Philippine Showbiz Today Vol 12 No 17 | Page 25

Philippine Showbiz Today 25
September 8 - 21 , 2017
11 . Ugali 12 . Panghalip panao 13 . Ngalan ng babae 14 . Lugar sa Leyte 17 . Saka 19 . Tulo 21 . Rekado 22 . Mahabang pantalon 23 . Tabla 28 . Kata 30 . Klase ng laruan 31 . Hindi tama 35 . Daglat ng Illinois 36 . Panahon 37 . Libot 39 . Bahay-kalakal 40 . Ngawit
PABABA : 1 . Sindak 2 . Gunita
7 . Taulava , PBA cager 8 . Lukbutan 9 . Galaw ng ulo bilang pagtanggi 15 . Pinoy na Tarzan 16 . Tayong dalawa 18 . Hepe 20 . Gayak 22 . Klase ng insekto 24 . Uri ng dugo

Philippine Showbiz Today 25

25 . Time-out 26 . Utusan 27 . Pugad ng ibon 29 . Sakit sa balat 32 . Marangya 33 . ___ Vegas , Nevada 34 . Unang bilang 37 . Igsi ng palangga 38 . Ngalan ng lalaki ●
Solution on PAGE 26
PAHALANG : 1 . Nunal 6 . Urong 10 . Inuming nakakalasing

Y O U R W E E K L Y

Virgo ( Aug . 23 – Sept . 22 )
Magkakaroon kayo ng mga talakayan sa pamilya . May pag-uusap na kasing-gaan ng pag-aayos sa bahay o mga bagay na mabigat dahil may kaugnayan sa relasyon sa isa ’ t isa . Malawak ang talakayan . Iwasan mo lang ang makasakit ng damdamin sa iyong pagsasalita . Suwerte ang ika- 1 at 10 . Alalay ka sa ika-5 , 6 , 12 at 13 .
Libra ( Sept . 23 – Oct . 22 )
Kung ikaw ay nasa larangan ng pamamahayag , pagbebenta , pagtuturo o pag-aartista , magandang kapalaran ang naghihintay sa iyo sa buwang ito . Magaan ang dating na pera sa iyo . Huwag mo sanang waldasin dahil baka maging mahigpit sa mga susunod na buwan . OK ang ika-3 , 4 , 12 at 13 . Ingat sa ika-1 , 7 , 8 , 14 at 15 .
Scorpio ( Oct . 23 – Nov . 21 )
Maghanap ka ng mga paraan upang mapalakas ang iyong kita o gumawa ng ekstrang pera sa labas ng regular na hanapbuhay . Parang malalim na balon ang pinagkukuhanan mo kung gumastos ka ng pera , madalas na gumagastos ka ng malaki . Hindi tama iyon . OK ang ika-5 , 6 , 14 at 15 . Bantay sa ika-3 , 4 at 10 .
Sagittarius ( Nov . 22 – Dec . 21 )
atalino ka , alam mo iyon . Kailangan mo lang ng isang magandang pagkakataon at ang mundo ay magiging iyo . Huwag kang mainip , malapit mo nang matupad ang mga pangarap mo . Puno ka ng magagandang ideya . Malapit na ang araw mo . Masaya ang ika-7 at 8 . Kuwidaw ka sa ika-5 , 6 , 12 at 13 .
Capricorn ( Dec . 22 – Jan . 19 )
Kahit na gusto mong panatilihin ang isang mababang profile at mamalagi lamang sa likod ng mga eksena , lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan na ikaw ay mahalaga sa trabaho o sa negosyo ninyo . Dahil dito , umaasa sila sa ito . Pakinabangan mo . Nararapat sa iyo iyan . OK ang ika-1 at 10 . Ingat sa ika-7 , 8 , 14 at 15 .
Aquarius ( Jan . 20 – Feb . 18 )
3 . Los Angeles 4 . Ingay ng daga 5 . Sira 6 . Lagayan ng presyo
Ang pakikipag-usap sa mga kakilala ay maaaring maging mahalaga . May mga plano ka at ang kanilang mga ideya o opinyon ay maaaring makatulong sa iyo . Huwag mong isara ang isipan lalo na kung parang imposible . Walang imposible sa masipag at matiyaga . Lucky ka sa ika-3 , 4 , 12 at 13 . Ingat ka sa ika-10 .

H O R O S C O P E

Pisces ( Feb . 19 – March 20 )
Nagtatrabaho ka nang husto ngayon , kasama nito ang pagtutuon mo ng pansin sa mga kasosyo at malalapit na mga kaibigan . Handa kang tumulong kung may mangangailangan sa kanila . Tama iyon . Walang suwerte sa buhay ang isang sakim . Mas tatanggap ka ng biyaya . OK ang ika-5 , 6 , 14 at 15 . Ingat ka sa ika-12 at 13 .
Aries ( March 21 – April 19 )
Ito ay isang kasiya-siyang buwan . Ituloy mo ang paglalakbay sa ibang lugar o pag-iiba ng landas dahil ikaw ay handa na sa pakikipagsapalaran upang makaranas ng bago at kakaibang buhay . Nababagot ka na sa normal . Huwag mag-alala , handa ka na . Best days mo ang ika-7 at 8 . Alalay ka sa ika-1 , 14 at 15 .
Taurus ( April 20 – May 20 )
Tama na ang panahon upang pag-usapan ang mga ari-arian , buwis , utang , mga pamana at kung paano hahatiin ang mga ito sa mga kamaganak . Ang mga kasangkot na tao ay maayos at mapagbigay . Nagkakasundo kayo kaya ngayon na ang oras ng paguusap . Lucky ang ika-1 at 10 . Ingat ka sa ika-3 at 4 .
Gemini ( May 21 – June 20 )
Ang buhay mo ay gagaan at magiging buwenas kung sisikapin mong maging maayos ang pakikipagtungo sa iba . Kailangang partehan mo ng kahit kaunting bahagi ang iba ng suwerteng dumating sa iyo o iyong kapamilya . Isipin mo ang kapakanan ng ibang tao OK ang ika-3 , 4 , 12 at 13 . Kuwidaw ka sa ika-5 at 6 .
Cancer ( June 21 – July 22 )
Ang paglalakbay na may kaugnayan sa trabaho ay malamang na darating sa iyo . Masisiyahan ka sa mga bagong aktibidad na kasama ng paglalakbay . Ibukas mo ang isipan para sa mga bagong oportunidad . Palaging mag-iwan ng puwang para sa pagbabago . OK sa ika-5 , 6 , 14 at 15 . Stressful ka sa ika-1 , 7 at 8 .
Leo ( July 23 – Aug . 22 )
Nasa mood ka para magpunta sa mga party at masaya ka ngayon . Hindi mo alam kung bakit nag-iba ang pananaw mo pero dahil masaya ka naman , walang masama sa gayon . Ang mahalaga ay wala kang inaabalang ibang tao . Ito ay buwan ng pag-iibigan . Mapalad ka sa ika-7 at 8 . Bantay ka sa ika-3 , 4 at 10 . ● - G . G .