Tambuling Batangas Publication October 17-23, 2018 Issue | Page 3

BALITA October 17-23, 2018 2nd Batangas Convergence Congress, Idinaos Huwarang... ng Liwanag, Kagalakan ng Pag- ibig”. Binigyan ng parangal sa okasyon ang mga huwarang pamilya sa iba’t-ibang bayan at lungsod sa Batangas Province na magsisilbing modelo sa ibang mamamayan dahil sa pagpapakita ng mabuting halimbawa, hindi lamang sa kanilang sariling tahanan, kung hindi pati na rin sa kanilang pamayanang nasasakupan. Kinilala bilang Huwarang Pamilya 5th Placer sina Mr. Lamberto Abacan at Mrs. Teodora Abacan ng Brgy. Conde Labac, Batangas City na naguwi ng Php10,000.00. Nakuha naman nina Mr. Florencio Encarnacion at Mrs. Erlinda Encarnacion ng Brgy. Sampaloc, Talisay, Batangas ang 4th Place na may mula sa pahina 1 halagang Php15,000.00. 3rd Place naman ang pamilya nina Mr. Manuel Carandang at Mrs. Felisa Carandang ng Brgy. Banjo East Tanauan City, Batangas na naguwi ng Php20,000.00. Ang pamilya nina Mr. Julie Ticatic at Mrs. Carmelita Ticatic ng Brgy. 1, Mataas na Kahoy, Batangas ang naging 2nd Placer at naiuwi ang halagang Php25,000.00 Itinanghal naman bilang 1st Place at nakakuha ng titulong Huwarang Pamilyang Batangueño 2018 sina Mr. Mansueto Camilan at Mrs. Eva Camilan na nagmula sa Brgy. San Isidro, Taysan, Batangas at nagkamit ng premyong Php30,000.00. Sa naging panayam ng radio program na B’yaheng Kapitolyo kay Reverent Gregorio V. Aguila, Jr. pangulo ng Pamilyang Huwaran sa Lalawigan ng Batangas Incorporated (PHLBI), nagsimula ang Huwarang Pamilya sa lalawigan noong taong 1995 sa ilalim ng unang termino at panunungkulan ni Gov. Dodo Mandanas. Ito ay binuo katulong ang mga kinatawan ng iba’t- ibang pribadong sektor at ahensya ng gobyerno kung saan ang layunin ay makahanap sa mga bayan at lungsod ng mga pamilyang magsisilbing ilaw at asin upang maging modelo sa mga mamamayan na magsikap na mapalakas at mapanatiling matatag ang kanilang mga pamilya tungo sa isang mapayapa, maunlad at higit sa lahat naka sentro sa Panginoon na lipunan. – Mark Jonathan M. Macaraig, Batangas Capitol PIO Tulong Pinansyal Ipinabot sa mga Pamilyang Apektado ng Relokasyon sa San Juan 92 pamilya ang nakatanggap ng tulong pinansiyal mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas, na magagamit sa pagpapagawa ng kanilang bahay sa Sitio Balacbacan, sa Brgy. Laiya Aplaya, San Juan noong ika-2 ng Oktubre 2018. Photo: Macc Ocampo – Batangas Capitol PIO BINIGYAN ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ng pinansiyal na ayuda ang mga apektadong pamilya na napaalis sa isinagawang demolisyon ng kanilang mga bahay na nakatirik sa isang pribadong lupain sa Brgy. Laiya Aplaya, San Juan noong ika-2 ng Oktubre 2018. Taong 2014 nang magkaroon ng notipikasyon ng paglisan ang nasabing mga pamilya dahilan sa ang tinitirikang lote ng kanilang mga bahay ay sasailalim sa isang proyekto at magsasagawa ng demolisyon ng mga illegal na istraktura dito. Sa pakikipag-ugnayan ng Provincial Government of Batangas, sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office, tinipon ang mga apektadong pamilya sa San Juan Gym kung saan ang mga ito ay hinarap at taos pusong kinausap ng mga lokal na opisyal ng lalawigan sa pangunguna ni Batangas Governor Dodo Mandanas at San Juan Mayor Rodolfo Manalo. Para sa kapakanan ng mga apektadong pamilya, bumili ng lote sa Sitio Balacbacan sa 2nd Batangas Convergence Congress, Idinaos ALINSUNOD sa layunin ng Pama- halaang Panlalawigan ng Batangas na gawing mas produktibo ang mga mamamayang Batangueño at mas mapabuti ang kanilang pamumuhay, idinaos ang 2nd Batangas Conver- gence Congress, sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Devel- opment Office (PSWDO) na pinamu- munuan ni Gng. Jocelyn R. Montalbo, na may temang “Negosyo at Trabaho: Garantisadong Pag-unlad at Pagbaba- go” noong ika-25 ng Setyembre 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City. Ang nasabing congress ay dinaluhan ng mga benepisyaro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Pro- gram (4Ps) kasabay ang pagbibigay karangalan sa Sustainable Livelihood Program (SLP) Graduates. Ang programa ay binuo ng accomplishment reports ng PAC at PAT Batangas na inilahad ni G. Donards Kim Tañedo, dating Provin- cial Action Team Leade, pagpapakita ng Balisong 2018 at paglulunsad ng KaMUSTA Mobile App kasama na rin ang mga mensahe mula kina DSWD IV-A Regional Director Annie E. Men- doza at National Program Manager on Sustainable Livelihood Program Marife De Leon. Kaugnay dito, nagsagawa ng employment facilitation na pinan- gunahan ni G. Bobby Genato, manager ng Skills Training and Development MDC at G. Rolly Pambustan, HR Supervisor ng DMCI. Lubos na ikinatuwa ni Gov. Dodo Mandanas ang mga pagsisikap na mas pagbutihin ang mga program- ang pangkabuhayan sa lalawigan. Aniya, sinasabi nating napakayaman ng Batangas at dahil dito, nais niyang mapaabot ito sa mga mamamayan sa pamamagitan ng sariling sikap na may tulong mula sa livelihood programs ng pamahalaan sa pakikipag-uganayan hindi lamang sa PSWDO kundi pati na rin sa Provincial Coopera- tive, Livelihood and Entrepreneurial Development Office (PCLEDO) na pinamumunuan ni Gng. Celia Atienza. Binigyang diin din ng ama ng lalawigan na noong siya ay umupo bilang gobernador ay mayroon lamang isang libong mga iskolar. Ngayong taon ay naging 22,000 na mga educa- tional assistance beneficiaries at ina- asahang sa susunod na taon ay aakyat pa ito sa mahigit kumulang na 30,000. Nagtampok din ng mga testimonya mula sa mga piling be- nepisyaryo ng 4Ps sa pamamagitan ng isang audo visual presentation. – Marinela Jade Maneja, Batangas Capitol PIO Batangueño Math Wizards, Namayagpag sa Ibang Bansa KINILALA ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas, ang mga Batangueñong mag-aaral na namayagpag sa larangan ng Matematika sa loob at labas ng bansa noong ika-1 ng Oktubre 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City. Mga mag-aaral ng De La Salle Lipa ang mga kabataang Batangueño na nagwagi sa mga bansang South Korea, Bulgaria at Singapore kamailan lang at nagbigay ng dangal at karalangan sa Lalawigan ng Batangas maging sa Pilipinas. Kabilang sa mga nagwagi sa 2018 World Mathematics Invitational (WMI) na ginanap sa South Korea at nagkamit ng gintong medalya si Harry Gerard Perez. Nag- uwi naman ng pilak na medalya sina Gian Miguel Barte, Francis Solatorio, Aiden Jomiel Robles, Maria Alessandra Silvederio, Immanuel Gerard Quinto, Gilliene Nicole Urrea at Aecus Mendoza; samantalang nakakuha ng tansong medalya sina John Zedrick Macahia, Chzean Klyde Espiritu, Brian David Metrillo, John Paul Titular, Alonzo Alvarez at Alex Anthony Andal. Nagwagi naman sa 2018 Singapore International Mathematics Olympiad (SIMOC) sina Aecus Mendoza, na silver medallist, habang sina Gabriel Garcia, Miguel Sandoval at Zandre Bustria ay nakakuha ng tansong medalya. Sa bansang Bulgaria ginanap naman ang 2018 Mathematics Without Borders (WMB), kung saan naiuwi ni Harry Gerald Perez ang Golden Cup Award, at nakakuha ng pilak na medalya si Angelo Vince Perez. ✎: JHAY ¬JHAY B. PASCUA, Photo: Luigi Miguel Comia – Batangas Capitol PIO nabanggit ding barangay ang lokal na pamahalaan ng San Juan na paglilipatan ng mga ito. Sa kasalukuyan, tinatayang nasa 92 pamilya, mula sa 183 na nakatala, ang nakatanggap ng tulong pinansiyal na maaari nilang magamit sa pagpapagawa ng bahay sa Sitio Balacbacan. Magkatuwang na ipinamahagi nina Gov. Mandanas at Mayor Manalo ang ayuda mula sa pamahalaang panlalawigan na kinapapalooban ng halagang limang libong piso at sampung libong pisong halaga ng mga construction materials, kabilang ang semento at hollow blocks, na magagamit ng mga residente sa pagsasaayos ng kanilang tahanan. – Edwin. V. Zabarte, PIO Batangas Capitol