Tambuling Batangas Publication October 10-16, 2018 Issue | Page 8

October pest... p. 4 The Best Choice for Design & Quality VOLUME XLI No. 42 October 10-16, 2018 P6.00 For quotation requests, please contact us at (049) 834-6261 or email us at sinagprinting@ gmail.com Gov. Dodo: COA Disallowance sa Pagpapagawa ng Simbahang Nasira ng Lindol, ‘Di Tama SINANG-AYUNAN ni Batangas Gov. Dodo Mandanas ang naging pahayag kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte na maraming limitasyon ang Commission on Audit (COA) pagdating sa delivery ng humanitarian assistance sa mga panahon ng krisis na nagiging sagabal sa pagtugon ng pamahalaan sa mga pangangailangan ng taumbayan. Nabanggit ng Batangas governor ang hindi pagkakaintindihan ng Malacanang at COA nang kanyang pasinungalinagn ang natanggap na Notice of Disallowance ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas noong Setyembre 10, 2018. Ang nasabing notice ay patungkol sa tulong pinansiyal at construction materials na ibinigay ng Kapitolyo para sa dagliang pagsasaayos ng Basilica San Martin de Tours (Taal), Minor Basilica ng Immaculate Conception (Batangas City) at Immaculate Conception Parish Church (Bauan), mga simbahang higit isang daang taon nang nakatayo at mga National Historical Landmarks, matapos ang earthquake swarms na tumama sa lalawigan noong Abril 2017. Paliwanag ni Gov. Mandanas, ang mga simbahan, bukod sa pagiging sentro ng pananampalataya, ay kabilang sa mga lugar kung saan nakikisilong ang mga tao sa panahon ng bagyo at iba pang sakuna, kung kaya’t marapat lamang na ipagawa agad ang mga ito. Ang nasabing paggagawad ng financial assistance ay isang legal at praktikal na pagkilos upang makatulong sa mga kababayan at sa mga institusyong kabalikat ng lokal na pamahalaan, kagaya ng simbahan, sa harap ng kalamidad na naganap noong panahong iyon. – Vince Altar – Batangas Capitol PIO Photo: Eric Arellano Batangas Provincial Hospitals As Economic Enterprise AS MANDATE of the Provincial Government to expediently deliver our devolved health services to all Batangueños and make quality health service universal, Governor Hermilando “Dodo” I. Mandanas as Chairperson of the Batangas Provincial Economic Enterprise Board (BPEEB), passed Resolution No. 05- 2018 converting the Lipa City District Hospital, Laurel District Hospital, and Apacible Memorial District Hospital as economic enterprise. Tapping the resources of the private sector to address the needs and solve the problems of the public, the Provincial Government of Batangas (PGB), through Provincial Ordinance No. 016-2017 entitled “Batangas Public-Private Joint Venture”, now accepts unsolicited proposals from the private sector, with negotiated terms subject to comparative proposals and general guidelines as follows: a. The PGB will accept unsolicited offers from private sector proponents (PSP) who are qualified and financially capable to administer hospitals; b. The PGB will commit ₱1B for Capital Outlay (land, building, equipment), while PSP will invest in Personnel Services (PS) and Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE); c. Batangas Provincial Hospital (BPH) personnel will remain as government employees and will still receive their salaries and benefits accordingly; d. The PSP will be responsible for all the damages its management may incur; e. The PGB will prepare the budget and its appropriation, with the PSP to implement. The Local Health Board (LHB), comprised of Governor Mandanas, Provincial Health Officer Dra. Rosvilinda Ozaeta, and Chiefs of Hospital of all BPHs, has adapted this Resolution on its meeting last September 19, 2018 and has started accepting proposals from private healthcare providers. As of today, the LHB received an unsolicited proposal from Nephro Synergies and is now subject to a 1-week evaluation and a 30-day preparation of terms of agreement. – Katrin Buted Congressman Marvey Marino sa Gintong Alab sa Silangan (Pearl of the Orient) sa Batangas City Sports Center Batangueño Medalists ng 12TH ASEAN Skills Competition 2018, kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas Sangguniang Panlalawigan ng Kapwa nagmula sa Lyceum of the Philippines University – Batangas sina Ryan Mejia at Mark Dave Perez na binigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas matapos magkamit ng Medallion of Excellence para sa Restaurant Service Category sa 12th ASEAN Skills Competition na ginanap sa Bangkok, Thailand noong August 26 – September 4, 2018. Ang mga Batangueño representatives ng Pilipinas ay naging katapat ng labing-anim na competitors mula sa mga bansa ng South East Asia. Ang nasabing patimpalak ay isa sa mga pinakamalaking vocational skills competition sa buong Timog- Silangang Asya kung saan mayroon itong dalawampu’t anim na professional skills categories na naglalayong makamit ang international standards. Ang kompetisyong ito ay isa ring malaking oportunidad sa mga kalahok upang malinang ang kanilang mga talento’t kakayahan sa mga napili nilang karera. Kasama ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Batangas, ginawaran ng sertipiko ng pagkilala sina Ryan at Mark Dave ni Gov. Dodo Mandanas kasama ang mga miyembro ng Batangas. Samantala, mas malaking oportunidad naman ang naghihintay para kina Mejia at Perez dahil naging kuwalipikado silang maging kalahok sa World Skills Competition 2019 na gaganapin sa Kazan, Russia. – JJBPascua/Batangas Capitol PIO World-class Batangueños. Binigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas, sina Ryan Mejia (kaliwa) at Mark Dave Perez (2nd mula kaliwa) ng Lyceum of the Philippines University – Batangas na nagkamit ng Medallion of Excellence sa Restaurant Service Category sa 12th ASEAN Skills Competition na ginanap sa Bangkok, Thailand noong August 26 – September 4, 2018. Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO