15
Ano ang pointing?
Ang tinatawag natin na “pointing” ay ang ginagawa natin sa huling mga
araw bago ang laban.
Nais natin na ang manok ay nasa tuktok ng kanyang kakayahang pisikal
at mental sa oras ng laban.
Naaabot ang kalagayang ito sa pamamagitan ng sapat na pahinga, tamang pagkontrola ng pagkain at tubig at wastong pamamahala ng
“stress”.
Kailangan ng manok ng enerhiya sa oras ng laban. At alam natin na sa
mga sustansya, ang carbohydrates ang makapagbibigay ng mas
maraming enerhiya sa mas madaling panahon. Kaya sa araw ng laban
marami ang carbohydrates na ibibigay natin sa manok.
Click image below
Ang mga pagkain na mataas sa carbohydrates ay ang mga grains tulad
ng palay, mais, trigo at oats. Sa mga ito ang mais
ang may pinakamataas na M.E. o metabolized energy. Dahil dito, ang mais ang malimit na ginagamit
na pangunahing sangkap ng ating pointing feed.
Maliban sa enerhiya mahalaga rin ang moisture
control sa pakain sa panahon ng pag po-pointing.
Kaya ang iba pang mahalagang sangkap ng pointing feed ay ang pellets, pangpatuyo at ang egg
white, pangbasa ng katawan. Ito'y mga halimbawa
lang. May iba pa kasing sangkap na may katulad na
epekto.
Kontrolahin din ang pag-inom ng manok sa araw
ng laban. Ang body moisture ay malalaman sa ipot.
Kung basa ang ipot, sobra ang moisture, kung tuyo
naman, ibig sabihin ay kulang.
Dapat ay “empty” o walang laman ang bituka ng
manok sa oras ng laban. Malalaman mo ito sa dami
at uri ng ipot. Ang ipot ng manok na “empty” ay
kaunti, medyo puti, at basa.
Thanks for sharing Roosterman.
Roosterman N0. 37