Tambuling Batangas Publication October 03-09, 2018 Issue | Page 4

OPINYON October 3-9, 2018 Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT: Sinag Publishing & Printing Services, National Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos. (049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee: One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER: Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI) / Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L. Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal Consultant. email add: [email protected] & [email protected] Ni Teo S. Marasigan Death Penalty on PH: NO or GO? Ni: John Christoper Lara WHEN talking about criminality on the Philippines, many citizens have become critical and assertive of their belief that certain punishments such as the death penalty are necessary and should be given to immediately solve this problem. This is despite the reality of our flawed justice system and weak institutions. For so many years of proliferating crime and injustice, we have become frustrated and too defensive when it comes to what should happen to solve crime. People seemed to want to electrocute or hang any tagged law offenders even those with the slightest of wrong deeds. Even though we know that this is totally wrong, we cannot blame this people on the other hand because there is really an alarming growth in the number of crimes here in the country. Peace and order is being compromised from time to time. So, setting our religious beliefs aside, of course it is important and necessary to punish criminals as long as it is in accordance to the law. But, with our current status as delivered by our government, pushing for heavier punishments could be a risk because it doesn’t assure justice given that our justice system is still in need of fixture and fortification. The biggest challenge with death penalty is to assure that there will be no persecution due to opposing political, religious or social beliefs and status. This is very crucial because it is indeed possible to happen. Another question would be about the deprivation of rights because at the first place, who are we to decide of a man’s life. But, this doesn’t mean that we set aside any victim who has been violated by criminals. We just believe that like anybody else, these criminals are humans and they have the same rights as much as we do especially the right to life. Of course, we will not ignore any offense and it is in our unison agreement that any violations with the law deserve a consequence according to the law as well. And another thing is that, we must also always consider that we should also stick with our morality and remain doing the things that are morally upright. This is neither to tolerate those who commit crimes nor to encourage them but to prove that the law has the capability to be fair, effective but at the same time compassionate and morally inclined. Also, we want to assure that any move that will greatly affect our nation would not have any backlash that will repress and put our innocent fellowmen in grave danger. As long as there is doubt with how we deliver justice and jurisdiction, it is still our responsibility to amend and fix anything that casts the shadows of doubt and earn the trust and confidence of our Filipino. Who knows what the best for the country is and who will decide for it? But among all other questions is which is really right and best for this country that will lead it to success. In light of this, one thing is clear. We all have to unite and go through this as one nation. PART 1 MA’AM ALICE PERO pinakamalinaw na pagyakap ng mga kabataang aktibista, at mga aktibista sa ibang sektor marahil, kay Guillermo ang pagturing sa sanaysay niyang “Mao Zedong’s Revolutionary Aesthetics and Its Influence on the Philippine Struggle” bilang batayang pag-aaral tungkol sa rebolusyunaryong panitikan, sining at kultura. Kalakip ito sa librong Mao Zedong Thought Lives (1995), kung saan si Guillermo lang ang Pilipinong awtor, bukod kay Armando Liwanag, alyas ng tagapangulo ng Communist Party of the Philippines. Tinawag na “Rev Aes” ang sanaysay, itinuturo sa mga bagong miyembro ng organisasyong masa na laan sa progresibong sining at sa lahat ng interesadong matuto. Maraming kopyang Xerox nito sa mga tambayan at opisina, dahil pinaparami ang nakakatapos at nakakapagturo ng pag-aaral, at itinatala pa nga ang bilang ng napapatapos. Bihirang maigawad ang ganitong karangalan maging sa mga progresibong intelektwal na Pilipino. Ang sanaysay ay payak na pagbubuod ng mga kaisipan ni Mao Zedong tungkol sa panitikan, sining at kultura at kung paano ito inilapat at inilalapat sa sistema at kultura sa Pilipinas. May pangangailangan na tinutugunan ang sanaysay; kung wala nito ay kakailanganing isulat ito. Pero dahil si Guillermo ang nagsulat, makikita hindi lang ang paggagap sa kaisipan sa mga ideya ni Mao Zedong tungkol sa sining at kultura, kundi sa mahabang tradisyong Marxista sa larangang ito. Gayundin sa sining at kultura, na rebolusyunaryo at hindi, sa Pilipinas at mundo. Tiyak na marami nang manunulat, alagad ng sining, at aktibista ang naudyukan ng pag-aaral na magsulong ng progresibong sining at kultura, at ng rebolusyon. Taliwas sa mga paninira sa rebolusyunaryong sining at kultura, makikita sa sanaysay ni Guillermo ang pagiging bukas sa iba’t ibang porma at estilo kasabay ng pagiging kritikal sa mga ito. Kahanga- hanga rin ang panawagan at hamon niyang “i-update” ang rebolusyong pangkultura sa pagharap sa mga usaping relatibong bagong salta sa tanaw ng mga Marxista – bagamat hindi nina Marx at Engels mismo: etnisidad, ekolohiya, at paglaya ng kababaihan. Hindi magiging kagulat-gulat o kagalit-galit kay Guillermo, halimbawa, ang inuulit na panawagan ni Naomi Klein, progresibong intelektwal, na gawing mas tampok na bahagi ng sosyalismo ang pagliligtas sa kalikasan at daigdig sa harap ng climate change. Hindi ito para siraan ang sosyalismo – dahil malinaw na ga-higanteng mas malaki ang pananagutan ng kapitalismo sa usaping ito – kundi ang paunlarin ito sa pagpapanday nito sa hinaharap. Makikita sa sanaysay ni Guillermo ang buong-buhay na pag-aaral, sa teorya at praktika, ng sining at kultura. Malalaman natin ngayon na maagang bahagi ng naturang pag-aaral ang pagsapi niya noong 1959 sa Student Cultural Association of UP o SCAUP, na kilala sa mga talakayan sa mga sulating Marxista-Leninista. Bilang indibidwal, bihira sa mata ng publiko si “Ma’am Alice.” Paminsan-minsan lang siyang makitang naglalakad sa kampus o nagsasalita sa mga pagtitipon. Sinisikap mang palalimin ng mga aktibista ang pagkilala sa mga ideyang binuo at pinalaganap niya, hanggang sulyap lang ang pagkilala sa kanya bilang tao. Kakatwang siyang walang takot pumaksa sa rebolusyon at maging armadong pakikibaka ay isa palang taong ni hindi makabasag ng pinggan sa pagsasalita at pagkilos. Siyang tila kabataan sa pagkakampeon ng rebolusyon ay may edad na pala. Siyang maliit na babae ay tinatawag ng Communist Party of the Philippines na “isa sa mga higante ng kilusan ng rebolusyunaryong pangkultura ng Pilipinas.” Pumanaw si Ma’am Alice sa panahong maraming kabataang manunulat at alagad ng sining, estudyante at intelektwal, ang namumulat at nakikisangkot dahil sa kabulukan ng namamayaning sistema na lalong pinapatampok ng rehimeng Duterte. Ligalig ang mga manggagawa, magsasaka at maralitang lungsod; lumalawak ang mga protesta sa mga unibersidad; maingay at matalas ang seksyon ng social media na tinatawag na “woke”; galit at kumikilos ang maraming manunulat at alagad ng sining; at tampok sa mga protesta ang mga effigy, sining-biswal at mga katulad. Patuloy na dumarami ang mag-aaral ng mga sulatin ni Guillermo at hihimukin ng mga itong magtagal at mag-ambag sa pakikibaka. Pumanaw siya pero mananatiling buhay ang kanyang mga ideya at rebolusyunaryong diwa. 10 Agosto 2018