should have a smooth and eventful flight. So just sit back and relax.”
Oktubre 20, 2008 1:43p.m.
“Dorothy! Anong oras nga ba natin susunduin si Jasmine?” “Mamaya pa ho, mga alas kuwatro.” Binuksan ni Dorothy ang telebisyon at napanood ang news. “mahigit limampu ang patay dahil sa naganap na plane crash galing Singapore patungong Maynila..” “Jusko po! Ma! Panoorin niyo ang news!” ang sigaw ni Dorothy. Alalang-alala ang pamilya ni Jasmine sa aksidenteng nangyari. Agad-agad nilang tinawagan si Jasmine upang mabatid ang kondisyon ni Jasmine. “Kring. Kring.” Nakailang tawag ang pamilya. “Hello?” at laking tuwa nila ng marinig ang boses ni Jasmine. Hindi pala siya nakasakay ng eroplano sapagkat naiwan niya ang kanyang wallet sa banyo at lumabas siya ng eroplano para kunin ito ngunit hindi na siya nakasakay pang muli.
Asan kaya?
Chrisidore Q. Estepa
Maraming naninirahan sa Singapore at maraming trabaho na mabibigay dito. Isa sa mga taong nagkaroon ng trabaho dito ay si Mang Jose. Dinala si Jose dito ng kanyang pinsan na si Juan dahil naghahanap siya ng maganda at malaki ang binibigay na sahod. Noong dinala na si Mang Jose sa Singapore, madami siyang pinagpilian na mga trabahong magaganda. Mayroon doong isang lugar na na gustohan ni Jose.
Noong ika-15 ng Mayo sila dumating sa Singapore dahil gusto ni Juan na ibigay ito sa kanya na regalo sa kanyang kaarawan. Nakalapag na sila at kinuha na ang kanilang bagahe. Bigla silang hinarangan ng mga bantay sa paliparan dahil nalaman ng mga pulis na wala silang dala na mga pasaporte.
Sinabihan sila ng pulis na ilabas ang lahat ng gamit nila at hanapin ang mga pasaporte nila pero wala silang nakita. Pinabalik sina Jose at Juan sa Pilipinas at ipinakulong. Simula noong ika-24 ng Nobyembre ay nagbago ang ihip ng hangin.
Limang taon na ang nakalipas at ipinalabas na sila. Sa wakas at makakalabas na silang dalawa. Si Juan bumalik sa pinang galingan niyang bansa, sa Singapore, at si Jose ay sa Davao. Kumuha sila ng mga bagong pasaporte. Natatakot si Jose na bumalik sa Davao kaya ito ay sumama sa kay Juan. Nanirahan sina Juan at Jose sa Singapore ng tatlong taon.
Pagkalipas ng ilang panahon ng pagtatago. Umuwi si Jose sa Davao. Sinalubong si Jose ng mapagmahal at mapagaruga niyang pamilya. Tinanong siya ng kanyang kapatid na “Paano ka nakapasok sa Singapore?!?!” at sabi ko na “eh di, Pumasok ako!!” at sabi ng kanyang ina ay “pero nandito ang pasaporte at ang gamit mo sa iyong kama.” Biglang nanahimik ang paligid at umakyat si Jose sa kanyang kwarto at nagwala!