ALAM MO BA?
Ang pangalang Corregidor ay nanggaling sa salitang espanyol na “corregir”, na ibig-sabihin ay ‘itama’ o ‘baguhin’. Dahil daw ito sa sistema ng mga espanyol na lahat ng mga barkong dadako sa Manila Bay ay kailangan na huminto at ipakita ang kanilang mga dokumento upang ito’y siguraduhing tama. Ang isla ay pinangalanang “Isla del Corregidor” (Islang of Correction).
Corregidor ang nagsilbing himpilan ng Allied Forces at ng Philippine Commonwealth government.
Ang Malinta tunnel ang naging pangalawang tahanan ng mga silbilyan at ng mga sugatan na mga sundalo. Ito’y mayroong pagamutan na naglalaman ng isang libong kama, mga gamit at pagkain na kanilang kakailanganin noong mga panahon na iyon. Nadagdagan ang bilang ng mga kwarto at imbakan noong pananakop sa Corregidor.
Isinulat ni: Florence Barrameda