Ang Isla ng Corregidor ay mayroong malaking parte sa ating kasaysayan. Ito’y nagsilbing depensa sa mga atakeng ginawa ng mga kalaban. Ang Corregidor ay ang pinakamalaking isla sa lahat ng mga islang ginagamit bilang depensa ng Manila Bay. Patuloy na lumaban ang Corregidor at ang iba pang mga isla sa kabila ng pagbagsak ng Bataan.
Disyembre 24, 1941 hanggang February 19, 1942, ang Corregidor ang nagsilbing panandaliang lokasyon ng gobyerno ng Pilipinas. Sa Corregidor din idinako ang inauguration nina Manuel L. Quezon at Sergio Osmeña bilang president at biseng-presidente para sa kanilang pangalawang termino. Pursigido ang mga Hapon na makuha ang Pilipinas ngunit ang matalinong pagkakagawa ng Corregidor ang naging pagsubok. Sa dulo’y sumuko na ang mga Amerikano at mga Pilipinong sundalo sa mga Hapon noong May 6, 1942, sa ilalim ng utos ni Lt. Gen. Jonathan Wainwrght. February 16 hanggang February 26, 1945 nangyari ang battle for the recapture of Corregidor, napala at naibalik din ang Corregidor ng mga Amerikano at Pilipinong sundalo.
Ang
Papel
Isinulat ni: Florence Barrameda