FAP Tagalog Billing and Collections Policy | Page 2

Patakaran ng Renown v2021 Pahina 2 sa 5
halimbawa ng mga ECA ay kinabibilangan ng: paglalagay ng prenda sa ari-arian ng isang indibidwal, pagsisimula ng sibil na aksyon laban sa isang indibidwal o pagkolekta ng mga sahod ng isang indibidwal. Ang mga ECA ay hindi kinabibilangan ng isang aksyon upang maisakatuparan ang statutory lien sa mga paghahabol sa pananagutan o paglilipat ng isang Self- Pay Account sa iba pang partido para sa mga layuning pagkolekta nang hindi ginagamit ang mga ECA, o ang paghahain ng paghahabol sa anumang paglilitis sa pagka-bangkarote. Ang karagdagang impormasyon tungkol sa kahulugan na ito ay makikita sa mga alituntunin ng IRS 1.501( r)- 6 Pagsingil at pagkolekta.
Ang mga pagbubukod ay napapailalim sa pag-apruba ng pamunuan.
5. Ang Mga Makatwirang Pagsisikap( Reasonable Efforts) ay nangangahulugan na aabisuhan ng Renown ang indibidwal tungkol sa FAP bago simulan ang mga ECA at hindi muna sisimulan ang mga ECA nang hindi bababa sa 120 araw mula sa petsa ng unang pahayag ng pagsingil pagkatapos ng pagpapalabas sa ospital. Ang karagdagang impormasyon tungkol ng kahulugan na ito ay makikita sa mga alituntunin ng IRS 1.501( r)- 6 Pagsingil at pagkolekta.
6. Ang FAP-Eligible na Indibidwal ay nangangahulugan ng Taga-garantiya na karapat-dapat para sa pinansiyal na tulong sa ilalim ng Financial Assistance Program nang hindi isinasaalang-alang kung ang indibidwal ay nag-apply para sa tulong.
7. Ang Programang Tulong Pinansyal( Financial Assistance Program, FAP) ay ang Programang Tulong Pinansyal ng Renown para sa mga pasyenteng walang insurance at mga pasyenteng kulang ang insurance, na kinabibilangan ng kriterya sa pagkamarapat, ang batayan sa pagkalkula ng Tulong Pinansyal, ang paraan ng pag-aplay, at pag-apruba.
8. Ang( Mga) Taga-garantiya( Guarantors) ay ang pasyente at sinumang iba pang( mga) indibidwal na may responsibilidad para sa account. Maaaring may higit sa isang( mga) Taga-garantiya at maaaring may higit sa isang hospital billing / professional billing account sa loob ng( mga) Tagagarantiya.
9. Ang Self-Pay Account o Pansariling-Pagbabayad na Account ay ang bahagi ng account ng pasyente na responsibilidad ng( mga) indibidwal ng pasyente o iba pang( mga) Taga-garantiya. Ang halagang ito ay neto ng mga bayarin na binayaran ng anumang magagamit na insuranceo sa pangangalagang pangkalusugan o iba pang ikatlong partido na tagapagbayad( kabilang ang mga co-payment, co-insurance at mga ibabawas), at neto ng anumang diskwento.
10. Ang Fair Debt Collection Practices Act( FDCPA) ay mga regulasyon ng pederal na ginagamit na gabay sa aktibidad na pagkolekta http:// www. ftc. gov / os / statutes / fdcpa / fdcpact. htm.
11. Ang mga Diskwento sa Pansariling-Pagbabayad( Self-Pay Discount) ay mga diskwentong ginagamit para sa mga pasyenteng walang insurance o kulang ang insurance hindi kabilang ang mga package o mga diskwento sa pansariling-pagbabayad sa iisang araw.
12. Ang Mga Kasunduan sa Pagbabayad( Payment Arrangements) ay ang pagpipilian sa pagbayad para sa isang natitirang balanse sa paglipas ng panahon. Ginagamit ito sa mga balanse ng pansariling-pagbabayad na pasyente na walang insurance at may insurance.
Ang mga Patakaran at Pamamaraan na ito ay patnubay para sa Organisasyon. Kinikilala ng Organisasyon na maaaring may mga partikular na katotohanan at / o mga sitwasyon na nangangailangan ng paglihis mula sa isang partikular na takda ng patakaran. Walang anuman dito ang nilalayong mangibabaw sa kakayahan ng isang empleyado na gamitin ang mabuting paghuhukom sa naturang mga sitwasyon.