag wala Turn to page 9 April G.Enriquez