ISAY
Maikling Kwento, Kahirapan
Mark Illustre
Tula, Pagmamahal sa Bayan
Glee Vir
Tula, Pagmamahal sa Bayan
Glee Viray
Si Isay ay walong taong gulang palamang. Si Isay ang pinakamatanda sa limang magkakapatid. Si Isay ay punong puno ng mga pangarap at ang isa sa mga nais niyang mangyari bilang pagtanda ay maging isa magaling na doctor o guro. Ngunit hindi ganung kadali para kay isay na mangyari iyon. Sapagkat ang isa sa mga magulang ni isay ay may karamdaman.
Ang kanyang ina ay isang maglalaba ang kanyang ama ay may sakit sa puso. Gusto mang pumasok ni Isay ay hindi niya magawa sapagkat wala siyang sapat na pera upang pumunta sa paaralan. Kaya nanatili na lamang si isay upang tulungan ang kanyang may amang may sakit. Pag walang labahin ang kanyang ina si isay ay pumapasok sa paaralan at pagkatapos ng kanilang klase siya ay naghanap ng trabaho sa mga palengke.
Si Isay ay nakahanap ng trabaho bilang tindera ng mga gulay ito ay naguuwi ng pagkain sa kanilang pamilya. Tuwang tuwa ang mga magulang ni isay dahil nakakatulong na ito kahit walong taong gulang pa lamang. Ganito ang naging buhay ni Isay. Si Isay ay ngayon tapos na ng pag aaral siya ay nakatapos na ng koleheyo. Siya na ngayon ay isang doctor at napagaling niya na rin ang kanyang ama na may sakit sa puso.
Si Isay ay ngayon ay isang inspirasyon sa mga kabataan na hindi hadlang ang kahirapan upang guminhawa.