SINAG 2020 | Page 36

SINING : ANG PUSO NG KULTURA ni Jolie Mathea G . Lim

Mula sa simpleng pagtingin hanggang sa hiyawan at palakpakan , ang iba ’ t ibang sining sa bansa ’ y patuloy na nakatatanggap ng pansin at papuri para sa kagandahan ng kanilang mga gawa ’ t ang epektong dala nito sa ating kasaysayan .
Kapag naririnig ang salitang sining , madalas naisasaisip ang mga gawaing inihhahandog sa pandamang pangtingin . Iilang halimbawa nito ay ang mga guhit o iskulturang makikita sa mga museo o display tulad ng Spoliarium ni Juan Luna at ang Oblasyon ni Guillermo Tolentino . Kabilang din sa mga ito ang kasanayang pagkuha ng mga litrato .
Ang sining ng musika , balagtasan , panunulat , at iba pang mga gawang gumagamit ng pananalita ay lubos na binibigyang-halaga gamit ang pandamang pandinig . Dahil pinauuso muli ang mga throwback na kanta , ang mga klasikong kompositor at mang-aawit ay pinararangalan at kinikilala sa kanilang malaking kontribusyon sa pundasyon at ebolusyon ng industriya . Dagdag pa rito , ang balagtasan at kasulatan noon ay ginagamit bilang mapagkakatiwalaang sanggunian para sa kasalukuyang mga manunulat . Nakikilala na rin sa ibang bansa ang mga modernong tugtog ng mga Pilipinong banda ’ t mang-aawit ngayon . Ngunit sa mga pagpupuri ’ t pag-aalala sa pagsulong ng sining , nananatili pa rin ang colonial mentality sa karamihan ng mga mamamayan . Isa ito sa mga nagiging hadlang para lalong mabigyan ng pansin ang sariling gawa , dahil nailatag ang kaisipang superyor ang sining sa ibang mga bansa . Bagama ’ t ito ’ y nakikita bilang isang isyu sa mga lumipas na taon , isang pagkalaya mula sa mga stereotype na ito ay dahan-dahang lumilitaw .
Sa nagpapatuloy na pandemya , maraming nag-iisip ng paraan upang kumita o maghanapbuhay sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang kaalaman at talento sa sining . Dito umusbong ang pagsuporta ’ t pagpapahalaga hindi lamang sa mga tanyag na gawa ng mga Pilipino , kundi pati na rin ang kasalukuyang sining . Ang pakikibaka sa pandaigdigang kalagayan ay nagdala ng isang kagyat na tawag upang matuto at mapagtanto ng mga Pilipino ang kagandahan ng ating sariling gawa , sumuporta sa bawat isa , at payagan ang paglago ng isang mabuting kapaligiran sa ating lipunan .
Ang pagpapahalaga sa sining ng iba ’ t ibang anyo ’ y nangangailangan ng magkakaibang pandama ’ t bahagi ng katawan . Maihahambing ang pambansang sining sa puso ; sapagkat sa anumang pagkabalisa o impluwensya mula sa ibang mga bagay , ang sariling gawa at pagkakakilanlan ang nagpapanatili ng apoy na siyang kumakatawan sa pagkakaisa ’ t pagkabuhay ng ating kultura .
TAMPOK
27 Sinag / Inilapat ni Frances Angeles