Masaya sa una pero sobrang hirap at sakit sa dulo . handa ka na ba sa isang responsiblidad na pang habang-buhay ? Ang pagiging ina sa murang edad ay lubos na nakakaaapekto sa ating bansa .Isa ito sa mga pangunahing isyu sa ating bansa pero, ano nga ba ang teenage pregnancy? Ang teenage pregnancy ay tinatawag ring 'adolescent pregnancy' na kung saan ang mga babaeng nasa edad 20 pababa ay nabubuntis. Batay sa mga statistiko, isa sa nga sampung babaeng Pilipino na edad 15-19 ay nagsisimulang magbuntis. 8% ay ang mga magulang na at 2% ang nabuntis sa una nilang anak. Batay rin sa mga resulta ng 2013 National Demographic and Health Survey at sinabi rin ng UN Populayion Fund na ang Pilipinas ay kaisa-isang rehiyon kung saan ang teenage pregnancy ay tumaas sa nakaraang dalawang dekada. Pero bakit nga ba umiiral ang teenage pregnancy? Unang una, ‘PEER PRESSURE’. Sa panahon ng pag dadalaga/pagbibinata ng isang indibidwal, nararamdaman nila ang pressure sa pamamagitan ng kanilang mga kaibigan o para rin na makasunod sila sa uso. Maraming beses na ang mga ibang kabataan ay hinahayaan nilang sila ay mahimok ng kaniyang mga kaibigan kahit na hindi pa alam ang mga posibleng mga mangyayari o resulta. Pangalawa, KAKULANGAN SA KAALAMAN.
Mulat na Musmos
Social Issues