PUNO'T BUNGA PUNO'T BUNGA | Page 12

RELASYON NG PILIPINAS SA WTO AT GATTBY: MATTHEW LAY

Kapag pinag-uusapan ang importasyon, marahil parati nating nadidinig ang mga salitang WTO o World Trade Organization, GATT o General Agreement on Tariffs and Trade, o di kaya naman ay ang AoA o Agreement on Agriculture. Ang mga salitang ito ay karaniwang nababanggit kapag napag-uusapan ang importasyon at pageeksport dahil malaki ang kinalaman nito kaugnay sa pagbuo at pagpapatupad ng mga polisiya hinggil sa pandaigdigang kalakal. Babalikan natin kung kailan at paano napasama ang Pilipinas sa GATT at WTO.

Kasaysayan ng GATT

Ang General Agreement on Tariffs and Trade ay isang kasunduan ng mga bansa na siyang naglalatag ng mga batas o alituntunin kaugnay sa pandaigdigang kalakal. Ang kasunduang ito ay unang itinatag noong 1947 sa Bretton Woods, kasabay na pagtatatag ng World Bank at ng International Monetary Fund (IMF-WB). Ang Pilipinas ay nagsimula bilang observer sa GATT noong 1973. Naging ganap na kasapi tayo noon lamang 1980. Bilang kasapi, nakasama tayo sa ginawang negosasyon sa pangwalo at pinakamalawakang pulong para sa GATT. Ito ay ang Uruguay Round na nagsimula noong 1986 at natapos lamang noong 1994. Inabot ang negosasyon ng walong taon dahil naging napakakomprehensibo ang ginawang pag-uusap sa Round na ito. Sa Round na ito niluwal ang labing-isang kasunduan kaugnay sa kalakal. Kabilang na rito ang Kasunduan sa Agrikultura. Pormal na niratipikahan ng Pilipinas ang GATT noong ika 15 ng Abril 1994. Kasabay ng paglagda ng Pilipinas sa GATT ay ang pagtanggap nito sa lahat ng mga kasunduang nakapaloob dito. Isa sa mga kasunduang ito ay ang tinatawatag na Marrakesh Agreement. Ang kasunduang ito ang siyang nagtatag ng WTO. Ayon sa nasabing kasunduan, ang WTO ay itinayo upang mangasiwa sa implementasyon ng mga kasunduang naging resulta ng Uruguay Round. Ito rin ang ang siyang nagpapatupad na mga alituntunin kaugnay ng dispute

settlement o ‘di pagkakaintindihan sa pagitan ng mga bansa hinggil sa pagpapatupad ng mga kasunduan. Sa ilalim kasi ng WTO, maari mong kasuhan ang mga bansang lumabag sa mga kasunduang pandaigidigang kalakal

Mga pang-ekonomiyang teoryang gumagabay sa WTO

Layunin ng WTO na makamit ang tinatawag na free trade o ang malayang pagdaloy ng produkto at serbisyo sa bawat bansa. Kapag wala daw kasing sagabal sa pagdaloy ng mga produkto at serbisyo sa pagitan ng mga bansa, magiging mas episyente ang produksyon, mas mura ang bilihin at mas mabuti ang kabuhayan ng mga mamamayan. Ang ganitong paniniwala ay mauugat sa dalawang pang-ekonomiyang teorya na siyang gumagabay sa konsepto ng free trade.

Ang una ay ang tinatawag na teorya ng comparative advantage. Ayon

sa teoryang ito, mayroong mga ekonomiya na may compatative advantage o mas episyente sa paggawa o paglikha ng partikular na produkto kumpara sa ibang bansa.