OPINYON
October 31-November 6, 2018
Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na
inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT:
Sinag Publishing & Printing Services, National
Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos.
(049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee:
One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial
Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER:
Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI)
/ Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L.
Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane
Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria
Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out
Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal
Consultant. email add: [email protected] &
[email protected]
Ni Teo S. Marasigan
Guerrero’s war
“HIS EXPERIENCE INDICATES THAT REFORMING THE AGENCY
ALSO DEPENDS ON OUTSIDE FORCES LIKE THE COURTS.
Corruption, smuggling and drug trafficking rolled into one seemed too
overwhelming a challenge to surmount for two Bureau of Customs (BoC)
chiefs President Rodrigo Duterte had earlier appointed to lead the agency
that they got the boot one after the other.
Former BoC Commissioner Isidro Lapeña got embroiled in the same shabu
smuggling scandal that forced his predecessor Nicanor Faeldon to resign in
August last year.
Lapeña was transferred to the Technical Education and Skills Development
Authority recently after an estimated P11-billion worth of shabu slipped into
the country through the Manila International Container Port (MICP) in July
this year. Lapeña was tagged for his alleged failure to stop the release of four
imported magnetic lifters where the contraband was hidden.
It was strikingly similar to the May 2017 incident when P6.8 billion worth
of shabu slipped through the MICP during Faeldon’s watch. His belated
discovery and bungling attempt to recover the drugs led to his replacement
by Lapeña.
Now, the onus of ending corruption and thwarting drug smuggling rests
on the shoulders of former Chief of Staff and Philippine Army Gen. Rey
Leonardo Guerrero as the new Customs commissioner.
The obvious question is: Will he be able to do it or will he plunge down the
same abyss of ignominy as Lapeña and Faeldon did?
Certainly, it will not be a walk in the park for the general as he is thrust
into a totally new battlefield and against enemies who have the advantage of
knowing the terrain of graft and plunder. The pressure mounts even more as
his personal failure can disgrace not only himself but include as collateral
damage the President and his crusade against corruption.
Guerrero will not only be dealing with corrupt BoC employees, smugglers
and drug traffickers.
That’s only half of his job. The other half, and equally important part, is to
meet revenue collection targets of more than half a trillion pesos every year.
Import duties and tax collection in 2017 were 12 percent higher than in 2016
at P444 billion but they fell short of that year’s target of P459.6 billion. For
2018, the BoC has to collect P637.1 billion in revenues.
The new commissioner will need all the “firepower” he can muster to avoid
getting added in the list of 20 past BoC heads who excelled in the area of
revenue collection only to lose the war against thieves in the agency who
have grown in number and sophistication over the last three decades.
These crooks have managed to breach the anti-corruption defenses the BoC
has employed, including the use of modern technologies like computers and
X-ray machines.
Worse, smugglers and drug traffickers have joined forces to flood the streets
with meth, resulting in millions of addicts and potential criminals.
All strategies and tactics adopted in the bid to curb smuggling and corruption
at the agency all seemed to have failed. If Guerrero falters, the only solution
left may be the abolition of the BoC.
“IT WILL NOT BE A WALK IN THE PARK FOR THE GENERAL AS HE
IS THRUST INTO A TOTALLY NEW BATTLEFIELD.
In fact, as early as 2013 former Customs Commissioner Ruffy Biazon
proposed the abolition of the agency and the privatization or automation of
Customs operation and services.
Biazon attempted to automate one Customs procedure but employees went
to court to stop it because it purportedly threatened their job security. The
court shot down Biazon’s administrative order implementing the automated
procedure.
His experience indicates that reforming the agency also depends on outside
forces like the courts.
“Corrupt officials have no place in the government service. The marching
order of the President is simple, push genuine reform at the bureau,” reports
quoted Guerrero as telling reporters in his first day at Customs.
Lapeña, a former police general and Philippine Drug Enforcement Agency
chief, declared he will stop corruption at the agency when he assumed the
post last year.
Whether or not Guerrero will succeed in the campaign against corrupt
Customs officials and avoid another shameful exit like what happened to
Lapeña remains to be seen.
Guerrero’s war has just begun.
Ilang Pariwarang Punto Tungkol kay Sir Nic
(1)
Natuwa ako sa entri sa blog ng isang
Jen Rosello Buenaventura. Sabi niya,
sa ilalim ng isang larawan ni Sir Nic
na nagtatalumpati: “Ganito ko gustong
maalala si Sir Monico – maganda ang
pangangatawan,
pa-speech–speech
at
tumatakbo-takbo
kasama
ang
sangkatibakan.” Naipapahaging kasi
nito kung paanong, kapag malamig ang
ulo niya, puwedeng biruin si Sir Nic
sa mga ginagawa niya. Matatag siya sa
paninindigan, at handang makipaglaban
para rito. Pero may paraan siya ng
pagdadala sa sarili niyang pag-aambag
at pagpapayaman sa gawain na masaya,
palabiro at mapagkumbaba.
(2)
Sabi ni L, na nagpapakilalang “abang
recruit” sa Kabataang Makabayan ni Sir
Nic, noon pa man ay mainitin na ang ulo
at palataas na ang boses ni Sir. Bilang anak
ng isang Batangueña, naisip ko: Hindi ba’t
natural iyon, dahil galing siyang Cuenca?
Sabi naman ni B, maaari. Pero tiyak siyang
lalong napatindi ito ng tortyur na dinanas
ni Sir sa kamay ng militar noong panahon
ni Marcos. Pero nagtataka si M. “Sabi nga
nila, may ganyan siya,” aniya. “Pero ako,
kahit kailan, hindi ko narinig o nakitang
magtaas ng boses si Nic. Never.” Marahil,
sabi nga niya sa ibang pagkakataon,
“Maybe you have to be beautiful.”
Tuwing napag-uusapan siya,
tumatampok ang mga katangiang ito ni
Sir Nic. Siguro, may mga taong para
makakilala ng tao ay kailangang makakita
ng kahinaan, gaano man kaliit. Siguro,
may mga taong naghahanap ng kakaiba
sa pagkatao ni Sir Nic, at ito na lamang
ang kinakayang masumpungan. O, siguro,
kailangan lang ipaliwanag ang alam na
naman ng marami. Isang beses ko lang
nakitang hindi maganda ang timpla niya.
Minsan, kumatok ako sa pinto niya.
Pagbukas, parang may kinakatakutan
siyang kung anong halimaw sa loob na
hindi niya makontrol. Galit niya akong
itinaboy papalayo.
(3)
Pero sa pangkalahatan, para siyang
karinderyang bukas sa lahat ng gustong
kumain – basta’t hindi bumabanat
sa Kaliwa. Alam na ito ng marami:
nagpapahiram ng kanyang mga libro,
nagbebenta ng mga librong progresibo
sa presyong kasama, nagpapaunlak
ng mga interbyu, sumasagot sa kung
anu-anong pagtatanong basta’t alam
niya ang sagot – nakikinig, nagpapayo,
nakikipaghuntahan. May kakilala akong
nagsabing nagsimula niyang “mahalin”
si Sir Nic noong kinausap siya nito noong
nakita siyang umiiyak sa Faculty Center.
Hiniwalayan siya ng boyfriend niya –
mababaw na problema.
Sa
ibang
tao,
laging
sinusundan ang “Tutulungan kita sa kahit
anong problema” ng “basta huwag lang
pera”. Pero si Sir, nagsilbing guarantor ng
maraming estudyanteng hindi makabayad
ng matrikula. Marami rito ang aktibista.
Ayon kay K, na nakakita sa listahan,
may isang naroon na napatay ng militar
sa isang engkuwentro sa New People’s
Army. Hindi natin alam kung saan napunta
ang iba. Totoong laging nagtatanung-
tanong si Sir Nic kung nasaan ang kung
sinong estudyante. Kapag tinanong kung
bakit, idinadaing niyang mahihirapan
siyang makuha ang mga benepisyo niya
sa retirement.
(4)
Minsan na ring nasabi ni Sir Nic sa isang
panayam ang nangyari sa relasyon nila
ng dati niyang asawa. Hindi naman daw
siya hiniwalayan nito habang nakakulong
siya. Naghintay naman daw ang dati
niyang asawa ng ilang minuto pagkalaya
niya bago siya hiniwalayan. Mahinahon
at masiste, hindi histerikal, ang pait sa
pagkakakuwento niya. Kahit masakit
ang pinagdaanan niya sa pag-ibig, hindi
nahadlangan si Sir Nic na makisalo
sa ligaya ng ibang nagmamahalan.
Nakikitukso siya, nakikibiro, nakikibalita.
Ang alam ko, madali siyang pumayag
kapag naimbitahang maging ninong sa
kasal.
“Alam ba niya ang hangganan
ng kanyang pagnanasa?” tanong ni Edel
E. Garcellano, kaibigan ni Sir Nic, sa
tula. Paminsan-minsan, nagkakaroon ng
bulung-bulungan na may kung sinong
marikit ang nagugustuhan ni Sir. Kung
sina MLM ang guro niya sa pulitika,
walang dudang si Pablo Neruda ang tinig
ng puso niya. Hindi ko alam ang kanyang
buhay-pag-ibig, pero mahihinuhang
romantiko siya. Siya iyung tipong
magbibida, kinikilig-kilig pa, ng mga
diga, sulyap at haplos niya sa minamahal.
Pakiramdam niya, pasimple at suwabe
lang ang ginawa niya, gayung style mong
bulok naman talaga.
(5)
Nabasa ko sa kung saan na gusto ni
Bertolt Brecht, marxistang makata at
mandudula, na maalala bilang lumikha
ng magagandang panukala. Ganoon si
Sir Nic. Anong magandang gawin sa
kampanyang masa, anong magandang
anggulo ng propaganda, anong magandang
moda ng paggawa – lagi siyang may
panukala. Sariwa lagi ang mga pandama
niya sa bago. Laging kongkreto ang suri
niya sa kongkretong sirkumstansiya.
Masaya at mapang-akit niyang inilalahad
ang mungkahi niya, hindi kailanman
pasumbat at mapagmataas – wala siyang
kaisipang beterano. Hindi siya bastos
kahit palatawa.
Mahigpit ang gagap niya kina
Marx, Lenin at Mao, habang kami noo’y
nagpapanggap na ganoon din bagamat
mas sumeryoso kina Althusser, Foucault
at mga alagad ni Derrida. Kongkreto
kaya’t malinaw ang pagbasa niya sa mga
sitwasyon, habang kami noo’y kung
anu-ano pa ang iniisip at konsiderasyon.
Simple lamang kung gayon ang
naiisip niyang mga tungkulin, habang
pinapakumplika pa naming lagi noon ang
mga bagay-bagay. Pang-araw-araw na
huntahan ang laging tono ng pagsasalita
niya, habang mahilig kami sa mga sound
byte sa pananalita at sa kung anu-anong
borloloy at buladas sa binabasa.
(6)
Bukod pa rito, sa isang banda’y iba ang
hinahanap namin noon. Siya, gustong
kabigin at organisahin ang marami. Kami,
nawiwili sa paglalantad sa kabulukan
at reaksiyunaryong katangian kahit ng
kinikilalang progresibo ng marami.
Interesado siyang magbuo ng mga
tulay; gusto naming pagsusunugin ang
mga ito. Siya, gustong maunawaan ng
marami. Kami, naghahanap ng malalim
at misteryoso, sa akalang naroon lang
ang hinahanap na talas at talino. Nakinig
kami, at tumalima rin. Pero hindi namin
siya nabigyan ng angkop na halaga. Hindi
namin lubusang ninamnam at ginagap ang
panahong kasama siya.
Pero ngayon, sa kung anong
misteryo, tinatahak namin ang buhay na
katulad at hinawan ng buhay niya – hindi
ang buhay ng mga natagpuan namin
noong iba ang hinahanap namin. Ngayong
handa na kaming makinig – at alam namin
noong darating ang panahong ito – bitin
na. Ito siguro ang dahilan kung bakit
naiyak ako noong marinig ko ang isang
kantang baduy, pero sa ilang bahagi’y
angkop. “Leader of the Band”:
The leader of the band is tired
And his eyes are growing old
But his blood runs through my instrument
And his song is in my soul
My life has been a poor attempt
To imitate the man
I’m just a living legacy
To the leader of the band
I thank you for the music
And your stories of the road
I thank you for the freedom
When it came my time to go
I thank you for the kindness
And the times when you go tough
And Papa, I don’t think I said
“I love you” near enough
Hindi ko tatay si Sir Nic.
Nakakapanliit sabihing magkawangis ang
buhay naming dalawa. Hindi rin naman
katapatan sa isang tao ang nagtutulak sa
ating itaguyod ang progresibong pulitika.
(Sabi sa ibang bahagi ng kanta, “For they
heard another call…”) Pero ginagawang
mas buhay ng buhay ni Sir Nic ang
pagsusulong ng progresibong pakikibaka.
Dahil sa kabutihan at kadakilaan niya,
napakasarap isiping naglilingkod ang ating
paglaban hindi lamang sa sambayanan
at mga layuning pampulitika, kundi sa
pagbibigay-pugay at pagpapatuloy sa
buhay at pakikibaka ng mga taong katulad
niya.
Tunay na inspirasyon kung
paanong pinanday siya para maging
mabuti at makatao ng pakikibakang
pinanday niya. Nahihikayat tayong
magpunyagi, dahil nahubog siya,
sa kalakhan, ng pakikibaka para sa
pagbabago. Halina! Tayo nang lahat at
magpahulma.
Nagpapasalamat, nagpupugay
at namamanata kami, hindi man niya
marinig ngayon.
12 Disyembre 2007