Listen well
4 OPINYON Enero 15-21 , 2018
Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Cavite na inilalathala tuwing Lunes / PRINTING PLANT : Sinag Publishing & Printing Services , National Highway , Brgy . Parian , Calamba City , Laguna . Tel nos . ( 049 ) 834-6261 & ( 049 ) 5763112 / OFFICE ADDRESS : Blk . 25 , Lot 4 Ph-1 Greensborough Subd ., Sabang , Dasmariñas , Cavite / Subscription fee : One year P360.00 Six Months : P180.00 / Commercial Advertising rate : P200 per column cm and legal notices P160 per column cm / MEMBER : Publisher ’ s Association of the Philippines , Inc . ( PAPI ) / Raia Jennifer E . Dela Peña Managing Editor / P . L . Villa , RC Asa Contributing Editors / Aaron Paul Gueta , Jacquilou Lirio , Maria Carlyn Ureta , staff writers / Ruel T . Landicho Lay-out Artist / Ezra Loscos Legal Consultant . email add : tambuli _ press @ yahoo . com & sinagprinting @ gmail . com
ARNOLD ALAMON
I BELONGED to that generation too young to actually enjoy vinyl records but experienced them vicariously through parents ’ and siblings ’ listening habits . For us young ones , that corner of the house was off-limits and they were to be avoided at all cost much like the faux expensive celadons and crystals displayed at various points in the cramped living room like hurdles for a precocious toddler ’ s imaginary obstacle course .
But curiosity killed many parents ’ stereo equipment and record collection . That was the case for my father ’ s prized Victor record and eight track player that , after a protracted struggle , finally succumbed when the toddler that was me finally crossed battle lines to inflict permanent damage on the delicate audio equipment .
The Achilles heel of any Hi-Fi audio equipment at that time was the fragile diamond stylus that must be oh so carefully lowered into the spinning vinyl . If the needle was carelessly dropped or accidentally brushed with too much force , the thing could break . I don ’ t remember exactly how I exactly caused the destruction of my father ’ s needle , forgive the Freudian reference . But I do remember how since then , the stereo equipment occupied that dark corner of the living room , mute and covered in a white knitted quilt of sorts . My mother was also into knitting at that time and it
Listen well
was all the rage among the women housewives of the neighborhood .
That the whole contraption remained there at the corner of the living room beside the new star of the family , the colored television with remote , years later , and not thrown or placed in the junk limbostatus pile in the garahe spoke of how the stereo equipment occupied a special place in the family ’ s aspirationally middle class imaginary .
However , more than being status symbols that mired the social climbing era of the 70s and the 80s , the stereo , as it was lovingly called , I believed , was my parent ’ s link to their youth . And they weren ’ t much too old in the late 70s , come to think of it since I distinctly remember The Beatles and The Carpenters as part of their record collection , reasons why when the I Am Sam soundtrack and the Carpenter ’ s cover album came out in the 90s , it was not a surprise that I knew all the songs by heart .
I remember there was always constant talk of reviving the crippled equipment and making it sing again but needles were to be sourced from a mystical far away land called Quiapo - a place too distant for Makati residents at that time . The technical process of finding the matching expensive needle also stumped them provincial folk . Besides , vinyl by the late 80s was on the way out for a new kind of medium .
Ni Teo S . Marasigan
Payong Abogado ni Fely Arroyo
SA kanyang kolum ngayong araw (“ Truth ”), ikinuwento ni Prop . Solita “ Mareng Winnie ” Collas- Monsod ang nangyari sa sumingaw na pagkausap ni Atty . Fely Arroyo , asawa ni Sen . Joker Arroyo , kay G . Jun Lozada , susing testigo sa pagdinig ng Senado hinggil sa NBN- ZTE . Ayon daw kay Atty . Arroyo , hindi niya kilala si G . Lozada . Isang G . Tony Abaya , na humihingi at binibigyan ni Atty . Arroyo ng libreng payong legal , ang humingi ng pabor na bigyan ng payong legal si G . Lozada . Pumayag si Atty . Arroyo dahil hindi iyon malaking bagay , at normal daw sa pagiging abogado ang pagbibigay ng “ consulta ”.
Dahil nasa Makati si Atty . Arroyo , “ sinabihan niya si Abaya na pumunta sa bahay niya …” Maiksi lamang daw ang naging pag-uusap . Pero sumapat na daw ito para masabi niyang hindi siya puwedeng maging abogado ni G . Lozada at para makaiyak ang huli dahil sa takot para sa buhay at kabuhayan niya at ng kanyang pamilya . “ Dahil sa panahong iyon ay ni hindi pa siya inimbitahang tumestigo , o ipinatawag o binigyan ng mandamyento de aresto , simple ( at madali ) lamang ang payo ni Fely : Walang presyur kay Lozada na tumestigo , kaya kung ayaw niya …, hindi niya kailangang tumestigo .”
Dito , layon ni Prop . Monsod na iwasto ang impresyong aniya ’ y nilikha ng mga pahayag ni G . Lozada – na inimbitahan ni Atty . Arroyo si G . Lozada sa kanyang bahay para lamang kumbinsihin ang huli na huwag tumestigo . Ito ang diin ng kolum ni Prop . Monsod , bagamat tinuligsa rin niya ang pagbaluktot sa katotohanan ni Hen . Avelino Razon , direktor-heneral ng PNP , noong tumestigo ito sa Senado . Sinabi niyang kapani-paniwalang testigo si G . Lozada dahil tiniyak nitong ilahad lamang ang katotohanan . Pero hindi ganito ang ginawa ni G . Lozada kay Atty . Arroyo , ayon kay Prop . Monsod .
Kung matatandaan , binanggit ni G . Lozada ang paguusap noong iginigisa siya sa pagdinig sa Senado ni Sen . Joker Arroyo . Ayon sa senador , hindi patas si G . Lozada dahil mas nakipag-usap sa mga senador ng oposisyon at sa partikular na grupo sa midya . Sinabi ni G . Lozada na hindi ito totoo dahil , halimbawa , nakipag-usap din siya sa asawa ng senador , kay Atty . Arroyo nga . Ayon kay Prop . Monsod , “ embellishment ” o pagdadagdag sa katotohanan ang sinabi ni G . Lozada na kinausap niya si Atty . Arroyo para marinig ang kabilang panig – dahil , siguro , maka-administrasyon si Sen . Arroyo .
At kailan pa natutong magbasa ng utak ng ibang tao si Prop . Monsod ? Kung inunawa noon ni G . Lozada na pagsisikap niyang maging patas at pagdinig niya sa kabilang panig ang ginawa niyang pagkonsulta kay Atty . Arroyo , iyun ang pag-unawa niya . Ibig sabihin , dapat kilalaning totoo ang sinabi ni G . Lozada na inalam niya ang kabilang panig sa abot ng makakaya niya . Iyun ang konteksto ng pahayag niya – na hindi rin niya napalawig dahil sa pagsirit ng presyon at boses ni Sen . Arroyo sa pagdinig . Ibang bagay pa kung sa tingin natin , at ni Prop . Monsod , ay mali o kapos ang napagtanungan niya .
B a g a m a t napakapaimbabaw ng pagsusuri ni Prop . Monsod , nagawa niyang simulan ang kolum sa pagbanggit sa pagsumpa ng mga testigo sa Senado na maglalahad ng “ katotohanan , buong katotohanan at tanging katotohanan lamang ” – na para bagang binabantaan si G . Lozada ng demanda . Ayon sa kanya , bagamat nakasira kay Atty . Arroyo noong una ang paglalantad ni G . Lozada , mas makakasira ito sa huli . Pagtatapos pa niya : “ Parang apoy ang katotohanan . Nasusunog ang mga naglalaro nito .” Bagamat anti-Cha-Cha , malinaw na maka-Gloria pa rin sa kolum niyang ito si Prop . Monsod .
May nakakabahala sa ganitong kuwento at pagtindig ni Prop . Monsod : Wala na ritong usapin ng konsensiya , o pagmamahal sa bayan , o pagtindig para sa katotohanan . Ang naiwan : teknikalidad – ang laging atrasan ng rehimeng itong masama ang budhi tuwing gagawa ng kalokohan . “ Natatakot daw siya eh . Eh di pinayuhan kong huwag humarap sa Senado !” Tila ganito ang punto ni Atty . Arroyo sa kuwento niya kay Prop . Monsod , at ni Prop . Monsod mismo . At tiyak , inisip nilang makakalusot na sila sa mata ng publiko . Ganitong-ganito rin ang sinabi ni G . Mike Defensor noong
“ dinalaw ” niya si G . Lozada .
Ganoon ? Ganoon na lang ba iyon ? Nakatuntong ang ganitong paliwanag sa pagtinging hindi obligasyon ng mga abogado na magbigay ng payong moral , at payong legal lamang ang dapat nilang ibinibigay . Na nakakalungkot , dahil nagmumula kay Atty . Arroyo . Bakit naging abogadong maka-karapatang pantao si Sen . Joker Arroyo noong Batas Militar ? Bakit hindi siya naging abogado ni dating Pang . Ferdinand Marcos ? Bakit hindi siya naging katulad ng karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain ? Dahil may mga konsiderasyong nakakahigit sa teknikalidad ng propesyon , at dapat makahigit dito .
Mamamayan ka ng Pilipinas . May rekord pa ang asawa mo – at ikaw din siguro – ng pagtatanggol sa karapatang pantao noong Batas Militar . Naging mahalaga ang asawa mo – at ikaw din siguro – sa pagpapatalsik sa isang pangulong inakusahan ng pandarambong sa kabang-bayan . Alam mong may bantog na multi-bilyong dolyar na kontratang diumano ’ y gagatasan sana ng matataas na opisyal ng bansa , kasama ang Unang Ginoo . May lumapit sa iyo , mukhang mabait na paring Hesuwita , umiiyak pa . Ang sabi sa iyo , may alam siya sa anomalya pero natatakot siyang tumestigo sa Senado .
Ano ang gagawin mo ? “ Hindi ako puwedeng mag-abogado para sa iyo . Kung natatakot ka , huwag kang humarap . May appointment pa ako .” Mga salita ko ito , na batay sa kuwento ni Prop . Monsod . Ayon sa kanya , ni hindi ikinuwento ni Atty . Arroyo sa asawa niyang senador ang nangyari , dahil isa lamang ito sa marami niyang “ consulta ”. Iyun ang totoo : Nagkamali si G . Lozada ng nilapitan . Hindi siya napahalagahan , o pinayuhang sundin ang konsensiya at pagmamahal sa bayan , o tumindig para sa katotohanan . Ang dating kadakilaan – nakakulong at nakaburol na ngayon sa kabaong ng teknikalidad .
Gustong iligtas ni Mareng Winnie sa galit ng opinyong publiko ang kanyang kaibigan . Pero lalo lamang idinidiin ng sinasabi niyang “ katotohanan ” ang kanilang kabulukan .
16 Pebrero 2008