Roosterman 35 | Page 4

Katanungan: Ano ang dapat gawin sa manok na naglulugon? T a g l u g o n n a Ano daw ang dapat gawin sa manok na naglulugon. Ito ang katanungan na malimit nating natatanggap ngayon. Oo dahil panahon na ngayon n g t a g l u g o n . Sa ganitong panahon ng taglugon wag po nating pabayaan ang ating mga tinali na naglulugon. Kahit na ba hindi pa natin ito mailaban, kailangan paring bigyan ng masustansyang pakain. Ang totoo mas nangangailangan ng sustansya ang manok na naglulugon dahil ang tumutubong balahibo ay nangangailangan ng sustansya. Tandaan po atin natin na ang manok na naglulugon ay nasa stressful na sitwasyon. Wala sa maayos na kundisyon ang pangangatawan. Kaya hindi na ito dapat ilaban. Ngunit hindi ibig sabihin na dahil hindi na ito ilalaban ay hahayaan na lang ito sa isang sulok at pababayaan na lang. Kailangan parin ng pagaaruga ang manok na nagluugon. Huwag lang natin palaging hawakhawakan at himashimasin. Masakit ang paglugon lalo na’t sa panahon na tumutubo ng ang bagong balahibo. Hayaan natin sa cord ang manok. Sa may Page 4 lilim at damuhan. Kailangan din ng sustansya ang manok sa panahong ito. Ang balahibo ay binubuo ng mga protena kaya sa panahon na tumutubo ang balahibo ay mas nangangailangan ang manok ng pakain na may taglay na mataas na antas ng protena. Maaring conditioning pellets parin ang gamitin natin o kaya ang ating nakasanayang maintenance ration ay dagdagan natin ng kunting protein expander pellets. Halimbawa walong kilo ng ating maintenance feed haluan natin ng dalawang kilo ng protein expander pellet. Sa atin sa RB Sugbo ang maintenance feed natin ay 70% pigeon pellets special o kayay maintenance pellets na may 18% crude protein contents at 30% ordinary concentrate. Ang halong ito ay may halos 17% CP. Sa panahon na tumutubo na ang balahibo ng manok ay dinadagdagan natin ang CP sa ting pakain pamamagitan ng pagdagdag ng protein expander. Kahit 10 o 20% lang ang protein expander sa ating halo ay sapat na. Ang bitamina naman na dapat ibigay sa panahong ito ay yong ihahalo lang sa tubig. Wag yong sinusubo pa o iturok dahil hindi nga maigeng hawakhawakan natin ang naglulugon. May mga nagtatanong paano daw na mas bumilis ang paglugon. Ganito po ang gawin natin: sa unang yugto ng paglulugon, sa paglaglagan ng balahibo, ibaba natin ang CP sa ating pakain. Damihan ang grains at kuntian ang pellets sa pakain. Sa panahon naman na maugumpisa nang tumubo ang bagong balahibo, taasan natin ang protena sa pakain. Ngayon na natin haluan ng protein expander pellets a