News
Laman ng pambansang
balitaan ngayon, ang marahas na
pag-aklas ng ating mga kapatid na
muslim sa lungsod ng Zamboanga at
karatig bayan ng Mindanao kung saan
inaamin ng grupong MNLF(Moro
National Liberation Front) na
pinamumunuan ni Ex-Gov. of ARMM
Nur Misuari at Habier Malik na
kasalukuyan namang umako ng
paglusob at pagsakop sa bahay
pamahalaan, establisyemento, at paaralan sa nasabing lugar upang
iwagay-way ang kanilang bandila at
minimithing paglaya at paghiwalay ng
tinatawag na teritoryong Bangsamoro
sa teritoryo ng Pilipinas. minimithing
paglaya at paghiwalay ng tinatawag na
teritoryong Bangsamoro sa teritoryo ng
Pilipinas. Sa matagal na panahong
payapang namumuhay ang MNLF at
sandatahang lakas ng Pilipinas sa
Zamboanga, sinong mag-aakala na
ang pangkat ng mga Muslim ang magbubukas ng pinto ng rebolusyon sa
Mindanao, gayang matatandaan na
parang kailan lang ay magkatuwang
pa itong nakikibaka sa pagtugis sa militanting miyembro ng lumihis na
pangkat ng MNLF at teroristang grupo
ng Abu Sayyaf para mapanatili ang
katahimikan sa Zamboanga at karatig
nitong kapuluan.makabansang
pangkat ng muslim na ito, at sinakop
ang mangilan-ngilang bayan sa Zamboanga, na nagdulot ng pangamba sa
mga tao upang agarang lumikas para
hindi madamay sa gulo nasa kabuuan
ay humigit kumulang 15,000 pamilya
ang apektado.
Paglaya ang kanilang hinaing,
ngunit di napapansin na mas
maraming tao ang napeperwisyo at
nasasakripsyo ang buhay sa walang
katuturang pag-aaklas na ginagawa. Di
ba’t kay sarap damhin ng kalayaan at
kapayapaan kung kasama mong
buhay ang iyong pamilya, kamag-anak,
kaibigan at kababayan upang
tamasahin ang mga ito? Di bat kay
sarap hawakan ng lapis at papel ng
kaalaman, kaysa bala’t baril ng
kamatayan?
Hindi dapat mangamba kung ang
gobyerno ay nimamabuting
makipagkasundo sa MILF na grupo,
upang pag-usapan ang tungkol sa
Bangsamoro, pagkat hindi naman ibig
sabihin nito ay niyuyurakan ang kasunduang napag-usapan na noon at di bat
pareho naman ang kanilang pakay, ang
paghiwalay ng teritoryong Bangsamoro
at soberanya ng bansa. Maaaring ibigay
kung iuudyok ng pagkakataon pero
magkaisa kaya ang magkapatid na
grupong muslim na ito, gayong alam naman nating may magkaiba itong estado
ng pamamahala at grupong kinabibilangan.