Digital publication | Page 2

PUSO

Tula, Pagmamahal sa Bayan

Glee Viray

Bayan kong sawi

Pero ay nakabawi

Pasamantalang lumbay

Permanenteng Kaligayahan

Maraming beses na kinawawa

pero nakatayo parin

Ang tibay ng puso

ay daig pa ang mga bala

Ang puso,

Puso ba ang bumubuo satin?

Puso nga ba?

Puso nga!

Pero ang mga ngiti

ay pantago nalang

sa hirap at pagod

sa lumbay at sakit

Samantalang ang pamilya nila,

nakakakain at nakakasaya

samantalang sila,

namamatay at nawawala

Pero ano ba ang masmalakas na puwersa

ang mga halik o lambing

o ang mga bala at bomba,

tayo lang makakasagot niyan

Bayan napagisa

ang mga puso at kaluluwa

na ang katotohonan ay

Puso ay masmatindi pa sa sandata.