Tambuling Batangas Publication October 31-November 06, 2018 Issue | Page 8

Guerrero’s war... p. 4 The Best Choice for Design & Quality VOLUME XLI No. 45 October 31-November 6, 2018 P6.00 For quotation requests, please contact us at (049) 834-6261 or email us at sinagprinting@ gmail.com Mayor Dimacuha at Cong. Marino walang kalaban sa kanilang reelection bid Walang naghain ng kandidatura upang labanan ang reelectionists na sina Mayor Beverley Rose Dimacuha at Batangas 5th District Rep. Marvey Marino hanggang sa huling araw ng filing ng certificate of candidacy (COC) kahapon, October 17. Maging si reelectionist Vice Mayor Jun Berberabe ay wala ring makakalaban sa national at local elections sa May 13, 2019. May 21 naman ang naghain ng COC para sa city councilors kung saan 12 ang nabibilang sa Team EBD ni Mayor Dimacuha. Sa probinsiya, dalawa ang makakatunggali ni incumbent Governor Hermilando Mandanas sa pagka gobernador.. Muling maglalaban upang masungkit ang kanilang dating pwesto sina dating Bise-Gobernador Mark Leviste at Ricky Recto. Kandidato pa rin sa pagka bokal ng ika-5 distrito (Batangas City) sina bokal Claudette Ambida at Bart Blanco. Naghain din ng kandidatura dito si dating Boardmember ng 2nd District na si Atty Edwin Sulit. Ayon kay City Election Officer Grollen Mar Liwag, naging mapayapa at wala silang naging problema sa filing ng COC na nagsimula noong October 11. Naging maganda rin aniya ang turn-out ng nagdaang registration dahilan sa ginawa nilang satellite registration sa mga barangay. Malaking bilang ng mga ito ay nag transfer at nagpa reactivate. Magsasagawa sila ng registration board hearing sa October 25 para sa mga nagparehistro hanggang September 29. Aalisin nila sa voter’s list ang mga hindi nakaboto at yaong mga nagtransfer sa ibang bayan. Magpopost din sila sa mga susunod na araw ng pangalan ng mga candidates na nagfile upang macheck ng mga ito kung tama ang mga impormasyong napalagay. Sinabi rin ni Atty. Liwag na magsisimula na sila ng preparation ng mga machines at balota para sa automated elections. Inihahanda na nila ang book of voters kung saan inaayos nila ang mga listahan ng mga boboto. Ang election period ay magsisimula mula January 13 hanggang June 12. Magsisimula ang campaign period sa February 12 para sa mga senatorial at party- list candidates at sa March 30 naman para sa local candidates. (PIO Batangas City) St. Bridget community center nangangalaga sa mga hospitality workers BATANGAS CITY- May 25 hospitality workers na nagtatrabaho sa mga night clubs at entertainment bars sa Batangas City ang sumailalim sa seminar tungkol sa pangangalaga sa kanilang sexual health at disaster risk reduction and management para sa kanilang kaligtasan sa pagtataguyod ng St. Bridget Community Center (SBCC). Ito ay idinaos sa Doreens KTV Bar, October 19, sa pakikipagtulungan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, City Health Office at iba pang katuwang na ahensiya. Ayon kay Rosalie Aguila, program coordinator ng SBCC, kabilang sa mga topics sa seminar ay ang tungkol sa HIV, Teenage Pregnacy, Family Planning at iba pang may kinalaman sa kanilang trabaho. Tinalakay din dito kung ano ang mga dapat gawin sa panahon ng iba’t ibang kalamidad, aksidente o emergency. Sinabi rin niya na karamihan sa mga hospitality wokers ay mula sa ibat-ibang bayan at kalimitan ay nanggaling sa broken family, biktima ng sexual abuse o yung kulang sa atensiyon at pagmamahal. Sa kanilang programang Gabayan ang Kababaihan, “special women” ang tawag nila sa mga kababaihan na ganito ang trabaho. Tinututukan din nila ang mga menor de edad na makabalik sa pag aaral. “Mayroon kami ka partner na agency na makakatulong sa kanila na mabigyan ng trabaho kung ayaw na nilang maging hospitality workers at gusto ng manirahan sa Batangas City.” Ayon pa rin kay Aguila, sa tulong ng kanilang programa ay marami na rin ang nakapagtapos ng pag-aaral sa pamamagitan ng Alternative Learning System o ALS, ang iba naman ay nakapag- asawa ng taga rito sa lungsod at may pamilya na habang ang iba naman ay mayroon ng negosyo. (PIO Batangas City) (PIO Batangas City) Maraming salamat sa patuloy na suporta at tiwala-Cong. Mariño Lubos ang pasasalamat ni Congressman Marvey Mariño sa mga mamamayan ng Batangas City sa malaking suporta at pagtitiwala nila sa kanilang dalawa ni Mayor Beverley Rose Dimacuha, dahilan marahil kung kayat walang humamon sa kanilang reelection bid sa May 2019 elections. “Hindi po ako makatulog iniisip ko ang lahat ng dapat pasalamatan, gusto ko ipaalam sa lahat na appreciated namin ang pagtitiwala ninyo. Malamang ay dama ninyo ang aming pagsisikap para sa lungsod, at gusto rin sigurong ipagpatuloy namin ang mga proyekto, social services, infrastructures at iba pa. We can concentrate now sa iba pang gawain,” pagdidiin ni Cong. Mariño. Sinabi niya na ngayong wala silang haharaping kalaban sa May 15 elections, pagtutuunan nila ng pansin ang mga dapat na labanan kagaya ng kahirapan, kamangmangan at kriminalidad, kung kaya’t tuloy tuloy sila ni Mayor Beverley sa pagsusulong ng mga proyekto. “Halos lahat ng kalsada ng sa Poblacion ay naipagawa na, isusunod na natin ang sa mga pa bukid na barangay,” dagdag pa niya. Inaasahan niya na matatapos ang konstruksyon ng 3rd Calumpang bridge sa Disyembre at posibleng madaanan sa Enero. Tapos na rin ang konstruksyon ng Market III (Bagong Palengke) at ayon sa kahilingan ng mga magtitinda ay pagkatapos na ng piyesta sila lilipat. Tuloy tuloy rin ang konstruksyon ng Startoll to Pinamucan Bypass Road na isa sa mga partnership projects nila ni Mayor Dimacuha. May program design na rin para sa konstruksyon ng fly over sa may rotunda ng Barangay Balagtas kung saan wino work out na nila ang pondo para dito. Natutuwang binanggit ni Cong . Mariño ang maraming nakatayong negosyo ngayon sa diversion road. Naging mabilis aniya ang development sa lugar na ito simula ng maitayo ang Grand Terminal. Mayroon na ditong bagong mall, fast food chains, stores at nagiging isang food hub. May mga dinidesenyo o bubutasing bagong kalsada dito aniya para madaanan ng mga maliliit na sasakyan at mapaluwag ang daloy ng trapiko sa lugar at ilan pang kalsada sa lungsod. Ibinalita rin ni Cong. Mariño na tumaas pa ang investments sa lungsod, patunay ng pagiging business- friendly ng Batangas City kung saan sinisikap ng pamahalaang lungsod ng maging madali ang pagtatayo ng negosyo dito sa pamamagitan ng enhanced services ng Business One Stop Shop. Ayon sa City Planning and Development Office, umabot sa P6.9 billion ang pumasok na investments sa Batangas City noong 2017 kung saan ang mga malalaking proyekto ay large at medium industries at real estate. Ito ay malaking paglago kumpara noong 2016 kung saan mayroon lamang P959.4-million investments. (PIO Batangas City)