Ang Bantayog Bantayog | Page 7

HUNYO - NOB. 2017 7 Tsinelas Mary Rose Zabala aghari Naaliw naman ang mga tao nang awitin nila ang mga nakatutuwang lokal na aw- itin. Umakyat ang butihing alkalde na nagbigay ng isang buháy na mensahe na umukit sa puso ng mga manonood. Mayroon ring libreng ser- bisyo para sa mga bata at may pamimigay pa ng pagkain. Lumabas ako sa plasa. Naamoy ko na parang may nagluluto ng napakasarap na pagkain. Kumalam tuloy ang sikmura ko. Sinundan ko ang nakaaakit na amoy at napad- pad ako sa nagkukumpulang tao na tila may pinagkakagu- luhan. Iyon naman pala! Naroon ang sinasabi kong tanyag, si Chef Boy Logro. Agad akong naghanap ng mauupuan. Nakinig at naantig ako sa makabagbag-damdaming ku- wento niya. Napanood ko rin ang pagluluto niyang payak ngunit masarap. “Marisyu!”-Iyan ang masasabi ko sa pagdiriwang ng “Araw ng Dulag”. Tunay nga itong nakagagalak at nag-iwan ng ‘di malilimutang alaala sa puso ko. Maihahalintulad ko ang karanasang ito sa bahaghari na sumisimbolo sa kasi- yahan at selebrasyon. Natutunan ko na may saya sa kabila ng pagdurusa. ‘Ika nga ng alkalde, “Sa tuwing uulan, may bahagharing darating pagkatapos nito”, sa wikang Ingles. Bunime clus, ne iam husa rei intilibem pontistratum he- bena, estimih ictusquem teatur horbisserra nequon dit; nos, cae mandacibere, Catala duc tea ina, C. Ex nihici patquem ad nonsus hocae, consuperi consull ertili- entem nonvere, Catanum pat intil halatant re, C. Pos in sime intela videm. Imunte popotabitus cone in vignonsum nocte fuit? Gilis, elibus Marium haberfeciem es host facciam dentero ad primilnequam pecta, po- popota Simis nit, ubisse pubitio pultiam publienatis med ius poervirion sentio tus se, C. Averfit, Nasubukan mo na bang maging bida ng isang pelikula? Ako kasi, oo… Ang masama nga lang ay “Lumayo ka nga sa akin” ang nakuha kong titulo at ang masaklap pa dun, ako ang nilalayuan. Isa lamang akong musmos na bata, ngunit sa murang edad ay may kakaibang pag-iisip at kakayahan. Kaya kong tumakbo ng mabilis at uma- kyat sa matataas na lugar. Wala na akong mga magulang. Pareho kasi silang namatay dahil aksidente silang nadaganan ng isang gusali. Na- katira ako sa bahay ng itinuturing kong pamilya. Hindi nga lang ako inaalagaan. Mas pinapahalagahan pa nila yata yung alaga nilang aso. Nasasaktan ako sa ipinaparamdam nila sa akin, paano ba naman ay pinandidirian na nila ako tuwing nakikita. Kulang nalang ay sabi- hin nilang “lumayo ka nga sa akin”. Sobra na akong nasasaktan. Minsan umiiyak ako, napapagod sa kakaisip, kung bakit ganun ang pakikitungo nila sa akin. “Pangit ba ako? Kalayu-layo ba ako? Hindi naman eh... Kaya bakit? Baka akala nila na hindi ako nasasaktan, na wala akong nararamdaman pero meron... meron... At ang sakit na. Palagi nalang akong nasa anino nila. Minsan rin la- mang kung ako’y makakain, kaya hindi nakapagtataka na lalo lang akong lumiliit at pumapayat. Tira-tira lang ang nakakain ko. Isa pa sa ikinalulungkot ko ay wala akong kalaro. Yung bata kasi dito sa bahay ay galit sa akin. Lalapit pa lamang ako ay kumukuha na siya ng gamit upang ibato. Dahil galit silang lahat sa akin, dito sa abandonadong kuwarto ako namamalagi. Makalat, marumi at mabaho. Kasama ko pa rito ang mga daga. Isang araw ay nakaramdam ako ng matinding gutom. Pumunta ako sa kusina upang tingnan kung may pagkain doong pupuwedeng kainin pero pinanghinaan ako ng loob nang malaman kong oras na pala ng hapunan. Nanghihina akong bumalik sa kuwar- to ko. Doon ay napag-isip-isip ko ang lahat ng bagay na nangyari sa buhay ko. Yung kalungku- tan, paghihirap at takot. Sa lahat ng nararamdaman ko ay nagkaroon ako ng lakas ng loob. Lumabas ako ng kuwarto at dumiretso sa kusina. Wala na akong pa- kialam sa maaaring mangyari, pagod na akong magta- go. Humarap ako sa hapag-kainan. Bakas sa mga mukha nila ang pagkagulat Nang kukuha na ako ng pagkain ay na- karamdam ako ng kirot sa aking likuran. Sa sobrang sakit ay humandusay na ako. Konti na lamang ang naaaninag ko pero bago nahuli ang lahat ay narinig ko ang katotohanang pilit kong nililimot. “Sa wakas ay patay na rin ang ipis”. Sa hapag-ka- inan natapos ang lahat. Nang dahil sa tsinelas ay naging malaya ako sa kahirapan ng buhay. Hayop Man May Pakiramdam Din ni ElveraG. Novio Nakabibingi ang katahimikan ng buong paligid. Walang makita kahit isang tao sa lansangan. Ni anino ng anumang nilalang ay walng masilayan. Maya-maya, narinig ko ang mga kumakaripas ng takbo mula sa di kalayuan ng aking kinaroroonan. Nabigla ako at napasilip tuloy sa maliit na siwang ng aming pawid na dingding. Na- kiusyuso kung sino at ano itong narinig ko. Isang maputi at magandang babae ang nasinagan ng liwanag ng buwan. Hinahabol siya ng maitim at may malaking hugis na pangangatawan ng lalaki. Takot na takot ang babae na pumaitaas sa isang puno ng mangga. Itong si lalaki naman ay di mapakali sa kahahanap sa babae. Naramda- man marahil ng lalaki na umakyat sa puno si babae. Kaya dahan-dahan niya itong inakyat. Nagpang-abot ang dalawa sa itaas at bigla nahulog sila. Nagpupumilit si lalaki sa gusto niya. Subalit mariing umaayaw si babae. Sa isang iglap, tumahimik ang kapaligiran. Nawala ang ingay ng dalawa at ako naman ay napaidlip pansumandali. Ngunit naa- limpungatan ako nang sumigaw ang babae! Parang nasaaktan.. humihingu ng tulong... sigaw na....Meoww, meoww...meow...!