SURI magazine June-October issue | страница 11

News Sinubaybayan, pinag-usapan at nagte-trending sa social media, ganyan ang karisma ng kapuso soap opera na My Hunsband’s lover na pinagbibidahan nina Carla Abellana (Lali), Tom Rodriguez (Vincent), at DennisTrillo (Eric). Ang peksyunal na love triangle nina Lani, Vincent at Eric ang nagbigay puwang ngayon sa bagong ipinapanukalang batas sa kongreso na kung saan pinapatawan ng legal na aksyon nang agrabyadong asawa ang lalaki na nakikiapid sa asawa nitong lalaki odi kaya’y babae na nakikiapid sa asawang babae.Bagaman at tanggap na sa lipunan ang kabilang sa LGBT ( L e s b i a n , G a y, B i s e x u a l , Transgender) ay hindi pa rin sila ligtas sa bagong ipinapanukalang batas na sinulat at iminungkahi ni Albay Rep. Edcel Lagman Jr. na nagpapalawak ng sakop ng pakikiapid sa Artikulo 333 ng Revise Penal Code kung saan ang kasal na nakikipagtalik sa lalaki, bukod sa asawa niyang lalaki ay pwedeng kasuhan ng concubine at kung napatunayan ng hukuman na ang mga ito ay nagkasala, pwede silang parusahan ng pagkakakulong ng apat na taon. Sa makatuwid, walang batas na nagpaparusa sa ganoong sitwasyon. Sinabi rin ni Rep. Lagman sa isang interbyu na sumusuporta sa pagkakapantaypantay sa kasarian at karapatan ng bawat LGBT, pero hindi dapat magsarado an gating isipan sa mabuting kaisipan ng isang bagay, kung sumisigaw ng pagkakapantay-pantay ang mga LGBT ay dapat may kaakibat na responsibilidad at accountability.Ganito naman ang sinasabi ng Diyos sa kanyang ika pito sa sampung utos, “Huwag kayong makikiapid”, pagkat ang pakikiapid ay katuksuan at tawag ng laman, ito ay mapang-ibabaw na kagustuhan ng katawan. Iwasan ninyo ito pagkat ito ay magdadala sa inyo sa kapahamakan. Kaya’t makaligtas man sa batas ng tao, wala pa ring sa batas ng Diyos na huhukom sa inyo. BY: KRAMS