Tambuling Batangas Publication November 14-20, 2018 Issue | Page 8

Double whammy for ‘Yolanda’ survivors... p. 4 The Best Choice for Design & Quality VOLUME XLI No. 47 November 14-20, 2018 P6.00 For quotation requests, please contact us at (049) 834-6261 or email us at sinagprinting@ gmail.com 4th Quarter 2018 Nationwide Simultaneous Earthquake Drill, Isinagawa sa Lobo, Batangas SA patuloy na paghahanda sa mga kalamidad, nagsagawa ang Provincial Disaster and Risk Reduction Management Council (PDRRMC) ng isang Earthquake Drill sa Mataas na Paaralan ng Malabrigo sa bayan ng Lobo, Batangas na ginanap noong ika-5 ng Nobyembre 2018. Sa isinagawang “4th Quarter 2018 Nationwide Simultaneous Earthquake Drill and Observance of World Tsunami Day,” sabay-sabay na pinindot nina Lobo Mayor Gaudioso Manalo, Office of Civil Defense IVA Regional Director Olivia Luces, Batangas PDRRMO Chief Lito Castro at Provincial Fire Marshall, F/SUPT Jerome Reano ang alarm button bilang hudyat ng pagsisimula ng nasabing drill. Matapos marinig ang hudyat, nagsilabasan ang mga estudyante at mga guro matapos ang “Duck, Cover, and Hold position” at agarang nagtungo sa isang open area ng paaralan. Agad namang nagsagawa ng headcount ang bawat guro. Kasabay nito, lumikas din ang ilang pamilya sa nasasakupang lugar bitbit ang mahahalagang gamit at pagkain tulad ng noodles, tinapay, tubig, de lata at mga gamot na maaaring kailanganin nila. Kaagapay ng naturang aktibidad ang Philippine Red Cross, Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC), Municipal Disaster Risk Reduction & Management Sundan sa pahina 6.. #BidaAngHanda! Nagsagawa ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC), sa pangunguna ni Batangas PDRRMO Chief Lito Castro, ng isang Earthquake Drill sa Mataas na Paaralan ng Malabrigo sa bayan ng Lobo, Batangas noong ika-5 ng Nobyembre 2018 kaugnay ng 4th Quarter 2018 Nationwide Simultaneous Earthquake Drill and Observance of World Tsunami Day kasama sina Mayor Gaudioso Manalo, OCD Regional Director Olivia Luces, at Fire Marshall Jerome Reano. Junjun Hara De Chavez/ Photo: Maccvenn Ocampo – Batangas Capitol PIO Higit P260 Milyong Halaga ng mga Proyekto Provincial Avian Influenza PSB: para sa Edukasyon, On-going sa Batangas Province Simulation Training PROYEKTO ng Nakatakda sa ika-30 ng 31 Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas para sa edukasyon, Oktubre na nagkakahalaga ng mahigit PINULONG ng mga opisyal ng Provincial Veterinary Office (ProVet) ang mga kasaping tanggapan ng Provincial Avian Influenza Task Force upang paghanadaan ang isasagawang Avian Influenza (AI) Simulation Training para sa mga military personnel at mga miyembro ng Provincial Avian Influenza Task Force na nakatakdang ganapin sa ika-30 ng Oktubre 2018. Bilang paghahanda sa isang AI outbreak, ibinahagi ng ProVet sa mga kinatawan ng Provincial Health Office, Provincial Agriculture Office, Provincial Government- Environment and Natural Resources Office, Provincial Information Office, Philippine National Police Batangas at mga kinatawan ng poultry industry sa lalawigan ang ikinakasang preparasyon at pagpaplano sa isasagawang simulation. Kabilang sa ipinakita ang mga probisyon at nilalaman ng Resolution No. 123, Provincial Ordinance No. 006 of 2016, or An Ordinance Providing for the Prevention and Control of Highly Pathogenic Avian Influenza in the Province of Batangas, kung saan nakasaad ang mga isasagawang hakbang sa pagsasagawa ng simulation exercise. Nakapaloob sa ordinansa ang mga probisyon na pipigil sa pagpasok ng mga apektadong alagang hayop upang masiguro ang kaligtasan ng kalusugan ng mga mamamayan at proteksyon ng poultry and animal farm industry; pagbabawal ng pagbebenta ng mga manok na apektado ng AI; mahigpit na pagbabawal na paglalagay o bastang paghahalo-halo ng mga apektadong manok, bibe at baboy sa mga kulungan; at, paghihigpit ng aktibidad ng pagsasabong at pagbebenta ng mga buhay na manok sa mga pamilihan. Binigyang-diin sa mga kasapi ng Provincial AI Task Force ang kahalagahan ng maagang deteksyon ng sakit sa mga alagang hayop; pagpigil sa pagkalat ng sakit; mabilis na pagkatay at tamang pagtatapon ng mga apektadong mga hayop; at implementasyon ng bio-security measures sa mga malalaking poultry farms. Sa pamamagitan ng isang malakihang demonstrasyon, hangad ng Provincial AI Task Force maipakita sa mga kasapi ng media at iba pang mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan ang mga hakbang at alintuntunin na ipatutupad sa isang lokasyon sa oras na tumama ang Avian Flu. Kabilang sa ipakikita ay ang tamang disposal ng mga manok, quarantine and vaccination procedures, paglalagay ng strategic checkpoint locations, pagpapatupad ng crisis communication network para sa mga mamamahayag at kasapi ng media at pagpapakita ng tamang dokumentasyon at pagkuha ng mga biological samples sa apektadong lugar. – Edwin V. Zabarte, Batangas PIO Capitol P260 milyon, ang kasalukuyang isinasagawa sa iba’t ibang bayan ng Lalawigan ng Batangas sa pamamagitan ng Provincial School Board (PSB). Ito ang naging tampok sa ulat na ipinahayag ni Engr. Evelyn L. Estigoy, ang hepe ng PSB Secretariat, noong ika-22 ng Oktubre 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City. Ayon kay Engr. Estigoy, natapos ang bidding para sa mga nasabing proyekto noong Agosto 2018. Kabilang sa mga pagawaing bayan ang konstruksyon ng 18 mga bagong school buildings, 10 open classrooms at 2 day care centers; at pagsasaayos ng Batangas High School for Culture and Arts (BHSCA). Ang Batangas High School for Culture and Arts, na nasa Bolbok, Lungsod ng Batangas, ay isa sa dalawang paaralang pansekondarya ng pamahalaang panlalawigan na may special curriculum. Ang BHSCA ay nakatuon sa mga creative arts tulad ng teatro, pag- awit at pagsayaw. Ang isa pa ay ang Batangas Province Science High School sa Munisipalidad ng Calaca. Kabilang din sa mga programang isinasakatuparan ng PSB ang pagsuporta sa operasyon at pagpapanatili ng mga pampublikong paaralan sa lalawigan. Bukod sa suporta sa karagdagang guro at school workers, nakapagbigay na rin sa iba’t ibang humiling na paaralan ng mga kagamitan, tulad ng 231 laptop computers, 4,887 arm chairs, 200 teacher’s tables and chairs, at special equipment (tulad ng soil thermometers, wheelbarrows, electrode oven, weighing scales, comb tooth arrows at cake mixers). Noong nakaraang Brigada Eskwela, halos 4 na libong gallon ng pintura, 5 libong piraso ng GI sheets at 3 libong piraso ng plywood ang naipamahagi sa 245 na mga paaralan; bukod pa sa 12 libong sako ng semento na ibinigay sa 453 schools. Vince Altar – Batangas Capitol PIO