Ang mga tinedyer na walang sapat na kaalaman sa usapang tungkol sa 'sex' ay mas may posibilidad na mabuntis. Hindi rin nila lubusang naiintindihan ang mga bayolohikal at emosyonal na aspeto na nakapaloob sa pagkakaroon ng sexual intercourses. Ikatlo, seksuwal na pang aabuso o rape. Ang mga kabataan lalo na ang mga kababaihan ay nabubuntis na sa paraang ito kung saan ito ay nangyayari dahil sila ay napipilitan, gusto man nila o hindi. At dito na papasok ang usaping pananakot kung hindi sila papayag. ANO ANG MAAARI NATING GAWIN UPANG ANG TEENAGE PREGNANCY AY MAGKAROON NG PREBENSIYON? Upang maiwasan ang ganitong sitwasyon, ang mga tinedyer ay marapat na magkaroon ng sapat na kaalaman patungkol sa sensitibong isyu na iyo. Isa sa mga dapat na magbigay kaalaman sa mga ganitong usapin ay ang mga magulang. Dahil responsibilidad parin nila ang kanilang mga anak lalo na at nag dadalaga/nagbibinata pa ang mga ito. Kung hindi man sa eskuwelahan ay maaari ring makalinang ng mga kaalaman patungkol dito.Mas mabuti ng matawag na kill joy ,manang ,konserbatibo, Maria Clara , at ibp kaysa magsisi sa huli . Isang simpleng paalala bago ka magdesisyon at gumawa ay alamin muna ang mga posibilidad na mangyari.
” Sa teenage, ang need naman diyan eh education at proper guidance of parents.” – Christopher Santos
“Having a parental guidance is very important . It is one of the responsibility of our parents. We need their guidance and enough attention. For us to be guided and lead to the right path.”
– Franscine Valentin
“Bunga ng pre-marital sex ang teenage pregnancy at hindi ako sangayon sa pre-marital sex, dahil malaki ang kaakibat na responsibilidad ng mga maagang nabuntis, maaring hindi pa handa ang isang teen ager sa pagiging ina o sa pagkakaroon ng pamilya, at may mga bagay na kailangan na masakripisyo dahil dito. Maari rin maapektuhan ang moral, pinansyal at ang tingin ng ibang tao.” – Ezekiel Manalaysay
Mga Komento