Tambuling Batangas Publication September 05-11, 2018 Issue | Page 8
Free bail for a better jail... p. 4
The Best
Choice for
Design &
Quality
VOLUME XLI
No. 37
September 5-11, 2018
P6.00
For quotation
requests, please
contact us at
(049) 834-6261
or email us at
sinagprinting@
gmail.com
Public Transport Route Plan at PUV
Modernization, Pinagpulungan sa Kapitolyo
UPANG maipaunawa at talakayin
ang Preparation of Public Transport
Route Plan (LPTRP) at Public
Utility Vehicle (PUV) Modernization
Program, nagdaos ang Provincial
Planning and Development Office
(PPDO) ng isang pagpupulong na
tumalakay sa kaayusan ng sistema
sa transportasyon na ginanap
noong ika-5 ng Setyembre 2018 sa
PPDO Conference Room, Capitol
Compound, Batangas City.
Dinaluhan ito ng mga
lokal na Public Transport Groups /
Operators na nagmula pa sa iba’t-
ibang bayan at lungsod sa Lalawigan
ng Batangas. Nakiisa rin sina PPDO
Chief Benjamin I. Bausas, Atty.
Mariane Tingchuy na kumatawan
sa Tanggapan ng Panlalawigang
Gobernador at Col. Chito Malapitan,
Assistant Department Head ng
Provincial Public Order and Safety
Department.
Unang
tinalakay
sa
pagpupulong ang tungkol sa LPTRP
sa pangunguna ni Gng. Luz Lumbera,
Chief ng Land Transportation
Franchising and Regulatory Board
(LTFRB) Region IV-A.
Ang usapin sa LPTRP ng
lalawigan ay pinagtibay ng Provincial
Government of Batangas Executive
Order No. 2Him1-01 (Creating the
Local Public Transport Route Plan
(LPTRP) Team of the Provincial
Government of Batangas) na hango
sa Joint Memorandum Circular
No. 001, dated June 19, 2018, ng
Department of the Interior and Local
Government (DILG) at Department
of Transportation (DOTr) na
magsagawa ng Local Transport Plan
ng transport modes at makapagbigay
ng mga panukala para sa traffic
management katuwang ang bawat
Local Government Units (LGU).
Isa sa mga hangarin ng
LPTRP ang magkaroon ng fixed
salary at oras ng trabaho ang mga
drivers. Masusing pinag-aaralan din
ng mga LGUs katuwang ang DOTr,
ang pagsasaayos ng mga Designated
Drop Off Points na makakatulong sa
pag-aapply ng mga prankisa ng mga
PUV Operators. Hangad ding mabuo
bilang korporasyon o kooperatiba
ang mga transport groups na
makatutulong upang mas mapagtibay
Sundan sa pahina 6..
PPDO Chief Benjamin I. Bausas, Atty. Mariane Tingchuy na kumatawan sa Tanggapan ng Panlalawigang Gobernador at Col. Chito
Malapitan, Assistant Department Head ng Provincial Public Order and Safety Department.
Scholarship para sa mga teachers
Batangas City nabiyayaan
ng pastoral visit ni Lipa isinusulong sa konseho
Arch Garcera
BINISITA ni Lipa Archbishop,
Most Rev. Gilbert Garcera,
D.D ang Basilica Immaculada
Concepcion sa Batangas City
kahapon, September 5, bilang
bahagi ng kanyang pastoral visit
na isinasagawa sa mga parokya
kada limang taon upang malaman
ang sitwasyon ng Simbahang
Katolika dito at kung lumalago
ang pananampalataya ng mga
miyembro nito.
Nagdiwang siya ng Banal
na Misa kung saan dumalo ang mga
opisyal ng lalawigan at lungsod
ng Batangas sa pangunguna nina
Vice Governor Nas Ona at Mayor
Beverley Dimacuha. Kasama nila
sina Board Members Claudette
Ambida at Bart Blanco, Vice
Mayor Jun Berberabe at Coun.
Alyssa Cruz. Ayon kay Arch.
Garcera, ang visita pastoral ay
paraan ng simbahan upang alamin,
pagnilayan,
pagdasalan
kung
ang parokya ay lumalago bilang
sambayanan ng Diyos at malaman
ang katatayuan ng buhay pastoral
dito.
“Ayon kay San Pablo,
we are the farm of God, ang Diyos
ang nagtatanim, nagpapadala ng
mga manggagawa para alagaan
ang bukirin. We are the building
of God, kung kaya’t ang pastoral
visit na ito ay dapat daw, it is the
duty of the Bishop to visit every
5 years upang tingnan ang bukirin
ang gusali ng pananampalataya
ay lumalago at tingnan kung
may mga sagabal sa paglago ng
pananampalataya,” dagdag pa ni
Arch. Garcera.
Sinabi rin niya na bago
ang naturang pastoral visit,
nagpulong sila ng Pastoral Council,
church ministries at iba pang
konsernado noong May 17, 2018.
Nagkaroon sila ng pagninilay at
pagtaya kung ramdam si Jesus sa
28 na barangay na nasasakop ng
parokya.
Bukod sa pastoral life
ng parokya, ay tiningnan din
ng Arsobispo ang pananalapi
ng parokya, ang koleksyon at
paggastos nito, at ang opisina kung
saan aniya ay ang mga sekretarya
dito na sinasabing mukha ng
parokya kaya’t dapat sila ay
accommodating para makahikayat
ng mananampalataya.
Ipinaabot
din
ng
Arsobispo ang kahilingan ng Santo
Papa Francisco na ipagdasal sya
at ang buong simbahang Katolika
dahiil sa mga kinakaharap nitong
mga pagsubok at pagbatikos.
ISANG ordinansa ang ipinapanukala
sa
Sangguniang
Panlungsod
na naglalayong magkaloob ng
scholarship para sa masteral at doctoral
studies sa mga kwalipikadong public
elementary, secondary at tertiary
teachers.
Ang ordinansa na inihain
nila Konsehal Aileen Montalbo at
Karlos Butede sa session noong
September 4 ay may pamagat na “An
Ordinance Providing for Batangas
City Scholarship and Educational
Assistance Program to Public School
Teachers and Providing Funds
Therefor” ay inaprubahan para sa first
reading at nakatakdang sumailalaim
sa committee hearing.
“It’s about time na bigyan
naman natin ng insentibo ang ating
masisipag na guro. Kung mapapansin
po ninyo, halos lahat ng scholarship
programs sa Pilipinas ay nakatuon sa
mga estudyante. Minsan nalilimutan
natin na ang mga teachers natin ay
nangangailangan din ng ating tulong,”
sabi ni Montalbo.
Ayon sa ordinansa, may
dalawang categories na pwedeng
pagpilian ang mga teachers na
nagnanais maka avail ng scholarship.
Ang Category A kung saan
limang (5) public school teachers
na nagtuturo sa alinmang public
school, elementary man, sekundarya
o tertiary ay maaaring kumuha ng
kanilang masteral o doctoral studies
sa alinmang branch ng Batangas State
University (BSU). Sasagutin ng City
Government ang 100% na tuition nila
maliban sa miscellaneous fees.
Mayroon ding Category
B na halos pareho ng kwalipikasyon
maliban lamang sa eskwelahang nais
nilang pasukan.
“Kung category B ang
kanilang pipiliin at nais nilang sa
ibang school kumuha ng kanilang
graduate studies, P10,000 naman ang
ibibigay na ayuda para sa kanila,”
dagdag ni Montalbo.
Iminungkahi naman ni
Konsehal Sergie Rex Atienza na
i-maximize ang Colegio ng Lungsod
ng Batangas (CLB). Aniya, maraming
magagaling na teachers ang CLB at
tamang-tama ang ordinansang ito para
sa kanila.
“Pwede nating lagyan ng
isa pang kategorya. Halimbawa,
Category C, na ang makikinabang ay
ang mga guro ng CLB. Alam naman
natin na halos topnotchers ang mga
passers nito sa Licensure Examination
for Teachers taon-taon,” ani Atienza.
Humingi
rin
ng
klaripikasyon si ABC President
Angelito Dondon Dimacuha sa ilang
probisyon ng ordinansa. Ilan dito
ay kung saan kukunin ang budget
nito at ang kwalipikasyon ng mga
guro na mag-aapply para sa naturang
educational assistance.
“Napakaganda ng ordinansa
at nais kong i-congratulate ang mga
may-akda sa pagda-draft nito. Kaya
lamang sa ating darating na committee
hearing dapat mai-establish nating
maige ang mga rules at procedure sa
pagpili ng scholars. Baka mamaya
mag-a-avail sila ng programa tapos
pag naka-graduate sila e lumipat sila
sa private school. Defeated naman
yung purpose natin,” ani Dimacuha.
Agad
naman
itong
sinangayunan ng mga miyembro ng
konseho at itinakda ang committee
hearing sa mga susunod na araw. (PIO
Batangas City)
ordinansa na inihain nila Konsehal Aileen Montalbo at Karlos Butede sa session noong September
4 ay may pamagat na “An Ordinance Providing for Batangas City Scholarship and Educational
Assistance Program to Public School Teachers and Providing Funds Therefor”