Tambuling Batangas Publication September 19-25, 2018 Issue | Page 8

Pormalin sa ulam na GG at Bukbok sa Bigas... p. 4 The Best Choice for Design & Quality VOLUME XLI No. 39 September 19-25, 2018 P6.00 For quotation requests, please contact us at (049) 834-6261 or email us at sinagprinting@ gmail.com Tulong ng DSWD sa maaapetuhan ng Bagyong Ompong, handa na By Lucia F. Broño LUNGSOD QUEZON - - Nakahanda na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa posibleng magiging epekto ng Bagyong Ompong na inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR), Miyerkules. Ito ang pagtitiyak ni DSWD Secretary Virginia Orogo na nagsabi ring ang mga quick response teams (QRTs) ng ahensiya ay nakaalerto upang tumulong sa mga maapektuhang lugar. Ayon naman kay Undersecretary Hope Hervilla ng DSWD Disaster Response Management Group (DRMG), nakahanda na ang mga “stockpile” at “standby fund” sa DSWD Central Office, sa mga Field Offices (FOs) at sa National Resource Operations Center (NROC). Dagdag pa ni Hervilla, aabot sa 356,349 family food packs (FFPs) na nagkakahalaga ng P118,947,645.65 at “non-food items” na nagkakahalaga ng P710,825,555 ang naihanda ng ahensiya at naipamahagi na ito sa lahat ng rehiyon. May karagdagang tulong na ibibigay sa field office ng Region II dahil ito ang inaasahang tiyak na daraanan ni Ompong. Kaugnay nito, magpapadala ng karagdagang 5,000 family food packs; 1,000 hygiene kit, 1,000 family kit at 1,000 sleeping kit sa nasabing rehiyon. Nakahanda na rin ang mg relief goods para sa mga karatig rehiyon na maapektuhan ng Bagyong Ompong. Mayroong kabuuang halagang P872,003,147 standby funds ang DSWD na maaring magamit ng mga maaapektuhang lugar. Patuloy na makikipag- ugnayan ang DSWD sa PAG- ASA at sa lahat ng rehiyon upang makapagbigay ng agarang tulong sa mga mangangailangan. (PIA- NCR) Calatagan Sea Weeds Coop, Tumanggap ng P3M mula sa PRDP, Batangas Capitol KATUWANG ang Philippine Rural Development Project (PRDP) ng Department of Agriculture, iginawad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang halagang PhP 3 Milyon sa Batangas Seaweeds Farmers Association (BASEFA) ng bayan ng Calatagan noong ika-10 ng Setyembre 2018 sa Bulwagang Batangan, Capitol Compound, Batangas City. Pinangunahan ang turn-over ng nasabing PRDP fund nina Batangas Gov. Dodo Mandanas at Provincial Cooperative, Livelihood and Enterprise Development Officer Celia L. Atienza, na siya ring Investment in Rural Enterprises and Agricultural and Fishery Productivity (I-REAP) component head ng pamahalaang panlalawigan. Sa pamamagitan nito, inaasahang makagagawa ng mahigit dalawang daang libong kilo ng raw dried seaweeds ang nasabing kooperatiba, na makapagdadagdag sa kita ng seaweeds farmers ng 32%. Dahil sa proyektong ito, napoprotektahan din ang karagatan mula sa iligal na pangingisda at iba pang mga mapaminsalang gawain dahil sa masusing pagbabantay ng mga kooperatiba sa kanilang kinukulturang sea weeds. Ang PRDP ay pinopondohan ng World Bank, pamahalaang nasyunal at ka- partner na LGUs, na obligadong maglabas ng counterpart fund para sa mga pagawain sa kanilang lokalidad. Sa pamamagitan ng PRDP, inaasahang makapagtatayo ng isang plataporma ng gobyerno para sa makabago, climate- smart, and market-oriented na agri-fishery sector. ✎ Louise Mangilin, Batangas Capitol PIO DSWD personnel puts final touches to boxes of relief supplies at the National Relief Oerations Center in Pasay City, prior to shipping to various field offices in the regions. President Duterte vows to help undocumented Filipinos AMMAN, Jordan -- President Rodrigo Roa Duterte on Friday, September 7, pledged that his administration would immediately find solutions regarding the predicaments of Filipinos abroad without legal documents. The President capped his three-day official visit here with a meeting with the Filipino community at the Royal Cultural Palace. The Chief Executive has been consistently saying that apart from enhancing the Philippines’ bilateral relations with its foreign counterparts, his main priority will always be the Filipino people, and this was also evident in his official visit to the Hashemite Kingdom of Jordan. During the President’s meeting with King Abdullah II on Thursday, September 6, he mentioned that one of his principal interests is the situation of the Filipinos in Jordan. Although most are in a good position, there are some who are still in the predicament of not having proper documents. “Bakit ako pumunta dito? Well, of course, first is to make a historic visit to the Kingdom of Jordan. Kaya matagal kami nag-usap about you…kayong lahat. Pag-usapan lang is ‘yung undocumented dito,” he said. He further noted that his administration is finding possible solutions to this matter. “I will send maybe a senator…o kaya [itong si] Secretary Cayetano to fix this thing. Alam mo bakit? Wala kayong dapat taguan. His Majesty is a man of his words. Totoo talaga.” The President expressed his admiration for the King’s sincerity and for having “a human soul” when he brought up this issue to him. “Isa sa mga rare na nakita ko na talagang kung magsalita, you can see the human spirit in his words. So I hope to work on it right away,” he added. He also expressed his gratitude to King Abdullah II for inviting him to visit Jordan and most importantly, “for being kind to my people.” Jordan is home to, more or less, 48, 000 Filipino workers. Since the government is eager to advance the Filipinos’ living conditions abroad, the Chief Executive encouraged the Filipinos in Jordan to avail themselves of services the two governments offer to help them improve their skills. “ [I] encourage Overseas Filipinos to take advantage of programs for self-improvement and training offered by the Philippine Embassy and various organizations in Jordan or in the Philippines. I would also reiterate the significance of self-improvement in nation- building and becoming true agents of change,” President Duterte said with eagerness. Furthermore, he also stressed the government’s initiatives to make “working abroad a choice, not a necessity Sundan sa pahina 6..