Roosterman 37 | Page 14

14 Ang sabi ni RB (Rey Bajenting) Bakit ginugutom ang manok sa oras ng laban? Bakit nga ba dapat gutom at empty ang manok at tuyo ang katawan sa oras ng laban? Una dapat natin isipin na ang pagkain ay hindi agad-agad makakapagbigay sa manok ng mga sustansya na magiging enerhiya na magagamit sa laban. Dadaan muna ito sa proseso. Ang patuka ay tinutunaw muna, at tinatabi ng katawan ang mga sustansya. Ang sustansya naman ay iniipon ng katawan bilang reserbang enerhiya na magagamit sa laban. Samakatuwid ang enerhiya na gagamitin sa oras ng laban ay nagmula sa mga patuka sa nakaraang mga araw. Kung pakakainin ang manok ng normal na pagpakain ilang oras bago ang laban, di na magagamit ang sustansya nito para sa laban. Magiging pabigat na lang ang ito. Click image below Bukod sa pagiging pabigat, ang katawan ay gumagamit po ng enerhiya upang tunawin ang pagkain. Ang pagkabusog ay sagabal din sa sirkulasyon ng sugo at oxygen sa buong katawan at sa utak. Kapag busog, ang katawan ay hindi makakaperform 100%. At taliwas sa komon na paniniwala, ang manok na gutom ay mas mabilis at malakas pumalo kaysa manok na may natitirang pagkain sa balunbalunan o manok na may laman pa ang bituka. Ganoon din ang tubig o sobra ang moisture sa katawan. Pabigat ito at sagabal sa paggalaw ng manok sa oras ng laban. Ang sobrang tubig ay nakakaapekto din sa muscles. Ang manok na sobra ang moisture sa katawan ay hindi lang mabagal, ito ay hindi pa magka-”cut” at mahihirapang pumatay sa kalaban. Ngunit mag-ingat. Huwag naman sobrang tuyo o sobrang gutom, at ang manok ay magiging “offpoint”. Ibig sabihin paso. Roosterman No. 37 Thanks for sharing Roosterman.