Kanto Vol 3, 2018 | Page 17

Perhaps as iconic as the monument of Rizal (well, at least in the writer’s eyes) are the men and women who have snapped memories through the changes. Visitors may come and go, and the way we do photography may keep changing, but the photographers of Luneta are here to stay. We spoke to Larry Legario (LL), Gaspar Tañada (GT) and Romeo Ibañez (RI)—veteran photographers and officials of the Samahan ng Malayang Photographers sa Luneta—about the passage of time, life at the park and having pride on one’s profession. Kailan po kayo nagsimulang kumuha ng litrato dito sa Luneta? LL: Since 1980 o 1990, mga 30 years na ako dito. ‘Di pa pinapanganak ang anak ko, nandito na ako. Dito ko na ‘rin nakita ang asawa ko. Photographer din siya. Sa kaniya ako nakakuha ng experience. GT: Mga ilang dekada na kami dito. Hindi naman nagkakalayo ang mga edad namin. RI: ‘Yang fountain na ‘yan, talahib pa dati ‘yan. Hindi pa ganyan ang itsura ng monumento ni Rizal. Maliliit pa ang tiles. Nakita na namin ang lahat ng pagbabago rito. Ito [photography] na ang naging hanapbuhay namin. Ayos naman, nakaka-survive. Parang buong buhay ninyo na ‘yung dumaan dito. GT: Dito na nagka-asawa, nagka-apo. Hanggang sa iwanan na ng asawa. Bakit nandito pa ‘rin kayo? GT: Wala naman akong ibang alam na trabaho. Maraming puwede pasukan, kaya lang kinarir ko na ang photography. Dito, nalilibang ka na, kumikita ka pa. Kung sino-sino pa ang nakikilala mo na galing sa kung saan-saang bansa. 15 05 Another day, another portrait shoot, Opposite page: Gaspar comes to the defense of his craft. “Sa photographer, walang imposible. Walang litrato na overpriced.” Previous spread: Larry Legario, Romeo Ibañez and Gaspar Tañada share decades in experience and memories made at Luneta Park.