SINAG 2020 | Page 17

ni Alyssa Reyes
Ang “ PARA ! Kay Manong ” ay nabuo noong Abril , nang makita ni Semper Manalo – isa sa mga tagapagtatag – ang malaking epekto ng Enhanced Community Quarantine ( ECQ ) sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tsuper . Ipinagbawal ang pamamasada ng mga trabahador na ito alinsunod sa mga patakarang inilatag ng Inter-Agency Task
Force o IATF . Ngunit ang pagtigil sa kanilang pamamasada ay ang pagtigil din sa kanilang kita , na sapat lamang para sa ilang araw na panustos sa mga pangangailangan ng kanilang mga pamilya . Ang suliraning ito ay isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit sila ang napiling benepisyaryo ng kampanyang ito , kung saan sila ’ y mabibigyan ng pagkain kahit sa maikling panahon lamang . Hinahangad ng “ PARA ! Kay Manong ” na magkaroon ng kaalaman ang karamihan sa mga Pilipino ukol sa mga suliraning pang-ekonomiya at sa mga pinakaapektadong mamamayan ng pandemyang ito .
Nabuo ang kampanyang ito hindi lamang dahil sa malasakit at kakayahan ng mga tagapagtatag , kundi dahil na rin sa kanilang pagpapahalaga sa mga naaapi at sa pagsulong ng tunay na kalayaan , kung saan walang sinuman ang pinagkakaitan ng karapatang pantao at hustisya . Tulad na lamang ng sinabi ni Kamilla Estanislao , isa sa mga pinuno , “ Tumatayo kami bilang tagapamagitan [ ng tulong sa tutulungan ]”. Isinasagawa nila ang proyektong ito dahil naiintindihan nila na hindi lahat ng gustong tumulong ay may kakayahan na tumulong .
Simula noong Abril , ang “ PARA ! Kay Manong ” ay nakalikom ng mahigit isang milyon at walong daang libong piso . Ang donasyon na ito ay nakatulong sa halos tatlumpu ’ t apat na libong tsuper sa mga barangay ng Kalakhang Maynila .
Pauliworld
MODELONG PAULIPINO
12