GAMPANIN NG AGRIKULTURA
:BY: JAIRA GARCIA
Mahalaga ang sektor ng agrikultura sa isang ekonomiya dahil sa malawak ang kontribusyon. Ito ang itinuturing na pinagkukunan ng hilaw na materyales ng isang ekonomiya sapagkat tinutugunan nito ang ating pangangailangan sa araw-araw.
Batid naman nating mayaman ang ating agrikultura. Maraming mga produkto ang agrikultura na pinoproseso upang maging yaring produkto at ito ay nabebenta sa mattas na halaga. Isa sa kahalagahan ng agrikultura ay, nagpapasok ito ng pera sa bansa at pinapaunlad nito ang ekonomiya ng isang bansa. Pangalawa, dahil nagpapasok ito ng pera natutulungan ng sektor na ito ang ating gobyerno upang maging pondo at matustusan ang malakihang pangangapital n gating lipunan. Pangatlo, maraming mamamayan ang nabibigyan ng trabaho ng sector na ito kaya naman hindi nawawalan ng pagkakakitaan ang mga taga-rural marahil halos sa sektor na ito inaasa ang kanilang ikabubuhay.
Dapat nating pahalagahan ang ating agrikultura sapagkat marami itong naibibigay sa atin at sa ating bansa. Huwag na nating hintayin na ito’y lalo pang masira. Kelan tayo kikilos? Kapag mas lalo pang nadadagdagan ang nagugutom sapagkat kulang na ang supply? O kapag ba mas naghihirap na ang ating bansa? Agapan na natin ang ating nasisirang agrikultura. Simulan na natin ang pagkilos para maisaayos ang agrikultura O hahayaan na lang natin yan kahit na alam naman natin sa ating sarili na tayo ay may magagawa? Magisip ka at kumilos na.
Dahil episyente siya, mas malaki ang kanyang nagiging produksyon at mas mababa ang kanyang gastos o cost of production. Dahil dito, mas mura niya ring naibebenta ang produkto sa kanyang mamimili, bagay na pabor sa mga konsumer. Dito pumapasok ang pangalawang pang-ekonomiyang teorya na batayan ng free trade - ang teorya ng increasing economies of scale. Nangangahulugan ito na kapag mas malakihan ang antas ng produksyon, mas marami ang nalilikha sa bawat dagdag na input tulad ng lupa, capital o teknolohiya. Dahil dito, mas mataas ang antas ng produksyon, lumalabas na mas episyente ang produksyon at mas maliit ang gastos. Dahil sa mga teoryang ito, sinasabi ng mga ekonomista na imbis na maglayon ang bawat bansa na magkaroon ng produksyon ng lahat ng bagay, mas mainam na tumutok na lamang ito sa produksyon ng mga bagay kung saan ito mayroong comparative advantage. At upang makinabang ang iba pang mga bansa sa bentahe ng episyente niyang produksyon, dapat walang sagabal sa pagpasok ng kanyang produkto sa iba pang mga bansa. Gayundin, ang pagbubukas niya ng kanyang ekonomiya sa ibang bansa ay magbibigay naman sa kanya ng akses sa murang produkto ng mga ito. Sa ganitong sistema, marami diumano ang makikinabang. Panalo diumano ang mga mamimili dahil magiging mas mababa ang presyo. Panalo din ang mamamayan dahil magiging mas mataas ang kalidad ng kanilang buhay. sa ibang bansa ay magbibigay naman sa kanya ng akses sa murang produkto ng mga ito. Sa ganitong sistema, marami diumano ang makikinabang. Panalo diumano ang mga mamimili dahil magiging mas mababa ang presyo. Panalo din ang mamamayan dahil magiging mas mataas ang kalidad ng kanilang buhay.