Founded on July 23, 2015, and incorporated later on September 18, Klub Iba Inc. is a non-profit organization for all ages, that motivates its members to achieve higher ends for self and society by pursuing their creative gifts and inclinations, and by practicing volunteerism. It thrives on three native Filipino core principles of "Kapwa" or pakikipagkapwa (fellowship), "Bayanihan" (cooperation) and "Pag-asa" (hope). With a deep consciousness of self and society, we shall endeavor to elevate our way of life and to safeguard our economic gains by fortifying our cultural bedrock. Collectively, we shall be as a cornerstone of the new Ibaan society crafted in the principles and values we uphold at Klub Iba.
Klub Iba Inc. 410 Coliat, Ibaan, Batangas. Tel. no. (043) 414-1190. Email: [email protected]
Visit the Ibaan Volunteers: https://www.facebook.com/groups/tagailog/
KLUB IBA - IBAAN ASSOCIATION COLLABORATION. Our meeting with Ibaan Association of USA and Canada Past President Nedy Mercado last January 30, 2016 was a breakthrough. It highlighted three areas for possible collaboration between the two organizations, such as environmental concerns, health and education, and culture and heritage. Klub Iba also submitted its request to aid the San Agustin Rondalla Ensemble in the procurement of bajo de juña.
ANG SIMULA. Noong Nobyembre 7, 2015, tahimik na inilunsad ang Klub Iba Inc. sa piling ng mga boluntaryo sa AVR ng Dr. Juan A. Pastor Memorial National High School. Magmula noon, ang Ibaan Volunteers ay isa nang volunteering program sa ilalim ng organisasyon, kasama ang iba pa.
MULING PAGSISINDI NG ILAW. Sa muling pagbubukas ng Ibaan Literary Arts Workshop (ILAW) mula nang ihinto ito noong 1997, idinaos noong Setyembre 12, 2015 ang kauna-unahang pampanitikang seminar na ginanap sa Dr. Juan A. Pastor Memorial National High School na dinaluhan ng mga mag-aaral at guro. Naanyayahan si John Enrico Torralba, isang makatang taga-Maynila, bilang tagapagsalita. Sinamahan siya sa panel ng mga kapwa manunulat na sina Manolito Sulit, Larry Roallos at Huberto Caiga Jr. Ang ILAW na dating isang pampanitikang organisasyon, ay isa na ngayong programa sa ilalim ng Klub Iba.
LAHAT PARA SA ILOG. Nagkaisa ang Ibaan Volunteers at mga kawani ng Ibaan Electric sa paglilinis ng Ilog Ibaan sa Brgy. Palindan noong Abril 11, 2015. Mula nang mabuo ang programa noong Disyembre 1, 2014, pagsalba sa Ilog Ibaan ang pangunahing adhikain nito. Nagtatapos ang gawain sa sama-samang pagdarasal para sa panunumbalik ng sigla at linis ng ilog.
IBAAN VOLUNTEERS SEMINAR. Maluwalhating nairaos ang kauna-unahang seminar ng Ibaan Volunteers noong Pebrero 28, 2015. Naging panauhing tagapagsalita sina Bienvenido Gonzales, agricultural technologist na sariling atin; Jo Florendo Lontoc, isang mountaineer mula sa Taal; at Mark Daniel Blanco at Brann Marlon Briones ng Red Cross-Batangas.
may kontribusyon ni Jorgie Sabanal
mag-aaral, DJAPMNHS