Ang Caviteno Newsweekly October 22-28, 2018 Issue | Page 4
OPINYON
4
Oktubre 22-28, 2018
Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Cavite na
inilalathala tuwing Lunes / PRINTING PLANT: Sinag
Publishing & Printing Services, National Highway,
Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos. (049)
834-6261 & (049) 5763112 / OFFICE ADDRESS: Blk. 25,
Lot 4 Ph-1 Greensborough Subd., Sabang, Dasmariñas,
Cavite/ Subscription fee: One year P360.00 Six Months:
P180.00 / Commercial Advertising rate: P200 per column
cm and legal notices P160 per column cm / MEMBER:
Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI) /
Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L. Villa,
RC Asa Contributing Editors / Kathryn arlan, Jacquilou
Lirio, Maria Carlyn Ureta, staff writers / Alvin Vitan
Lay-out Artist/. email add: [email protected]
& [email protected]
Ni Teo S. Marasigan
Pathetic antics
THE camp of putschist-turned lawmaker Sen. Antonio Trillanes IV is back
in its old dissembling ways, in a vain attempt to portray itself as persecuted
martyr for democracy when in truth it is just plain opportunist.
This time, it was through pathetic antics obviously meant to
influence the decision of the Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 148
handling the motion of the Department of Justice (DoJ) to reopen coup d’ etat
charges against the senator and order his arrest.
On Monday, Trillanes’ supporters sent bouquets of flowers and
letters, left in the hallways on the 14th floor of the Makati City Hall of Justice
in front of the office of RTC Branch 148 Judge Andres Soriano. The flowers
came with tags bearing the words “rule of law,” “truth,” “fairness,” “hope”
and “legacy.”
For the flower stunt, Trillanes’ supporters could be cited for
contempt by the court, according to Justice Secretary Menardo Guevarra.
“That’s exactly the kind of pressure that has been exerted upon
Judge Soriano. Some people have made it appear that any ruling against
Senator Trillanes will be a deathblow to democracy and the rule of law,”
Guevarra said.
He noted that even a first-year law student knows that such acts
tending to influence the decision of the judge are a clear and punishable case
of contempt of court.
What made it crystal clear to be a deliberate ploy to sway the court’s
decision was the statement Magdalo partylist Rep. Gary Alejano issued just a
day before.
“We have information that the pressure on him is really intense,”
Alejano said at a news forum at the University of the Philippines Hotel in
Quezon City.
But Alejano cannot support with specific details his outrageous and
patently malicious accusation.
“We know that the current atmosphere is instilling fear among the
people so that is where they are coming from — do not oppose us, do not step
on us because we can always get back at you,” was all Alejano could say.
Guevarra said Alejano’s unfounded remarks proved the camp of
Trillanes “is the one clearly trying to influence the decision-making of the
judge.” In contrast, he noted that the DoJ has not engaged it in sub judice
argumentation in the media.
He maintained the DoJ does not interact with the judge, except
through pleadings filed and arguments raised in open court.
To digress, Alejano — like Trillanes, obviously feels no
compunction over the failed military adventurism of the Magdalo putschist
group.
“No regrets, it was worth it, because before we decided to do it,
we exactly knew the consequences of our actions,” Alejano said in a TV
interview last July.
That is precisely one of the reasons President Duterte issued
Proclamation 572 on 31 August this year, revoking the grant of amnesty
to Trillanes. The proclamation noted that Trillanes did not actually file the
required application for the grant of amnesty and did not admit guilt in his
role on the 2003 Oakwood mutiny and the 2007 Manila Peninsula siege.
Alejano, who is running for senator in the 2019 elections, exhibits
the same tendency of Trillanes to hurl baseless accusations at the Duterte
administration to get media attention in the hope of boosting their political
ambitions regardless of the negative consequences to the country’s national
interest.
For instance, last June Alejano alleged that President Duterte
ordered a stop to patrols in the West Philippine Sea and that China has taken
control of the disputed Sandy Cay, prompting Foreign Affairs Secretary Alan
Peter Cayetano to call him a “liar.”
Cayetano slammed Alejano for using the country’s territorial row
with China to undermine the Duterte administration.
Going back to the latest caper of Trillanes’ camp, it only betrays
its panic over an impending verdict in favor of the government as it failed
to provide any definitive evidence to prove the senator indeed filed an
application for amnesty.
Its stunts evoke memories of the story about the advice law
professors supposedly offer to new lawyers on their first case trial: “If you’re
strong on the facts, pound on the facts. If you’re strong on the law, pound on
the law. If you’re not strong on the facts or the law, just pound on the table.”
And that’s what Trillanes’ camp is doing — just making desperate
noises.
By all indications, Trillanes is headed for jail. Alejano, who ranked
31-35 in the recent Social Weather Stations senatorial survey, is likely to end
up in the dustbin of our political history.
A lot of Filipinos would surely welcome such development and
say: Good riddance!
Para kay Senador Antonio Trillanes IV
KUMUSTA? Sana, nasa mabuting lagay
ka na ngayon. Noong Nobyembre 29, isa
ako sa maraming parang dinaluyan ng
kuryente nang mabasa ang text messagena
nagsabing nag-walkout ka sa pagdinig
ng kaso mo sa Makati at nanawagang
“Ito na ang panahon.” Isa rin ako sa mga
sumubaybay sa telebisyon sa pagmartsa
ninyo – nina dating Brigadier General
Danilo Lim, dating Bise-Presidente
Teofisto Guingona, Jr. at dating Presidente
Francisco Nemenzo, Jr. ng Unibersidad ng
Pilipinas – papuntang Manila Peninsula
Hotel. Tinutukan ko ang mga nangyari,
hanggang sumuko kayo noong gabi.
Noong unang nag-alsa ang grupo mong
Magdalo, Hulyo 2003, nagkaroon ako
agad ng simpatya sa inyo. Bagamat may
duda ako kung saan galing ang bugso ng
galit at giting ninyo, at hindi ko gaanong
unawa ang porma ng protesta ninyo,
alam at sinasang-ayunan ko ang mga
ipinaglalaban ninyo. Nitong halalang
2007, alam kong tumakbo ka. Pero noong
malapit na lang ang araw ng pagboto ko
pinag-isipan kung iboboto kita. At ang
sagot ko: “Oo, iboboto ko si Trillanes.
Oo, iboboto ko si Trillanes! Oo!” Noon
ko nahulaang mananalo ka: Kahit akong
aktibista, nakaramdam na “astig” ang
iboto ka.
Bakit? Dahil kahit ikinulong ka na’t lahat,
matatag kang kontra-kahirapan, kontra-
korupsiyon at kontra sa abusong paggamit
sa militar – kontra-Arroyo samakatuwid.
At hindi ka lang karaniwang kontra-
Arroyo. Makabuluhan sigurong ihambing
ka sa puntong ito sa isa ring kritiko ng
pangulo, si Sen. Francis “Chiz” Escudero.
Maligoy siyang magsalita; direkta ka
sa punto. Malambot at mahinahon ang
imahen niya; palaban at nag-aapura ang
dating mo. Kumbaga, cool siya; hotka.
Kung may hindi magandang alingasngas
na bata siya ni Danding Cojuangco, tiyak
ang maraming hindi ka trapo.
Nariyan, sa tingin ko, ang mga dahilan
kung bakit ka nanalo kahit wala kang
malaking pondo, at sinisiraan pa. Ngayong
senador ka na, sinusulit mo ang tiwala
sa iyo ng mga tao. Hindi ka lumamya o
tumigil. Nagtuluy-tuloy ang matitinding
banat mo sa rehimen. Kung tama ang alala
ko, tumindig ka kontra sa Malakanyang
simula sa pagpili ng presidente ng Senado,
na isyung humati sa Oposisyon, hanggang
sa pag-akusa sa rehimen na utak ng
pagbomba sa Glorietta. Nakakulong ka
na’t posibleng bulukin sa kulungan, ano
pa nga ba ang ikakatakot mo? Sa isang
banda, walang mawawala sa iyo.
At ngayon, ito. Muli, gaya ng sinabi
mo, ipinakita ng rehimeng Arroyo kung
gaano ito ka-brutal. Sa dami ng ipinakat
na mga puwersang militar sa Manila
Peninsula, at sa eksaheradong mga
taktika ng mga ito laban sa kakaunting
armadong puwersa ninyo – nagsalaksak
pa ng tangke sa entrada! – masasabing
may isang mensaheng gustong ihatid
ang rehimen sa mga gustong lumaban
dito: “Dudurugin namin kayo!” Iyon ang
minimum na layunin. Sa maksimum,
hindi malayong ang tinanaw o tinarget
ay patayin at patahimikin na, sa wakas,
kayong matagal nang mga sanhi ng sakit
ng ulo ng rehimen.
Pero matagal na nating alam na
malupit ang rehimeng ito. Hindi iyon
ang pangunahing dahilan kung bakit
nadurog ang inyong pag-aalsa at hindi
napatalsik si Arroyo alinsunod sa plano.
Ang kawalan ng pagkilos ng masa,
siyempre pa, ang pangunahing sanhi.
Para sa mga mamamayang walang
organisasyong kontra-Arroyo – na dapat
ay hahatakin at papatapangin ng gayong
mga organisasyong inasahan ninyong
darating – nakakatakot ang ginawa ninyo.
Sa hindi pagbuhos ng masa sa inyong
ginawa, lumutang ito bilang isang putsch,
at hindi ang pag-aalsang “people power”
na pinapangarap nating lahat.
Maisasagot mo, gayunman, na hindi
natakot ang mga tao noong Edsa 1 na
rumesponde sa panawagang depensahan
sina dating Sek. Juan Ponce Enrile ng
Tanggulan at Hen. Fidel Ramos. Tama ka.
At wastong humalaw ng aral sa karanasan.
Kailangan nating malaman kung paano
nagbabago ang kasaysayan para malaman
natin kung paano mulat na babaguhin ito.
Pinanday ang ganoong kahandaan ng mga
mamamayan na lumaban at magtaya ng
buhay ng papalawak na mga kilos-protesta
mula pa noong 1983 – na, sa iba’t ibang
dahilan, ay wala pa ngayon. Bumubuwelo
pa marahil para sa unos.
Sa ganitong punto kailangang iwasto ang
dalawang tampok na maling paniniwala
hinggil sa Edsa 1 at Edsa 2. Ang isa,
nagpapatampok sa papel ng militar; ang
isa, sa papel ng tinatawag na “panggitnang
uri”. Parehong minamaliit ng ganitong
pagtingin ang papel ng masang anakpawis
sa dalawang pag-aalsa. Materyal na
batayan ng una ang mga taong militar,
lalo na iyung sangkot sa dalawang people
power. Materyal na batayan naman
ng ikalawa ang ilang akademiko at
intelektuwal na nagdidiin sa paglawak ng
panggitnang uri sa Pilipinas para ibangga
sa pagsusuring agrikultural pa rin sa
kalakhan ang bansa.
Masasabing nagsanib ang ilang tampok
na taguyod ng dalawang paniniwalang
ito sa ginawa ninyo sa Manila Peninsula.
Partikular akong naadwa sa mga
sibilyang kasama ninyo: Nangako ba
silang magpapakilos ng libu-libo?
Bagamat kontra-Arroyo, petiburgis sila.
Nasaan ang mga Crispin Beltran ng mga
manggagawa? Mga Paeng Mariano at
Daning Ramos ng mga magsasaka? Mga
Mameng Deunida ng mga maralita?
Hindi rin sila kilalang namumuno sa
malalaki at matatatag na pagkilos ng mga
mamamayan sa lansangan, tulad nina
Carol Araullo, Satur Ocampo, Liza Maza
at Mong Palatino.
Lumilitaw na hindi sila nakasama sa
pagpaplano ng nangyari. Sila pa man
din ang pinakamadiin sa pagsasabing
kilusan ng libu-libong masa ang susi
para patalsikin ang rehimeng Arroyo.
May pulso sila sa lakas at kakayahan
– gayundin sa kahinaan at limitasyon
pa – ngayon ng kilusang masa. Marahil,
hihikayatin ka nilang ibinbin muna ang
gayong aksiyon, magpokus sa paglalantad
pang lalo sa rehimeng Arroyo, at ibayong
mag-ambag sa pagpapalawak sa hanay
ng mga mamamayang kumikilos sa
lansangan – siguro hanggang sa panahong
kagyat na hudyat na lamang ang kulang.
Marami pang aspekto ng ginawa ninyo ang
kapuna-puna: ang kakaunting sibilyang
sumama paglabas ninyo ng korte, ang
magulo at kulang-sa-militansiyang martsa
ninyo patungong Manila Peninsula,
ang akademikong Ingles na ginamit sa
pahayag ni Hen. Lim, ang miyembro ng
Magdalo na naka-peluka – parang awa
mo na, paki-paliwanag lang sa akin kung
bakit siya nakasuot ng ganoon – at ang
kakapusan ninyo ng mga pahayag. Pero
sekundaryo ang lahat ng ito. Lilikhain ng
malakas na kilusang masa ang mga porma
ng rurok na pag-aalsa, at nililikha pa
lamang natin ang mga ito ngayon.
Bigo ang pag-aalsa ninyo sa layuning
patalsikin ang papet, pasista at pahirap
na pekeng pangulo. Pero hindi ito
sayang. Hindi man ito ang rurok na pag-
aalsa, bahagi ito ng buong proseso ng
paglalantad at papatinding paglaban sa
rehimeng Arroyo. Hindi pa man ito 1986,
maaaring panibagong 1983 ito – hudyat
ng simula ng mas malakas na bugso ng
mga pagkilos na magtatagumpay sa dulo.
Binubuhay nito ang diwang palaban ng
mga tao para lumahok at sumuporta sa
mga kilos-protesta. Malawak at matapang
ang hanay ng mga nagprotesta nitong
Nobyembre 30 na tumulak patungong
Mendiola.
Ngayon, siyempre, sinasamantala ng
rehimen ang pagkadurog ng pag-aalsa
ninyo para siraan ka: Duwag ka raw. Pero
alam ng maraming hindi halang ang bituka
mo para isuong ang mga kasamahan mo
o mga sibilyan sa kamatayan. Lahat ng
kinalabasan ng aksiyon mo, hinaharap
mo – hindi binabaluktot o pinagtatakpan.
Dahil ikaw ang pinaka-pangahas sa
kilusang kontra-Arroyo, walang iba
kundi pagmaliit sa kakayahan nito ang
pagsasabing duwag ka. Noong sinabi
mong ikaw ang papalit kay Gloria, alam
ng maraming hindi iyon kayabangan,
kundi desperasyon – napasubo – sa
kalagayan.
Isa sa huling mga eksena sa telebisyon
noong Nobyembre 29 ang panayam sa
iyo noong naihatid na kayo sa Kampo
Bagong Diwa. Ayaw mong sumagot sa
mga tanong. Parang malungkot ka. O
baka hindi mo pa napag-isipan ang mga
sagot. Hindi maiaalis sa iyong malungkot.
Pero sa dulo, tama lang na hindi ka
napatay, nagpakamatay o nagsubo ng iba
sa kamatayan. Hindi natin kailangang
magbuwis ng buhay para patalsikin ang
rehimeng ito. Para sa mga progresibo,
nakalaan ang buhay sa pagkilos para
baguhin ang sistema ng lipunan natin.
Sana, makasama ka sa pagkilos na ito.
Sana, mapanatag ka. Malamang, hindi
masarap ang tulog nina Gng. Arroyo at
ng mga kalaban nating kinamumuhian
ng sambayanan. Ngayong gabi, at sa
susunod pang mga gabi, matulog ka nang
mahimbing. Magpakatatag ka. Marami pa
tayong labang haharapin. Ano man ang
sabihin nila, ano pa man ang ikaso nila
sa iyo, mapanatag ka sa pag-iisip na dahil
sa ginawa mo, lalo kang minamahal ng
sambayanang Pilipino.
02 Disyembre 2007