Tambuling Batangas Publication October 24-30, 2018 Issue | Page 8
Pathetic antics... p. 4
The Best
Choice for
Design &
Quality
VOLUME XLI
No. 44
October 24-30, 2018
P6.00
For quotation
requests, please
contact us at
(049) 834-6261
or email us at
sinagprinting@
gmail.com
BADAC palalakasin sa gera kontra droga
BATANGAS CITY- Upang mas
mapalakas ang kampanya laban
sa ilegal na droga, sumailalim sa
Capability Enhancement Seminar ang
mga miyembro ng Barangay Anti Drug
Abuse Councils (BADAC), October
10, sa Batangas City Convention
Center sa pagtataguyod ng Office of
the Mayor at pakikipagtulungan ng
city Department of Interior and Local
Government (DILG), Philippine
Drug Enforcement Agency (PDEA)
at Batangas City Police.
Mahalaga ang papel ng
BADAC sa pagsugpo ng droga
sapagkat sila ang itinuturing na nasa
“first line of defense” at siyang unang
nakakaalam ng sitwasyon sa kanilang
lugar.
Sa kasalukuyan ay may
BADAC na ang lahat ng 105 barangay
sa lungsod kung saan ito ay binubuo
ng barangay chairman, secretary,
barangay councilors na miyembro ng
Committee on Peace and Order at ang
SK chairman.
Sa mensaheng ipinaabot
ni Mayor Beverley Rose Dimacuha
na kinatawan ni Community Affairs
Office Supervising Administrative
Officer Manolo Perlada, sinabi niya
na importante ang mag karoon ng
anti-drug abuse council ang isang
barangay dahilan sa sila ang unang
makakaalam at makakaresponde sa
mga drug activities sa kanilang lugar.
Sinabi rin niya “na sa pamamagitan
ng seminar na ito, pinapalakas natin
ang BADAC. Dito muli po natin
pag-aaralan ang inyong tungkulin na
magplano, gumawa ng estratihiya,
magpatupad at suriin ang mga
programa at proyekto hinggil
sa pagsawata sa drug abuse sa
barangay.”
Kabilang sa tinalakay ang
City Drug Situation kung saan sinabi
ni P/SUPT. Sancho Celedio, acting
chief of police ng lungsod na seryoso
ang kapulisan sa kampanya laban
sa droga. “Sinisikap po ng ating
pamahalaang lungsod na mabigyan
ang bawat isang mamamayan natin
ng malawak na pang-unawa sa
droga at ang masamang dulot nito.
Hindi lamang po mga kabataan ang
nais nating bigyan ng pansin sa
ating kampanya kundi maging ang
kanilang mga magulang na dapat na
magsilbing gabay nila.”
Binigyang diin rin niya
ang kahalagahan ng pamilya,
pagpapamulat ng iba’t ibang core
values at tamang parental guidance
upang maiiwasan ang drug abuse sa
mga kabataan.
Ipinaliwanag ni Mylene
Follero ng DILG ang tungkol sa
Legal Basis, Objectives, Composition
and Functions of ADAC habang
Barangay Drug Clearing Program
naman ang tinalakay ni Mary Ann
Lorenzo ng PDEA Region iV-A.
Ayon
kay
Lorenzo,
kailangang may documentation o
record ang BADAC ng mga drug
personalities, drug surrenderers,
rehabilitation program para sa mga
drug surrenderers at iba pang reports.
Dito rin ibabase sa mga records na
ito ang pagbibigay ng certification ng
PDEA at barangay bago madeklarang
drug-cleared na ang isang barangay.
(PIO Batangas City)
Scholarship
Allowance
Distribution
Photo: Luigi Miguel Comia – PIO CAPITOL
BATSTATEU overall champion sa 4th
STRASUC culture and arts festival
TINANGHAL na over all champion
ang Batangas State University
(BatStateU) sa katatapos na Culture
and Arts festival ng 4th Southern
Tagalog Regional Association of
State Universities and Colleges
(STRASUC) na ginanap noong
October 2-5 sa Laguna State
Polytechnic University Campus, San
Pablo Laguna.
Ang BatStateU ay nag
champion sa pagsulat ng sanaysay,
on- the- spot poster making, pencil
drawing, vocal solo ng kundiman,
chorale, short and sweet play
(musical), festival king and queen.
Nanalo rin ang BatStateU
bilang 1st runner up - contemporary
dance, short and sweet play
(standard), quiz bowl, instrumental
solo, 2nd runner up- painting,
charcoal rendering, vocal solo, pop
solo at folkdance.
Ang
delegasyon
ng
BatStateU ay pinangunahan ng
president nito na si Dr. Tirso
Ronquillo, at ni Prof. Cecil
Dimasacat, director for Culture and
Arts.
Nakuha naman ang overall 2nd place
ng Southern Luzon State University
ng Quezon, 3rd ang Palawan State
University, 4th ang Cavite State
University, at 5th ang University of
Rizal System.
Ang lahat ng mga nag
kampeon sa buong Calabarzon
at Mimaropa ang kakatawan sa
Region IV sa isasagawang national
competitions sa November 27-30 sa
Davao City. (PIO Batangas City)
Enomoto Philippine MFG. Inc., nagsagawa
ng Fun Run 2018 para sa mga manggagawa
BY: KATHRYN ARLAN
About 900 EBD scholars
from Paharang, Libjo, Gulod
and Sta. Rita National High
Schools receive their scholarship
allowances from Mayor Beverley
Dimacuha and Cong. Marvey
Mariño, Friday. The scholars
directly encashed the check from
the bank representatives who
were invited by the mayor.
NAGKAROON ng Fun run
2018 ang isa sa mga kumpanya
ng Cavite, ang Enomoto
Philippine MFG. Inc., na may
temang “Accident Prevention and
Wellness” ika-6 ng Oktubre sa De
La Salle University Track Oval.
Nagsimula ang fun run
bandang alas 4 ng umaga kung
saan nagtipon-tipon ang lahat ng
mga manggagawa ng nasabing
kumpanya.
Ayon kay Ms. Rich
Punsidido, isa sa mga organizer
ng aktibidad, “Initially, the
purpose of this fun run activity
is for the employees that have
increased in weight and have
problem po in blood pressure. So
our safety committee po together
with HR conducted and have
discussed that we should have the
health and wellness activity.”
Ayon pa sa kanya ay
ito ang kauna-unahang fun
run activity na isinagawa ng
kumpanya.
Mayroong
tatlong
kategorya ang nasabing activity,
ang 3k run, 1k run, at 400-m fun
walk.
Sa bawat kategorya
ay may tatanghaling tatlong
mananalo
kung
saan
makakatanggap sila ng cash prize
at certificates.
Nagkaroon
rin
ng
Sundan sa pahina 2..