Tambuling Batangas Publication November 21-27, 2018 Issue | Page 8
Double whammy for ‘Yolanda’ survivors... p. 4
The Best
Choice for
Design &
Quality
VOLUME XLI
No. 48
November 21-27, 2018
P6.00
For quotation
requests, please
contact us at
(049) 834-6261
or email us at
sinagprinting@
gmail.com
Nutrition level ng mga bata dapat pang pataasin
SINABI ni City Nutrition Action
Officer Luciana Manalo na bagamat
hindi malaking problema ang
malnutrisyon sa Batangas City,
kailangan pang tumaas ang nutrition
level ng mga bata upang ang mga ito
ay lumaking malusog, mahusay ang
performance sa school, produktibo
at maging maganda ang income sa
hinaharap.
Mahalaga aniya ang breast
feeding sa unang 1000 days ng
sanggol sapagkat ito ang magbibigay
sa kanya ng wastong nutrisyon
upang maging malusog, malakas ang
resistensya sa sakit, magkaroon ng
tamang timbang habang lumalaki at
maging matalino.
Ayon sa ulat ni Manalo, sa
25,354 na mga batang 0-59 months
old na sumailalim sa Operation
Timbang ngayong 2018,, ang resulta
sa Weight-for-Age ay 23,645 o
93.3% ang normal, 908 o 3.6%
ang underweight, 259 on 1.0% ang
severely underweight at 542 o 2.1%
ang overweight.
Sa Length/Height-for-Age,
21,908 o 86.4% ang normal, 1,837
o 7.3% ang stunted o bansot, 697 o
2.7% ang severely stunted at 012 o
3.6% ang matataas. Sa Weight-for-
Length/Height, 22,857 o 90.1% ang
normal, 889 o 3.5% ang wasted, 335
o 1.3% ang severely wasted, 803 o
3.2% ang overweight at 470 o 1.9%
ang obese.
Sa tala ng DOH, may
44,972 and estimated population ng
mga 0-59 months old sa Batangas
City at ito ay 13.5% ng kabuuang
populasyon na 332,974 ng Batangas
City.
Sa panahon ngayon ng mga
fast food at gadgets, nasasakripisyo
ang wastong nutrisyon at physical
activities kayat payo ni Manalo sa
mga ina na sanayin ang kanilang
mga anak na kumain ng balanced diet
na binubuo ng karne, isda, gulay at
prutas. Magaling din aniyang pisikal
silang maglaro o mag ehersisyo. Sa
ganitong paraan, maiiwasan din ang
mga lifestyle diseases kagaya ng
sakit sa puso at hypertension. (PIO
Batangas City)
Pamilya pinalalakas
ang kahandaan sa
kalamidad
BATANGAS CITY- Sumailalim
sa Family Disaster Management
Seminar ang barangay officials,
samahan ng kababihan at ilang
residente ng Barangay Gulod
Labac sa Mini Park ng barangay,
Nov. 21, sa layuning malaman
kung ano ang mga paghahandang
dapat gawin upang maseguro ang
kaligtasan kung may kalamidad.
Ayon kay Pangulong
Digna
Fajarito,
“madaling
umaksiyon kung may sapat na
kaalaman.” Mahalaga aniya sa
katulad nilang mga barangay
officials ang magkaroon ng
kaalaman sa pagresponde sa
kalamidad at pag ligtas ng buhay.
Kabilang
sa
mga
ahensya ng pamahalaan na
nagbigay ng pagsasanay ay ang
City Health Office kung saan
itinuro nila ang health emergency
at
water
and
sanitation.
Tinalakay ng City Disaster Risk
Reduction and Managemnt Office
(CDRRMO) ang tungkol sa
climate change, mga paghahanda
sa bagyo at lindol. Tinalakay
naman ng Bureau of Fire ang
tungkol sa fire safety habang
nagbigay ng kaalaman ang
Batangas City Police tungkol sa
pre-emptive evacuation. Ang City
Social welfare and Development
Office ang nagsalita sa camp
management o pangangasiwa
ng evacuation center habang
ang City Engineers Office ang
nagbigay ng impormasyon sa
electrical safety.
Itinuro din sa kanila
kung paano gumawa ng plano
kung saan sinasabi rito ang mga
lujgar na mapanganib at saan ang
ligtas na lugar na dapat puntahan
kung
may
kalamidad.(PIO
Batangas City)
Sen. JV, Naging Bisita sa Educational
Assistance Distribution
NAGING panauhin si Sen.
JV Ejercito sa Distribution
of Educational Assistance ng
Pamahalaang Panlalawigan ng
Batangas, sa ilalim ng Batangas
Province Scholarship Program,
na isinagawa sa Provincial
Auditorium, Capitol Compound,
Batangas City noong ika-29 ng
Oktubre 2018.
Kaharap
ang
mahigit 600 na mga iskolar
ng Lalawigan ng Batangas,
naging topic ng talumpati ang
“The Road to Sustainable and
Inclusive Economic Growth”,
(PIO Batangas City)
31st Prison Awareness Week celebration,
idinaos sa Batangas Provincial Jail
IPINAGDIWANG ng Batangas
Provincial Jail (BPJ) noong ika-
22 hanggang 28 ng Oktubre 2018
ang Prison Awareness Week, sa
pangunguna ni Provincial Public
Order and Safety Department
Head at Batangas Provincial Jail
Officer-In-Charge, Atty. Genaro
S. Cabral.
Sa temang “Lord, may I
see, hear and act on the request
for help of your people”, naglaan
ang BPJ ng mga aktibidad
na may layuning maitaas ang
moralidad at mabigyang halaga
ang mga inmates sa kabila ng
kanilang kalagayan sa piitan.
Naging tampok sa
Prison
Awareness
Week,
ang Issuance of Certificate
of Release from Detention
of Prisoners na personal na
dinaluhan ni Governor Dodo
Mandanas at Atty. Cabral para sa
15 inmates matapos magpakita
ng kagandahang asal sa loob ng
bilangguan habang nagsisilbi ng
kanilang sentensya.
Sinimulan
ang
selebrasyon ng isang misa at
seminar patungkol sa values
at volunteer in prison service
noong ika-22 ng Oktubre.
Sa mga sumunod na araw, nagkaroon ng gift giving sa
mga preso na handog ng mga
mag-aaral mula sa Sta. Teresa
College ng Bauan, Batangas.
Ginanap din ang graduation
ceremony ng 74 male at 26
female inmates na sumailalim
sa Hilot Wellness Massage
Training na pinangunahan ng
First in Learning Electronics
Training Center o FILETC at
TESDA Batangas.
Ika-25 ng Oktubre
naman nang bumisita sa
nasabing piitan sina Judge
kung saan binalangkas ng
senador ang kakayahan ng
Pilipinas na makipagsabayan
sa pandaigdigang ekonomiya
sa darating na panahon. Aniya,
malaki ang magiging bahagi
ng kabataang Batangueño sa
magiging pagbabago ng bansa
tungo sa tunay na kaunlaran kaya
mahalagang pagtuunan ng pansin
ang edukasyon sa lalawigan.
Nagkaroon din ng open
forum matapos ang pananalita
ni Sen. Ejercito, kasama sina
Provincial School Board –
Scholarship Head, Mrs. Merlita
Pasatiempo, at mga executive
assistants
ni
Gov.
Dodo
Mandanas, kung saan nagkaroon
ng palitan ng mga kuro-kuro at
malayang talakayan. JJBPascua,
Batangas Capitol PIO
15 Batangas Provincial Jail inmates, matapos magpakita ng kagandahang asal sa loob ng bilangguan,
ang nabigyan Certificate of Release from Detention of Prisoners noong ika-28 ng Oktubre 2018, sa
pagdiriwang ng Prisoners’ Awareness Week. Iniabot nina Gov. Dodo Mandanas at Provincial Public
Order and Safety Department Head at Batangas Provincial Jail Officer-In-Charge, Atty. Genaro S.
Cabral, ang mga sertipiko. Photo: Batangas Provincial Jail – Batangas Capitol PIO
Dorcas
Ferriols-Perez
ng
Regional Trial Court Branch
84 at Judge Ismael Macasaet
ng RTC Branch 1 ng Batangas
City para sa Jail visitation of
Judges upang makapagbigay ng
legal consultation. Nagkaroon
din ng mga aktibidad gaya
ng dance and singing contest,
barako gay contest at Live Band
Performance na pawing mga
handog para sa kasiyahan ng
mga inmates. Mark Jonathan
Macaraig – Batangas Capitol
PIO