Tambuling Batangas Publication October 17-23, 2018 Issue
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
Seaweeds farmers sa Looc... p.5
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
1st Regular Assembly Meeting
ng Panlalawigang Liga ng
mga Barangay, Idinaos p. 2
Kandama Revives the
Power of Weaving p. 5
2nd Batangas Convergence
Congress, Idinaos p. 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLI
No. 43
October 17-23, 2018
P6.00
Batangueños’ Assistance and Social
Involvement during Calamities, Isinulong
NAGSAMA-SAMA ang lokal
na pamahalaan, kabalikat ang
Simbahang Katolika at pribadong
sector, nang buong pagkakaisang
lagdaan ang Memorandum of
Agreement para sa Project BASIC o
Batangueños’ Assistance and Social
Involvement during Calamities
sa isang pagtitipon sa St. Mary
Euphrasia Parish, Kumintang Ilaya,
Batangas City noong ika-25 ng
Setyembre 2018.
Hangad ng Project BASIC
na mabigyan ng pagsasanay ang
mga church personnel, volunteers at
mga pari sa mga wastong hakbang
at pagtugon sa mga oras na may
emergency at disaster. Naniniwala
ang mga stakeholders ng proyekto
sa kahalagahan ng kasanayan at
kahandaan ng komunidad upang
makakilos at makatugon ng tama
kapag may sunog, bagyo at iba
pang kalamidad, sa harap ng mga
pagbabago sa kapaligirang dulot ng
climate change.
Lumagda sa MOA sina
Governor Dodo Mandanas ng
Provincial Government of Batangas;
Batangas City Councilor Armando
Lazarte, kinatawan ni Mayor Beverly
Rose Dimacuha ng City Government
of Batangas; Batangas City Councilor
Oliver Macatangay, kinatawan ni
5th District Congressman Marvey
Mariño; at Bureau of Fire Protection
Batangas City Acting Fire Marshall
@Insp. Eleine Evangelista, sa bahagi
ng pamahalaan; Archdiocese of Lipa
Archbishop Gilbert Garcera at Lipa
Archdiocesan
Social
Action
Commission Director Rev. Father
Jayson Siapco para sa Simbahan;
at First Gen Corporation President
and Chief Operating Officer Francis
Giles Puno para sa pribadong sektor.
– Vince Altar – Batangas Capitol PIO
P3 Milyon Loan Assistance
Ipinaabot sa Koop Batangan
PINAGKALOOBAN ng P3
Milyong loan assistance ang
Koop Batangan Multi-Purpose
Cooperative, ang kooperatiba
ng mga kawani ng Pamahalaang
Panlalawigan ng Batangas,
ng Provincial Cooperative,
Livelihood
and
Enterprise
Development Office (PCLEDO)
noong ika-isa ng Oktubre 2018
sa
Provincial
Auditorium,
Batangas City.
Ang nasabing financial
assistance ay iginawad ni Gov.
Dodo Mandanas, PCLEO Dept.
Head Celia Atienza at mga
miyembro ng Sangguniang
Panlalawigan
kina
Koop
Batangan
MPC
General
Manager Dr. Amante A. Moog
at Board of Directors members
Rowenia Calayan at Provincial
Budget Officer Victoria B.
Culiat.
Planong
gamitin
ng
nasabing
organisasyon
ang natanggap na ayuda sa
pagpapalago
ng
negosyo,
partikular ang loan business nito
upang mas mapadami pa ang
matulungang miyembro na may
pangangailangang
pinansyal.
Eric Arellano ✎ Louise Mangilin
– Batangas Capitol PIO
Kapit-bisig sa Batangas Province. Magkakasama ang lokal na pamahalaan, Simbahang Katolika at pribadong sector sa paglagda sa Memorandum of
Agreement para sa Project BASIC o Batangueños’ Assistance and Social Involvement during Calamities noong ika-25 ng Setyembre 2018 sa St. Mary
Euphrasia Parish, Kumintang Ilaya, Batangas City. Photo: Macc Ocampo – Batangas Capitol PIO
4th Regional Organic Agri
Congress, Isinagawa sa Batangas
Capitol
ISINAGAWA ang 4th Regional
Organic Agriculture Congress,
sa pangunguna ng Department
of Agriculture Region IV-A
katuwang ang Pamahalaang
Panlalawigan ng Batangas, sa
pamamagitan ng Provincial
Agriculturist’s Office, noong
ika-28 ng Setyembre 2018 sa
Provincial Auditorium, Capitol
Compound, Batangas City.
Naging punong abala
sina DA Regional Executive
Director Arnel V. De Mesa at
Batangas Provincial Agriculturist
Pablito A. Balantac sa Congress,
na may temang “ Organic
Agriculture, Advancing the Local
Food Culture Movement in the
Philippines.“
Bilang host sa taong
ito, pinangunahan ni Governor
Dodo Mandanas, katuwang
ang mga kawani ng Office of
the Provincial Agriculturist,
na salubungin at tanggapin sa
Provincial Capitol ng Batangas
ang mga at participants.
Kabilang
sa
mga
kalahok sa pagtitipon ang mga
natatanging
farm
workers,
agriculturists, farm groups, at
mga outstanding municipal,
provincial
and
regional
Agriculture
Focal
Persons
sa
isinagawang
Awarding
Ceremonies For the Regional
Organic Agriculture Achievers
Award and Regional Outstanding
Rural Women.
Naganap din sa pang
rehiyong pagtitipong ito ang mga
forum ukol sa organic agriculture
practices at nagkaroon din ng
mga agriculture exhibitors na
nagpakita at nagbenta ng kanilang
mga organikong produkto, tulad
ng gulay, prutas at dairy products.
Kabilang sa mga nakiisa
sa nasabing kongreso sina
Presidential Spokesperson Atty.
Harry Roque; Atty. Regina Reyes
Mandanas; Laguna Governor
Ramil Hernandez; Mayor Edna P.
Sanchez ng Sto. Tomas, Batangas;
Mayor Leni Adao ng Kalayaan,
Laguna; at si Vice Mayor
Jun Berberabe ng Batangas City.
✎ Bryan Mangilin, Luigi Comia
– Batangas Capitol PIO
Huwarang Pamilyang
Batangueño 2018, Kinilala
PAMILYA – Tanglaw ng Liwanag, Kagalakan ng Pag-ibig. Muling kinilala ng Pamilyang Huwaran sa Lalawigan ng Batangas
Incorporated o PHLBI, katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang paggagawad ng parangal sa mga Huwarang
Pamilyang Batangueño noong ika-24 ng Setyembre 2018 sa Batangas Pastoral Center, Basilica of the Immaculate Concepcion.
Nakamit ng pamilya nina Mr. Mansueto Camilan at Mrs. Eva Camilan na nagmula sa Brgy. San Isidro, Taysan, Batangas ang 1st Place
at titulo bilang 2018 Huwarang Pamilyang Batangueño. Kasama sa larawan sina Gov. Dodo Mandanas at PHLBI President Reverent
Gregorio V. Aguila, Jr. Photo: Karl Ambida – Batangas Capitol PIO
ALINSUNOD sa Proclamation
No. 60 of 1992, ang huling linggo
sa buwan ng Setyembre bawat
taon ay itinakda ng pamahalaan
bilang Family Week. Ang
taunang pagdiriwang ng Buwan
ng Pamilya ay isinasagawa upang
kilalanin ang Pamilyang Pilipino
bilang pundasyon ng bansa at
isang pangunahing institusyong
panlipunan.
Kaugnay nito, bilang
pakikiisa
ng
Pamahalaang
Panlalawigan ng Batangas,
muling isinagawa sa ika-23 taon
ang paggagawad ng parangal
sa mga Huwarang Pamilyang
Batangueño na ginanap noong
ika-24 ng Setyembre 2018 sa
Batangas Pastoral Center, Basilica
of the Immaculate Concepcion.
Ang
programang
ito ay taunang isinasagawa
sa pangunguna ng Provincial
Social Welfare and Development
Office (PSWDO) sa ilalim ng
pamumuno ni Gng. Jocelyn R.
Montalbo kung saan kinikilala
ang mga natatanging pamilya
sa lalawigan para sa kanilang
kagalingan at pagsisikap sa
kabila ng pagkakaroon ng mga
hamon at sa pagiging simple sa
pamumuhay.
Ang
naturang
pagdiriwang ay naka-sentro sa
temang “PAMILYA – Tanglaw
Sundan sa pahina 2..