Wallet
Jowenz Tereeze B. Canda
New Message to Dorothy: Oktubre 18, 2008 8:48a.m.
Ate Dee! I miss you! Tatlong araw na lamang at magkakasama na rin tayo. Kumusta na kayo nila mama? Sabik na sabik na akong makita kayo. Marami akong mga naging karanasan rito sa Singapore na gusto kong ibahagi sa inyo! Natatanggap niyo ba ang mga padala ko? Ano na ba ang mga nagbago riyan sa Pinas? Si tatay kumusta na? umiinom ba siya ng mga gamot niya? Pasensiya na kayo at ngayon lang ako nakasagot sa mga mensahe niyo. Busy kasi rito sa ospital. Sige, out na ‘ko. May ooperahan pa kaming pasyente. Usap na lang tayo mamaya! Paalam!
Reply to Jasmine: Oktubre 18, 2008 11:11a.m.
Hi Jas! Akala naman namin kung ano na nangyari sa’yo diyan, ilang buwan ka rin kasing hindi nagparamdam. Okay naman kami rito. Nakakaraos naman. Si tatay, sinugod sa ospital noong nakaraang linggo. High blood na naman. Dumami nga ang gamot niya e, mabuti at nagpapadala ka, nababawasan ang mga bayarin namin. Mag-iingat ka riyan ha. Aasahan naming ang pagdating mo.
Reply to Dorothy: Oktubre 18, 2008 9:17p.m.
Ano namang nangyari kay tatay? Huwag kasi kayong masyadong magkakain ng baboy. Kumain kayo ng gulay! At huwag niyo siyang pagurin. Sabihin niyo sa kanya huwag na niyang ituloy ang pagmemekaniko niya. Kaya nga ako nagtatrabaho rito e para hindi na sila magtrabaho pa.
Reply to Jasmine: Oktubre 18, 2008 9:24p.m.
Sinabi na namin sa kanya ‘yon. Makulit eh. Alam mo naman ang mga matatanda. Kung kalian tumatanda saka nagiging isip-bata. Kailangan pang pagsabihan.
Reply to Dorothy: Oktubre 18, 2008 9:26p.m.
O sige, basta mag-iingat kayo diyan. Matulog na kayo..
Reply to Jasmine: Oktubre 19, 2008 1:39p.m.
Jasmine, okay ka lang ba riyan? Huwag ka na lang kayang tumuloy bukas.. nanaginip kasi ako kagabi, na natanggal ang ngipin ko. E diba sabi ng mga matatanda masamang pamahiin ‘yon? Mag-iingat ka sa mga gagawin mo riyan. Nagsisimba ka pa ba? Mayroon bang mga simbahan riyan?
Reply to Dorothy: Oktubre 19, 2008 11:47p.m.
Matagal akong pinauwi ngayon galing trabaho last day ko na kasi. Sus, pamahiin lang ‘yan. At saka nakabook na rin ang flight ko. Saying rin ‘yon. 12:00p.m. ang flight ko bukas ha. Baka mga 4:00p.m nariyan na ako. Susunduin niyo pa ba ako?
Reply to Jasmine: Oktubre 20, 2008 8:27a.m.
Aba kahit na! hindi dapat binabalewala ang mga ganitong pamahiin. Pasensiya na at ngayon lang ako nakareply. Susunduin ka na lang namin sa airport. Gusto ka na raw kasi nila makita. Ingat ka.
Reply to Dorothy: Oktubre 20, 2008 11:49a.m.
Boarding na ako ate. Medyo umaambon lang ng konti rito. Pero okay naman. Sabik na sabik na talaga akong makita kayo! Andami kong pasalubong sainyo. Sige, kitakits. Tsup!
“Ladies and Gentlemen this is your Captain speaking. Welcome to Flight Number 926 nonstop from Singapore To Philippines. The weather ahead is good and, therefore, we