Pagdami ng Chinese Workers sa Bansa ... p. 4
The Best
Choice for
Design &
Quality
VOLUME XLI
No. 48
November 28-December 4, 2018
P6.00
For quotation
requests, please
contact us at
(049) 834-6261
or email us at
sinagprinting@
gmail.com
People’s Initiative para Palakasin ang Local Autonomy,
Pormal nang Sumulong
PORMAL nang pinasimulan ang
pagkilos upang palakasin pa at
patibayin ang lokal na awtonomiya
ng mga pamahalaang lokal sa
pamamagitan ng isang People’s
Initiative.
Sa isang pagtitipon noong
ika-16 ng Nobyembre 2018 sa
Barangay Kumintang Ibaba, Batangas
City, lumagda si Batangas Governor
Dodo Mandanas sa petisyon upang
isulong ang People’s Initiative
ng mga karaniwang mamamayan
upang maamyendahan ang 1987
Constitution para palakasin ang
kakayahan ng mga local government
units.
Nakiisa
at
kasamang
pumirma sa inisyatibo si Barangay
Captain Enrique Cleofe, mga
barangay officials at ilang mga
mamamayanang rehistrado sa Brgy.
Kumintang Ibaba. Si Gov. Mandanas
ay isang registered voter ng naturang
barangay.
Ilang mga munisipalidad
na rin ng Lalawigan ng Batangas,
kabilang ang Malvar, Taal, Balete, San
Pascual, Lemery, Lobo, Balayan at
Calatagan, ang napuntahan patungkol
sa nasabing inisyatibo. Nagpahayag
naman ng suporta sa adhikaing
mapalakas ang local autonomy ang
mga dumalo sa bawat pagtitipon,
kabilang ang mga punong-bayan at
iba pang mga local officials.
Ipinaliwanag
ng
gobernador na kabilang sa mga
layunin ng pagkilos ang pagpapalaki
ng kabahagi sa mga buwis na
nalilikom ng bawat bayan, sang-
ayon sa pagtukoy at panuntunan
ng mga local government units,
na hindi na kailangang dumaan
pa sa mga ahensyang nasyunal; at
ang pagpapalawig ng termino ng
paglilingkod ng ating mga opisyal
ng bayan upang maipatupad ang
mga programa patungkol sa serbisyo
publiko ng mas maayos at tuloy-
tuloy.
Ang mga ipinapanukalang
pagbabago ay sa katitikan ng mga
probisyon ng 1987 Philippine
Constitution, particular sa Sections 5,
6, 7 at 8 ng Article X na tungkol sa
Local Government.
Hiniling ng Batangas
governor ang pakikiisa ng lahat dahil
ang higit na makikinabang dito aniya
ay ang mga karaniwang Pilipino.
Para umusad ang People’s
Initiative, kakailanganin ang pirma
ng 12% ng kabuuang bilang mga
mga botante sa Pilipinas, kabilang
ang lagda ng 3% ng kabuuang bilang
mga mga botante sa bawat legislative
district. Shelly Umali & Vince Altar –
Batangas Capitol PIO
Pagsusulong sa People’s
Initiative, Suportado na
ng LMP at LnB
NAGPAHAYAG na nang pagsuporta
ang Liga ng mga Munisipalidad
sa Pilipinas (LMP) at Liga ng mga
Barangay sa Pilipinas (LnB) sa
isinusulong na People’s Initiative (PI)
bilang paraan upang maamyendahan
ang ilang mga probisyon ng
Konstitusyon ng Pilipinas.
Ang PI ay isa sa tatlong
paraan
ng
pag-amyenda
ng
Konstitusyon, bukod sa constituent
assembly at constitutional convention.
Dito ay magkakaroon ang taumbayan
ng pagkakataon upang baguhin, ipasa
at maipanukala ang mga pagbabago.
Ang suporta ng dalawang
liga ay labis na ikinatuwa ni Batangas
Governor Dodo Mandanas, isa
sa mga nangunguna sa nasabing
pagkilos na nagsusumikap na mas
mapalakas pa at mapagtibay ang lokal
na awtonomiya sa buong bansa upang
maihatid ang mga pangunahing
serbisyo at programa ng mas mabilis
at maayos.
Ang LMP at LnB ay
mga liga na tumatayong national
representatives sa pagtataguyod ng
lokal na agenda. Ito ay binubuklod ng
ULAP o Union of Local Authorities
of the Philippines na kinikilala bilang
umbrella organization ng lahat ng liga
at samahan ng Local Government
Units (LGUs) sa bansa at ng mga
locally elected officials.
Matatandaan
noong
Agosto ay nagpasa ang ULAP ng
isang resolusyon na kumikilala
at nagpapahayag ng suporta kay
Governor Mandanas sa pagsusulong
ng karapatan ng mga LGUs na
magkaroon ng “just share” o wastong
kabahagi ng Internal Revenue
Allotment (IRA), alinsunod sa
isinasaad sa batas.
Samantala, patuloy ang
isinasagawang information campaign
upang maipabatid sa publiko kung
ano ang kahalagahan ng layunin ng
People’s Initiative na nag-umpisa
na sa ilang mga munisipalidad at
barangay sa Lalawigan ng Batangas.
✎Mark Jonathan M. Macaraig –
Batangas Capitol PIO
Para sa mas malakas na Local Autonomy. Sa isang pagtitipon noong ika-16 ng Nobyembre 2018 sa Barangay Kumintang Ibaba,
Batangas City, lumagda si Batangas Governor Dodo Mandanas sa petisyon upang isulong ang People’s Initiative ng mga karaniwang
mamamayan upang maamyendahan ang 1987 Constitution para palakasin ang kakayahan ng mga local government units. Nakiisa at
kasamang pumirma sa inisyatibo si Barangay Captain Enrique Cleofe, mga barangay officials at ilang mga mamamayanang rehistrado
sa Brgy. Kumintang Ibaba.
Capability Building Programs para
sa Lalawigan ng Batangas, tinalakay
KASABAY ng isinagawang Joint
General Assembly Meeting ng
Provincial Development Council
(PDC) at Provincial Disaster
Risk Reduction and Management
Council (PDRRMC), tinalakay
ang Capability Building Programs
(CBP) para sa Lalawigan ng
Batangas na may hangarin na
mas mapalawig pa ang mga
tulong at proyektong naka-sentro
sa ikabubuti ng mga Batangueño.
Ang
nasabing
pagpupulong ay pinangunahan
ni Governor Dodo Mandanas,
kasama ang ilang opisyal ng
Pamahalaang
Panlalawigan
ng Batangas, at dinaluhan ng
mga alkalde mula sa iba’t-iba’t
munisipalidad at lungsod. Ito
ay ginanap noong ika-13 ng
Nobyembre 2018 sa Bulwagang
Batangan, Capitol Compound,
Batangas City.
Sa pagpapaliwanag ng
gobernador sa mga partisipante,
plano
ng
pamahalaang
panlalawigan
na
humiram
ng halagang apat na bilyong
piso sa anumang financial
institutions para sa Educational
Capability Program, Health
Capability Program at Capability
Development
Program
for
LGUs na nakapaloob Capability
Building Program.
Aniya, ang CBP ay
legal na binalangkas sang-ayon
sa Republic Act 7160 o Local
Government Code, kung saan
nakapaloob ang full autonomy ng
Kapitolyo sa pagsasakatuparan
ng proprietary functions, kabilang
Mga Programa tungo sa isang #RichBatangas. Upang mas mapalawig at mapalakas pa ang
pagpapaabot ng tulong sa mga bayan at lungsod patungo sa bawat Batangueño, pinangunahan ni
Governor Dodo Mandanas ang pagtalakay sa Capability Building Programs ng lalawigan sa Joint
General Assembly Meeting ng Provincial Development Council (PDC) at Provincial Disaster Risk
Reduction and Management Council (PDRRMC) na idinaos sa Bulwagang Batangan, Capitol
Compound, Batangas City noong ika-13 ng Nobyembre 2018. ✎ Mark Jonathan Macaraig/Photo by
Karl Ambida – Batangas Capitol PIO
ang magpasok sa loan agreements
sa
anumang
bangko
ng
pamahalaan at mga institusyong
nagpapautang.
Sa
programang
nakatuon sa edukasyon, ilalaan
dito ang halagang isang bilyong
piso para sa pagpapatayo ng
Open Classrooms at Education
Buildings with Library Hub.
Kasama rin dito ang pagkakaroon
ng Service Vehicles, LED
screens para sa elementarya at
sekondaryang mga paaralan,
Instruction Materials, Educational
Assistance Program at iba pang
proyekto sa labas ng regular
Special Education Fund o SEF.
Isang bilyong piso rin ang ilalaan
sa Health Capability Program na
nakatuon sa Batangas Provincial
Hospitals bilang isang Economic
Enterprise. Ito ay base sa ilang
mga naipasang resolusyon at
ordinasa gaya ng Resolution
No. 05-2018 o Converting Lipa
City Lipa City District Hospital,
Laurel District Hospital, and
Apacible Memorial District
Hospital as economic enterprise
at Provincial Ordinance No. 016-
2017 o Batangas Public-Private
Joint Venture.
Kasama rin sa proyektong
pangkalusugan ang pagkakaroon
ng Construction of Dialysis and
Diagnostic Building at pagbili
ng mga kagamitang pang-
medikal katulad ng Computed
Radiography System, CT Scan
Machine with Complete Set-
up and accessories, 2D Echo
Machine, MRI Machine at
Automatic External Defibrillator
(AED) for ambulance use.
Huling pinagusapan at binigyang
diin ni Governor Dodo Mandanas
Sundan sa pahina 6..