Ang Caviteno Newsweekly January 15-21, 2018 Issue | Page 5

Enero 15-21 , 2018

OPINYON

6 Signs You Welcomed New Year 2018 the Filipino Way

By Princellaine Alibangbang
FILIPINOS simply love celebrations and one of our most celebrated holidays is the New Year . Whilst the whole world is rejoicing over the change of the year , there are just unique ways on how Filipinos meaningfully welcome a New Year .
This 2018 , though there are seemingly undying traditions established in Filipino culture , there are also new practices observed .
Below are the ways on

ANG MAIKLI ’ T MABUTING HALIMBAWA NI JO LAPIRA

by Kenneth Roland A . Guda how Filipinos celebrated their New Year ’ s Eve for 2018 : Polka dots gaming
One distinctive way to describe Filipinos ’ New Year ’ s Eve is having circles all around . As per the belief , round figures symbolize prosperity . Having said that , it ’ s not enough for some Filipinos to have the 12 round fruits on media noche table ; they see to it that their outfits include the lucky figure , too . And so , Filipinos consider wearing polka – dotted apparels making the holiday extra special ! High jump at 12 midnight They say it ’ s only for kids but regardless your not so young age , you jumped as high as you can
MALIIT lang si Jo . Maikli lang ang naging buhay niya . Pero malaki at mahaba ang pagdakila sa kanya ng lahat ng nakahalubilo niya . Ikalawa sa serye .
Wala pang isang buwan pero nahulog agad ang loob ni Ela . Sa mga kasama . Sa lugar . Sa mga bata . Sa mga gawain . Andami niyang kuwento . Gusto niyang ikuwento sa mga kaibigang naiwan sa Maynila . Gustong ikuwento ni Ela kay Emil . Araw-araw sinulatan ni Ela si Emil . “ Ang hirap makahanap ng panahon para sulatan ka ,” ani Ela , noong Agosto 8 , unang linggo niya doon . Pero gusto , kaya nagagawan ng paraan . Nakapagsulat siya noong Agosto 10 habang nakatayo at nagtuturo sa mga bata . Nakapagsulat siya noong Agosto 13 , kahit bawal ang malakas na ilaw sa kampo , at kinailangan niyang ibalot ng malong ang flashlight na kagatkagat niya para makita ang sinusulat . Nakapagsulat siya noong Agosto 14 habang nakaposte . At noong Agosto 16 , habang nasa gubat para makaiwas sa “ kaaway ” ( militar ), nakapagsulat din siya .
“ Kagabi ay literal nang muntik akong mamatay kung hindi pa ako sinagip ng kalikasan at ng mga kasama . Naka-mobile kami , at may bababaan sa gubat ,” sulat niya kay Emil noong Agosto 17 . “ Malambot ’ yung lupa at gumuguho habang inaapakan . Matarik din at malalim . Nung pababa na ako , nadulas at naslide pababa . Huhu .”
Noong Agosto 20 , tinuruan siya ng arnis . Tinuruan siyang umagaw ng baril at iba pang pagdepensa sa sarili . “ Lagi nilang sinasabi na mataray ako . Haha . Dahil nagpupuna ako palagi sa macho nilang joke o pahayag . May isang kasama pa dito na nagdrowing ng malaswang picture ng babae ! Nasungitan ko talaga sila lalo ’ t walang umamin tas nakangisi pa . Pero nagpuna rin naman ( sa sarili ) yung gumawa kaya okay na .”
Bawat sulat , nagwakas sa “ Mahal kita !”
Pero hindi napadala kay Emil ang mga sulat . Nasa pagiingat ito ni Ela noong nasawi siya kasama ang 15 iba pa sa sinasabing engkuwentro raw ng mga gerilyang New People ’ s Army ( NPA ) at mga sundalo ng Philippine Air Force noong Nobyembre 28 . Ayon sa militar , si Ela raw ay si Josephine Anne “ Jo ” Lapira , 22 , estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas sa Maynila . Inilabas ng militar sa publiko ang mga liham . Ang gusto nitong mensahe : Huwag tularan ang batang sinayang ang buhay . Sa isang Facebook Page ng militar , pinaskil ang mga sulat . Panakot ba .
Pero lalong nagkaroon ng buhay sa sinumang magbabasa nito si Ela — o Jo , kung totoo man ang sinasabi ng militar . Nagkaroon ng dahilan ang desisyon ng 22-anyos na estudyante na mamundok at magrebelde . Hindi inaasahan ng militar , pero pinatunayan ng mga liham na hindi “ brainwashed ” si Jo , kundi kusang nagdesisyon , kusang nakita ang katuturan ng pagrerebolusyon . Kusang nakita ang kalagayan ng mga magsasaka , ang pagpapabaya ng Estado sa kanila , ang epekto ng karalitaan sa mga bata .
Sa mga sulat , “ nagtitimbang ” si Ela / Jo kung magtutuluy-tuloy na siya o babalik pa ng Maynila . Pero kuwento ng mga kaibigan niya , di nagtagal matapos maisulat ang mga liham na ito , nagdesisyon na si Ela / Jo . Pagtuntong ng Setyembre , doon na siya sa kanayunan mamumuhay , maninirahan at kikilos .
“ Mabilis siyang matuto ,” kuwento ni Annie ( di-tunay na ngalan ), kaibigan , kasamahan sa Gabriela-Youth sa UP Manila . Siya rin ang nagrekrut kay Jo sa nasabing organisasyon ng kababaihang kabataan . “ Noong gusto niyang matuto ng ukelele , inaral niya . Studious si Ela .” Magaling din siya sa Math .
Taong 2012 pa raw narekrut sa Gabriela-Youth si Jo . Nagkaroon ng diskusyon hinggil sa karahasan laban sa kababaihan sa kanilang organisasyon sa UP Development Society . “ Mahilig siya sa purple ,” kuwento pa ni Annie . “ Bukod sa may pagka-feminist talaga .” Marahil , may when the clock stroked midnight hoping you ’ ll still get taller ! And when some folks told you matanda ka na , you asked them , “ Masama bang umasa ?” Photos before everything else
A few could argue that this one isn ’ t practiced by Filipinos only , especially now that people from around the world become fond of photography more than ever ! However , this can ’ t miss the list since no one can simply deny Filipino ’ s growing love for photography . And so , here ’ s how Filipinos hold into that photos before everything else : # yearendselfie Taking a visit on social media the
kinalaman din dito ang pagtatapos niya ng hayskul sa St . Scholastica ’ s Academy sa Marikina . Doon pa lang , nakita na niya ang halaga ng paglaban para sa karapatan ng kababaihan .
Pero tiyak na hindi naging madali para sa tulad ni Jo ang maging aktibista . Diumano ’ y anak siya ng isang accountant sa isang multinational corporation . “ Naghaharing uri . Malaking burgesya-kumprador ,” ani Annie . “ Mataas ang burgis na pamumuhay . Weekly , nagkakape nang sosyal , ( umiinom ng ) milk tea , ( kumakain ng ) cheesecake . Pangarap nilang magkakaibigan noon na kainan ang lahat ng restaurants sa Robinson ’ s Manila bago sila gumradweyt .”
Malumanay magsalita si Jo . “ Yung tumatabingi talaga yung ( dila ). Tapos Inglesera siya . Bulul siya sa ( pagbigkas ng ) Gabriela- Youth . Hindi niya mabigkas ang ‘ r ’ sa Gabriela . Puro ‘ l ’,” natatawang naalala ni Annie . Kaya nang masabak si Jo sa room-to-room na pagpapaliwanag hinggil sa iba ’ t ibang isyung panlipunan , sa bandang dulo inilagay ang tungkulin ni Jo . “ Para humingi ng donations at magrekrut ,” ani Annie .
Epektibo siya . Dumami ang rekrut sa Gabriela-Youth . “ Mga kikay sila , maliliit , cute ,” kuwento pa ni Annie hinggil kay Jo at mga kabatch niya noon . Hulyo 2013 , unang beses nakalabas si Jo sa UP Manila — para sa programang Tulong-Eskuwela sa mga bata sa Smokey Mountain sa Tondo , Manila . “ Noon , ang naisip pa niya , tatapusin niya ang pag-aaral para makatulong ,” sabi pa ni Annie . Kalaunan , lumipat siya ng kurso , mula Development Studies , nagenrol siya sa kursong Biochemistry dahil gusto niyang maging doktor . Taong 2015 nang mahimok siyang tumakbo sa student council bilang kinatawan ng College of Arts and Sciences . “ Siya ang may pinakamalaking nakuhang boto sa kasaysayan ng CAS . Kaya source of pride niya iyun ,” ani Annie . “ Gabriela-Youth lang ang makinarya niya . Pero nanalo siya dahil din sa kanyang katangian na mapagkaibigan , sociable .” Sa
New Year ’ s Eve , you probably posted a pahabol selfie for the year 2017 or your Filipino friends did ; if not on their timelines , maybe on their stories and / or days . No wonder the Philippines is named selfie capital of the world ! # medianoche
All the handa looks delicious but before someone kurot the lechon , you took a good picture of it coz it ’ s pang – IG , bes !
The “ kailangan maingay ” Filipino determination Filipinos are so used to welcoming a New Year with noise ! And though there ’ d been list of prohibited firecrackers , it didn ’ t stop Filipinos to welcome 2018 loud and proud ! Here ’ s what most did :
• Bought torotot for kids
• Joined the countdown
• Greeted everyone a “ Happy New Year ”
• Shouted “ Putukan na ” to your heart ’ s content And if your family ’ s a little extra , you probably did this :
• Used kaldero and kawali to make noise from hitting those
konseho , mabilis siyang natuto sa mga isyung pampulitika .
Matapos ang tungkulin sa konseho , tila naghahanap na si Jo ng mas malalim na komitment . Hunyo 2017 na noon . “ Nawala siya nang tatlong araw . Nag-deactivate ng Facebook ,” kuwento pa ni Annie . “ Pagkatapos , nagpakita sa amin , humihingi ng pasensiya . Nag-isipisip daw siya . Ayaw na niyang mag-aral . Gusto na niyang kumilos bilang buong-panahon o full time na organisador ng Gabriela-Youth . Kaya kumuha siya ng gamit sa bahay , nagiwan ng sulat sa mga magulang at nagpalit ng cellphone number .
“ Hindi pa siya nakaranas noon ng dispersal sa rali . Wala siya tuwing may gitgitan ,” kuwento pa ni Annie . Kaya magkasabay na nagulat at natuwa sila sa desisyon ni Jo .
Pero pakiramdam ni Jo , may mas malalim pa siyang maiaambag . Walang isang buwan , nagpaalam muli siya sa mga kasamahan . Gusto niyang makipamuhay sa mga magsasaka , makita ang kanilang pakikibaka , ang kanilang rebolusyon . Mabilis ngang matuto si Jo .
Kung pagbabatayan ang mga paabot niya sa naiwang mga kaibigan sa eskuwela , isang buwan pa lang si Jo sa piling ng mga magsasaka sa Batangas nang magdesisyon na siyang doon na siya sa kanayunan mamuhay — bilang rebolusyonaryo . Lampas tatlong buwan matapos makarating ng Batangas , nasawi si Jo at ang 14 na iba pa .
May ipinasang bidyo sa Pinoy Weekly ang isa sa mga kaibigan niya . Galing daw ito sa isang kakilala na miyembro ng isang kapatirang may miyembrong militar . Tumanggi nang sabihin ng kakilala kung saan niya nakuha ang bidyo . Ang bidyo , kuha sa pinangyarihan ng “ engkuwentro .” Doon nakita ang mga diumano ’ y rebelde , bulagta sa kalsada . Ang isa , dumidilat pa , hawak ng isang rumesponde ang ulo . Naririnig sa background : “ Iyan ba si Ela ?” Oo raw . Lumalabas sa bidyo , natanong o nainteroga na sa puntong iyon si Jo . Kaya nabigay pa niya ang kunwa ’ y pangalan na “ Ela Rodriguez .”
Sa isang Facebook Page na pinamagatang “ Legal Army Wives ,” pinaskil naman ang wala-nang-buhay na larawan ni Jo . Nananakot ang post . Huwag daw kasi paloloko sa mga organisasyong katulad ng nilahukan ni Jo sa UP Manila .
Sa midya noong Nobyembre 29 , sinabi ni Maj . Engelbert Noida , kumander ng 730th Combat Group ng Philippine Air

5

together or striking it on the floor
• Started motorcycle or car ’ s engine for dagdag ingay purposes Food is life
During the noche buena , you ’ ve already told yourself “ Christmas naman .” And when media noche came , you once again excused yourself to eat good food by reasoning out “ New Year naman .”
You promised yourself tikim lang but later finished three plates . # goodbyediet Walwal all you can
January 2 was considered holiday , too . And so , you didn ’ t have to bother going back to school or office the next day ! Again , you got yourself an excuse and happily announced ,“ Wala pa namang pasok bukas .” Fellas , can you relate to these ? The holidays may be over but we can always take a look back ! Mind sharing how your family welcomed the year 2018 ? Comment down below and let ’ s talk about it ! Happy New Year , everyone !
Force na nagsagawa ng operasyon kontra sa mga rebelde , na tinakbo raw ng mga militar si Jo papunta sa ospital noong gabi ng Nobyembre 28 . Pero binawian na siya ng buhay kinabukasan , umaga ng ika-29 . Kung titingnan ang larawan sa “ Legal Army Wives ,” gayunman , masasabing nasa kalsada pa lang si Jo nang mawalan siya ng buhay .*
Sinabi rin ni Noida at sa mismong pampublikong mga pahayag ng Armed Forces of the Philippines ( AFP ) na tinakbo ng mga sundalo si Jo papunta sa ospital ng Fernando Air Base sa Lipa City , Batangas . Doon na raw si Jo binawian ng buhay . Mahigit dalawang oras ang layo ng Lipa sa pinangyarihan ng engkuwentro sa Nasugbu . Samantala , sa mismong Nasugbu , mayroong dibababa sa limang ospital . Bawat isa rito , di-hamak na mas malapit kaysa sa Fernando Air Base .
Nang mapanood ang bidyo , malinaw para kay Annie ang nangyari : “ Na-interrogate pa siya . Alangan namang alam na ng militar ang pangalan niya [ Ela ]. Bagu-bago pa lang siya doon .”
Bagung-bago pa lang , pero dinakila na siya — ng mga kaeskuwela niya sa UP Manila , ng mga Student Council sa buong UP System na naglabas ng resolusyon kamakailan na nagpaparangal sa kanya , ng iba ’ t ibang organisasyong progresibo , ng mismong rebolusyonaryong kilusan na kinabilangan niya sa maikling panahon . “ Tinahak ni Jo ang landas na minsang tinahak nina Edgar Jopson , Lean Alejandro , Wendell Gumban at marami pang iba . Hanga tayo sa kanyang katapangan , at inspirasyon sa atin ang kanyang pagpursiging lisanin ang mga ginhawa ng buhay-burgis , gaano man kahirap ito ,” pahayag ng Katipunan ng mga Sangguniang Mag-aaral sa UP o Kasama sa UP , sa wikang Ingles noong Disyembre 1 .
Para sa kanila , dakila ang hangarin ni Jo na maglingkod at makipamuhay sa mga magsasaka ng Batangas . Maikli ang panahon , pero ganun din naman si Jo — sa maikling panahon , mabilis na natuto , mabilis na nakapag-ambag , mabilis na tumatak .
“ Sobrang saya rito . Sa kabila ng pagod , mga dapa at pasa , init sa umaga at lamig sa gabi , dito ko lang naramdaman ang saya ng pagrerebolusyon ,” sinulat ni Ela kay Emil noong Agosto 17 . “ Marami pa akong gustong gawin at matutunan dito .” Hindi na tumagal si Jo para tumangan at matuto ng iba pang gawain . Pero sa kanyang pagyao , may ginagampanan at tinuturo siya sa maraming nakakaalam ng kuwento niya : ang mabuting halimbawa ng pag-ibig at paglilingkod .